Noong bata pa tayo, iiyak tayo kay Mommny kung may gusto tayo. Try ko kayang umiyak sa Mommy mo? Baka kasi ibigay ka pa niya saken- Tristan
----
Tristan's Point of View..
....
"Ipapanalo ko 'to"
Yun nalang ang nasabi ko. Sakit kasi sa mata ng nakikita ko ngayon eh. Pucha naman kasi 'tong si Steven eh. Gusto pang agawin si Athena sa'kin. Kagabi pa 'ko naiinis sa kaniya. Tang*na!
"Oh, game!" Sigaw ko. Tapos nagsi-ayusan sila sa pwesto nila. Kainis, si Karina pa yung nasa likod ko. Ayoko na sa kaniya. Pucha, kung 'di lang siya gusto ni Jolo eh.
"Kung sino ang lalampas sa line na ito, talo!" Sabi ni Kuya Phil. Medyo may edad na namamahala sa Resort. Organizer din siya kung minsan. "One, two.. hila!" Sabi ni Kuya.
Nagsimula na naming hilahin yung tali. Syempre sino pa ba ang angat? Edi kami lang naman! Puro babae ang ka-team ni Steven eh. Pero tang*na, nasa kaniya si Athena. Ang baby girl ko!
"Hila, ang bakla mo naman Tristan eh" sigaw ni Jared! Syete pala siya eh! Hirap na nga ako dahil kay Karina na nasa pusod ko na yung kamay niya eh. Nawawala tuloy ako sa focus.
"Oo nga, hila Tan!" Sigaw naman ni Drew.
"Steven, kaya natin yan! Hila!" Sigaw ni Bethina sa kabilang grupo. Yung mga nanunuod kaniya-kaniyang manok. Pero syempre mas maraming kampi samin. Gwapo kaya ang leader namin!
"Hila pa! Ayan na!" Sigaw ni Steven sa mga kagrupo niya. Pucha, ngayon ko lang napansin.. nasa likod niya pala si Athena.
Sa inis ko sa nakita ko. Mas nilakasan ko yung hila sa tali. Kaya ang ending.. kami ang nanalo! Hmp, sabi ko naman sa kanila na umuwi nalang sila ng Manila eh! Mga weak!
"Panalo tayo! Whooo" sigaw ni Karina at yumakap pa sa'kin. Si Jolo rin nagtatatalon sa tuwa. Yung grupo nila Athena. Parang mga ewan ang mukha. Nung nakita ko siya, nakasimangot lang at lumakad papuntang kwarto nila.
"Saglit lang," sabi ko kay Karina para sundan si Athena.
Bago pa 'ko makahabol sa kaniya ang daming bumubunggo sa'kin. Tang*na, 'pag 'di ako nakahabol kay Athena eh. Pagtatatapon ko sila sa dagat!
"Athena" sigaw ko pero hindi pa rin siya lumilingon. Problema nito? Kagabi lang kinikilig sa mga sinabi ko eh. "Huy! Athena!" Sigaw ko ulit, pero deadma.
Malapit na siya sa pinti ng sumigaw ulit ako, "Baby Girl" sabi ko. Ayun huminto. Haha, Tristan yata 'to. Malakas sa chix.
"Ano ba yun Mr. Six pack abs" sabi niya. Tang*na, kinilig mga laman ko dun ah. Kita niya pala yung six pack abs ko. Hmp, lagi na nga akong magmamanipis na sando.
Lumapit lang ako sa kaniya bago ako nagsalita, "Naughty ka baby girl" sabi ko. Wala na 'kong pakielam kung may makakita samin.
"Alam mo ewan ko sa'yo. Six pack abs lang, naughty na!" Sabi niya na medyo namula. Nagulat lang yata siya sa sinabi niya kanina.
"Wag kang mag-alala. Araw-araw akong magsasando para makita mo lang 'to.." kinuha ko yung kamay niya tsaka ko ipinatong sa abs ko. Yung mukha niya, daig pa pumasok sa horror house. Gulat na gulat!
Bigla niyang tinanggal yung kamay niya sa abs ko, "Ah-- kasi Tristan ano. Hoy, bakit mo nilagay yung kamay ko dyan" maamong sabi niya nung una, pero nung huli, naging lion na. May tatalo na yata sa pagiging lion ko!
"Saan?" Hindi niya kasi masabi yung abs.
"Sa ano--"
"Saan?" Mas nilapit ko yung katawan ko sa kaniya. Naughty boyfriend! ASA!
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...