Chapter 34- Mystery Girls

3.2K 146 18
                                    

Saying I miss you had been used many times, that its meaning I lost. But don't worry, when I say I miss you It's my own way of saying "Alam mo hinahanap ka na ng puso ko"- Athena

----

Athena's Point of View..

....

Habang natutulog ako may parang ewan na kumikiliti sa paa ko. Kainis, apat na oras palang akong nakakatulog eh.

"Tristan?" Gulat na sabi ko nung makita ko siya sa kwarto ko. "Hoy, anong ginagawa mo dito?" Sabi ko at nagtakip ng kumot sa buong katawan ko.

"Sinusundo ko girlfriend ko" Girlfriend? Patay! Kami na nga pala ni Monster. Ganito pala siyang magmahal. Sinusundo pa yung girlfriend niya.

"Ayoko pang bumangon eh" nahiga ulit ako sa kama.

Pero bigla niya kong binuhat na parang sa bagong kasal. Hindi na ko nakaangal, baka kainin pa 'ko ng buhay nitong Boyfriend ko. O bago na yun, Boyfriend na tawag ko. Dinala niya ko sa lamesa para kumain. May dala lang siyang sushi at kung ano-ano pang Japanese food. Anong akala niya Haponesa ang girlfriend niya!

"Ano ba yang dala mo?" Pag-iinarte ko.

"Baby girl masarap yan" masayang sabi niya at kumain pa ng isa, tapos pinaglagay niya 'ko sa pinggan ng isa.

Biruin mo yun. Si Tristan, na kinatatakutan ng maraming tao at iba't-ibang nilalang eh.. pinagsisilbihan at sinusundo ako.

"Iba nalang lutuin mo" sabi ko.

"What? Pagkatapos kong bilin yan ng alas Tres ng madaling araw sa may Japanese Restaurant na napakaraming tao eh, hindi mo naman pala kakainin" nanlalaking mata niyang sinabi.

Tinignan ko siya ng masama, "What is that tone? Are you using that tone to me again?" Pasigaw na sabi ko.

"So-sorry, liligpitin ko nalang, tapos magluluto ako ng bago" sabi niya habang inaayos yung mga dala niyang pagkain.

"Gusto ko ng Pancit Canton" sabi ko tapos pumunta na siya sa kusina. Aba, kailangan subukan ko muna ang pasensiya nitong boyfriend ko. Mamaya itulad niya lang pala 'ko sa mga naging Ex niya eh. Kahit kanina ko pa gustong kainin yung sushi na dala niya.

Habang tinitignan ko siya, nakatungo lang siya sa may malapit sa lababo. Lakas magpaguilty nitong lalaking 'to! Kaya pinuntahan ko na siya.

"Huy, sorry. Okay ka lang?" Nakatayo ako sa harap niya habang nakangiting sinabi yun. Yung mata niya parang napalitan ng lungkot. 'Di kagaya kanina na.. daig pa nakainom ng apat na cobra. "Kain na tayo. Yang dala mo nalang" amo ko sa kaniya.

"Hindi ko lang kasi alam yung Pancit Canton eh" namumula niyang sabi. Kaya pala!

Nagpigil lang ako ng tawa, "Talaga? Saang planeta ka ba galing pogi?" Sabi ko tapos kinuha ko yung tatlong Pancit Canton sa may drawer. Dadamay ko na rin si Kuya sa ipagluluto ko.

"Sa puso mo" banat niya bigla. "Teach me how to cook like a pro," sabi niya tapos niyakap ako habang pinakukulo ko yung Pancit Canton. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagluluto. Si Tristan kasi eh. "Baby Girl, dito nalang kaya ako tumira?" Bulong niya sa tenga ko.

"Yan ang huwag na huwag mong gagawin! Yare ka kay Tito" sabi ko.

"Okay, ako nalang lagi ang gigising sa'yo. Ako'ng magsisilbing alarm clock mo" sabi niya pa.

Pagkatapos kong lutuin yung Pancit eh, sinimulan na naming kainin, with coke pa yun ha. Si Tristan halatang first time kumain non. Pero halos maubos na lahat pati yung kay Kuya.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon