Chapter 39- New Chapter

2.6K 108 32
                                    

Kung gaano kayo nahihirapang maghanap ng hindi SELOSANG BABAE,ganun din kahirap humanap ng hindi BABAERONG LALAKI- Athena

....

Athena's Point of View..

----

Isang araw na nung umalis si Hubby ko papuntang New York. Pero hindi pa din siya tumatawag sa'kin.

"Ano kayang nangyare kay Hubby" bulong ko sa isip ko habang inaayos ko yung gamit ko at ni Jolo sa may drawer ng kwarto namin.

Habang nag-aayos ako, bigla namang may nagdoor bell.

"Mommy may tao po" sabi ni Jolo habang hila-hila yung damit ko.

"Sino kaya 'to. Kakalipat lang namin dito eh.. may istorbo kaagad" sabi ko habang papalapit sa pinto.

Pagbukas ko naman parang luluwa yung mata ko sa nakita 'ko. Artista ba 'to!

"Ah, ano pong hanap nila?" Tanong ko.

"Bagong lipat kayo dito?" Tanong niya sakin tapos may inabot siyang lalagyanan ng ulam, "Ah, konting ulam nga pala, niluto ni Mommy" sabi niya. Ang gwapo niya kapag nakangiti siya.

"Athena behave" bulong ng isip ko. Ewan ko ba, parang may something sa lalaking 'to. Kakaiba siya eh. Pero kay Hubby lang ako nuh! Naga-gwapuhan lang ako sa kaniya.

"Salamat huh! Ah, pasok ka muna" Sabi ko at pinapasok siya. Naabutan ko pa si Jolo na kumakain ng ice cream kaya pinapasok ko na muna siya sa kusina. Naglalatiti kasi eh.

Pinaupo ko muna siya bago ako pumunta sa kusina at i-check si Jolo. Kumuha na rin ako ng makakain para sa kaniya.

"Who's that guy Mommy?" Tanong ni Jolo sakin at sinisilip pa yung lalaki. Kahit ako hindi ko siya kilala. Pero parang nakita ko na siya before. Parang nakita ko na siya somewhere. "Magagalit si Daddy, Mommy, kapag nalaman niya na may bad guy sa house" sabi pa ni Jolo.

"Jolo, hindi naman siya mukhang bad guy eh. Binigyan niya pa nga tayo ng pagkain eh. Tsaka mabuti na rin yun, para may makaka kwentuhan tayo. Tsaka ikaw, pwede mo siyang makalaro" sabi ko. Ngumiti naman siya agad at tumakbo palapit kay.. ano ngang pangalan non.

"Let's play! Play tayo" hinila agad ni Jolo yung lalaki papunta sa labas.

Kinuha ni Jolo yung bola niya bago sila lumabas ng bahay. Sa labas kasi may malaking bakuran, puro damo lang tsaka tanaw yung dagat. Ako naman kumuha lang ng upuan tsaka pinagmasdan sila habang naglalaro.

Hay Hubby, sana nandito ka nalang! Edi sana ikaw ang kalaro ni Jolo ngayon. Ikaw kasi eh.. umalis ka pa.

Speaking of Hubby. Hindi pa nga pala siya tumatawag sakin, simula kahapon. Tss, yari talaga siya sa'kin.

"Mommy pagod na 'ko," umupo si Jolo sa may mini chair na katabi ng upuan ko. "Are you okay Mommy?" Tanong bigla ni Jolo. Napansin niya yata na may iniisip ako.

"Yes. Napagod lang si Mommy sa pag-aayos kanina sa mga gamit natin. Ikaw pagod ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes, but I'm a big boy na. At ang big boy, sabi ni Daddy.. hindi daw napapagod" sabi niya. Natawa nalang kami ni.. Teka, sino nga pala 'tong lalaking kalaro ni Jolo.

Naupo yung lalaki sa medyo malayo samin. Hindi ako makatingin sa kaniya. Kahit kasi papano eh.. nahihiya ako. Hanggang bigla niya nalang binasag yung katahimikan.

"Ang aga mo naman yatang nag-asawa?" Tanong niya na nagpalingon naman sakin agad at tignan siya. "Anak mo siya, right?" Sabi niya at tumingin kay Jolo.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon