Sa relasyon, di naman mahalagang marami ang nakaka alam, kasi HABANG DUMADAMI ANG NAKAKAALAM, NADADAGDAGAN ANG NANGINGI-ALAM!- Athena
----
Athena's Point of View..
....
"Pasasayahin ka" sabi niya tapos tumakbo siya palayo sa'kin. Sobrang dilim pa naman nung lugar.
Tapos may biglang mga lalaking lumapit sa'kin!
....
"Sino kayo?" Sabi ko at umurong ng konti para makaiwas sa kanila. "Lumayo kayo sa'kin" sabi ko pero patuloy pa din silang lumalapit sa'kin.
"Tulong!" Sigaw ko, tapos tinatawag ko si Dominic sa isip ko. Hayup na yun, nawala na, ipapahamak pa 'ko!
Kaya lang walang tao sa paligid kaya mabilis nila 'kong nahawakan sa magkabilang kakay ko. Tapos tinakpan nila yung mata ko gamit ang blind fold.
"Mga kupal kayo! Hindi kami mayaman para kidnapin niyo 'ko! --Dominic tulong!" Sigaw ko habang nagsisipa para makatakas sa mga lalaking 'to.
Akala ko ba pasasayahin ako ni Dominic, pero bakit ganito? Bakit niya 'ko iniwan at hinayaang kuhanin ng mga lalaking 'to.
Hindi naman ako isinakay sa van o sa kotse nung mga lalaking kumuha sa'kin. Mga five minutes din eh, tumigil na sila sa paglakad at tinanggal yung blind fold sa mata 'ko. Nung una wala akong makita.. hanggang sa may magbukas na spot light at tumapat sa akin. Tapos may isang lalaki na nagsuot sa'kin ng white long gown, kahit nakadamit at naka-shorts pa 'ko.
"Ano 'to, papatayin nalang nila 'ko.. kailangan naka-gown pa" bulong ko sa isip ko.
Umiyak nalang ako at tinakpan ko yung mukha 'ko. Pero wala wala pang ten minutes na nakatakip yung kamay ko sa mukha ko eh.. may mga lalaki na naman na papalapit sa'kin. This time.. may mga hawak na sila.
"Merry Christmas po," may inabot na red, white, and pink na roses yung nakasemi-formal na lalaki. Gusto ko sanang itanong kung kanino ba nanggaling yun, kaya lang mabilis na siyang nakaalis.
Sumunod naman yung isang lalaki sa likod niya, "Merry Christmaa po! Eto oh," may inabot naman siya sa'king chocolate at heart shaped na balloon. Yiee, cute naman. Eto yata yung surprise sa'kin ni Dominic.
Pagkatapos no'n, puro bulaklak na ang ibinigay nung tatlong magkakasunod na lalaki. Ang cute talaga. Sino kayang may pakana nito? Yari talaga si Dominic sa'kin kapag siya ang may gawa nito. Sakit kaya sa puso. Nung una akala ko may kidnapan effect. Tapos ngayon may ganito naman. Kung may sakit lang siguro ako sa puso eh.. kanina pa 'ko nasa embalsamador at pinageexperementuhan na ang katawan ko. Joke, tatanggalan pala 'ko ng dugo at laman loob.
"Athena, Merry Christmas. Huwag ka nang malungkot huh. Mahal ka ng Hubby mo" si Drew. Yumakap pa siya sa'kin, tsaka siya lumapit dun sa mga lalaki kanina.
Sumunod naman si James na lumapit sa'kin. "Yieee.. kinikilig siya. Hahaha! Oh," nakakatawa talaga 'to si James eh. May inabot siya sa'king white chocolate. Whoot whoot! White chocolate!
"Baby Athena. Merry Christmas. Pagbalik ng Hubby mo.. yari sa'kin yun! Sabi ko 'wag kang paiyakin eh. Smile ka na huh!" Si Kuya.
"Pakiss. Joke! Merry Christmas Athena. Smile ka lang huh. 'Di ba sabi ko sa'yo dati.. lagi ka lang ngingiti," hinawakan ni Steven yung magkabilang pisngi ko tsaka inistretch, para ngumiti na 'ko nang pagkalaki-laki. "Ayan, mas maganda ka kapag ganyan!" Sabi pa niya. Napangiti naman talaga 'ko sa ginawa niya. Lahat pala sila nagaalala sa facial expression ko. Ganon ba 'ko kalungkot para ipaalala nilang lahat sa'kin kung paano ba ngumiti ulit.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...