Chapter 17- Community Service

4.3K 151 19
                                    

Hindi batayan ang itsura pag nagmahal ka. Mas masarap mahalin yung taong hindi man pangrampa, alam mo namang mahal ka mula ulo hanggang paa.- Athena

....

Athena's Point of View..

Maaga akong pumasok ngayon para masimulan na yung plano ko. Isa 'to sa mga Rules ko. Isa sa mga gusto kong magawa ng mga mean boys. Hihi.

"Ano ba yan Athena.. ang aga-aga pa. Bakit mo ba kami pinapasok agad huh?" Inaantok pang sabi ni Steven.

"Hindi ba obvious?! Edi maglilinis kayo. Oh.. ayan na yung mga walis niyo." Sabi ko.

Community service. Yan yung isa sa mga rules ko diba. Wahaha.

"What? Seryoso ba 'to?" Sabi ni James.

"Yes. At kung sinong aayaw damay lahat. Hindi ko na kayo kakausapin. Hindi na 'ko tatambay sa tambayan niyo." Sabi ko.

"Except me, right Baby Athena" sabi ni Kuya at kinalong pa 'ko. "Ang baho mo talaga kapatid!"

"Kuya ibaba mo nga ako! Tsaka hindi ka ligtas dito noh. Lahat kayo maglilinis." Sabi ko at piningot ko si Kuya dahil sa huli niyang sinabi. "Pati naligo ako noh. Kaya mabango 'ko. Baka ikaw pa kuya, mabaho ka." Sabi ko.

"Simulan nalang kaya natin 'to." Sabi ni Drew. Buti pa siya, naiintindihan ako! Wahaha.

"Tara na.. start na?" Sabi ni Tristan. Bago yun ah. Iba na talaga siya. Nakokonsensiya tuloy ako. Parang ayoko nang ipagawa 'to ssa kanila. "Sasama ka ba Athena?" Sabi niya sabay kindat sa'kin. Ugh! Yung puso ko. 1,2,3.. Inhale- Exhale!

"Ah-ah.. oo. Sige." Sabi ko na nauutal. "Pero kasama natin sila!" Sabi ko at lumabas naman yung ilang mga estudyante ng Jacob's. Kahapon ko pa sila nasabihan tungkol sa community service, at mabuti nakumbinsi ko sila, kaya nakapag-ready na din sila. Alam din naman 'to ni Madam Ong. Actually, natuwa nga siya eh.

Nagsisimula na kaming maglinis ng biglang may umakbay sa'kin, "Ako ba pwedeng sumali?" Sabi ni.. Trevo? Anong ginagawa niya dito?! "Huy, Athena.. pwede naman diba!"

"Oo naman. Mas marami, mas masaya!" Sabi ko.

Iba naman yung tingin ni Tristan sa kapatid niya. Anong nangyare do'n. Nagseselos kaya siya?

"Halika na. May lalanggamin dito eh." Sabi ni Tristan at lumakad na palayo sa'min.

"Huy, Tristan hintayin mo kami!" Sigaw nung tatlo at hinabol si Tristan.

"Ano bang ginagawa mo?" Sabi ko kay Trevo. Alam niya naman na girlfriend ako ni Tristan eh. Ay fake girlfriend nga lang pala! Tsk tsk. "Alam ko namang--"

"Boyfriend mo siya? 'Wag mo nga akong niloloko." Sabi niya. Ano bang alam niya!? "Alam ko dati pa. Kasi ako yung nagsabi sa kaniya na magdala siya ng girlfriend sa bahay para sa mana niya." Paksh*t. Oo nga pala.

"Pero kahit na.. hindi mo dapat ginagawa 'to sa kaniya." Sabi ko.

"Bakit, may gusto ka na ba sa kaniya? Nahulog ka na ba kay utol" sabi niya na nakangiti pa.

"Wala akong gusto sa kaniya." Sabi ko. Liar.

"So, pwede pala 'kong manligawa. Haha ayos. Sunduin kita mamayang hapon huh!" Sabi niya at tumakbo na siya palayo sa'kin.

"Hoy paano yung lola mo?" Sabi ko. Pero humarap lang siya sa'kin at bigla akong kinindatan. Magpapaligaw ba 'ko sa kaniya? No. Dalagang Pilipina yata 'to. Tsaka magagalit si Kuya.

"Hep-hep.. hep. Anong pinag-usapan niyo ni Trevo?" Biglang sulpot ni Bethina. "Don't tell me nahumaling din siya sa karisma mo," sabi niya.

"Kinda," sabi ko.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon