Chapter 47- Unregistered Number

2K 99 17
                                    

Athena's Point of View..

----

"Halika na. Magkakasakit ka diyan sa ginagawa mo"

Pagkaharap ko sa kaniya, parang mas nalungkot lang ako. Kasi hindi siya si Hubby ko. Nasa'n na ba kasi si Hubby? Sa'n siya pumunta, saka bakit hindi siya nagpaparamdam sa'kin.

"Athena, 'wag ka nang makulit. Halika na ha! Kailangan mo nang magpahinga" sabi ni Dom.

"Dom, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Hapon na at umuulan pa, kaya naman sobrang lamig sa simenteryo.

"Kanina pa 'ko nandiyan sa tabi, hindi mo lang ako pinapansin" sabi niya. Gano'n na ba 'ko kaapektado sa mga nangyayari? Syet kasi eh. Nabigla ako sa lahat ng nangyari. "Ihahatid na kita sa inyo" umupo siya sa tabi ko.

"Basa ako Dom." Sabi ko. Bigla namang tinanggal ni Dom yung payong saming dalawa, "Ayan.. parehas na tayong basa. Pwede na ba 'kong tumabi sa'yo?" Nakangiting sabi ni Dominic sa'kin.

Hay Dominic, bakit ba lagi kang nandiyan kapag kailangan kita.

"Salamat.." sabi ko.

"Para sa'n na naman?" Napakamot siya sa ulo niya nung sinasabi niya yan.

"Kasi palagi kang nandiyan. Siguro kung wala ka hindi ko na kinaya.." sabi ko.

Inihiga naman ni Dominic yung ulo ko sa balikat niya, bago siya nagsalita ulit, "Basta tandaan mo. Palagi lang akong nandito para damayan ka. Tawagin mo lang ang pangalan ko eh.. haha" sabi niya.

"Ano ka si superman?"

"Mas gwapo pa kaya 'ko kay superman" sabi niya, tapos wala siyang tigil sa pagtawa. "Sige na matulog ka na, puro ka kalokohan eh. Pag-gising mo ihahatid na kita." Sabi niya. Hindi na 'ko sumagot at ipinikit ko nalang yung mata ko.

----

Pag-gising ko nasa kwarto ko na ako. Kung sino ang nagdala sa'kin, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang eh.. nasa simenteryo pa 'ko kanina at nakatulog sa braso ni Dominic tapos.. ayun na, nasa kwarto ko na ako.

Bumaba ako. Parang walang kabuhay buhay yung buong bahay. Gabi na din pala nung nagising ako, kaya mas lalong tahimik sa labas. Wala si Kuya sa bahay, tanging sila Tito at tita lang. Pero sa aura ng mukha nila, hindi sila masaya. Hmmmp, sino ba namang matutuwa na namatayan ka 'di ba!

"Ija, kumain ka na, ilang araw ka nang walang kain" sabi ni tito, habang nanunuod ng tv.

"Ano pong ulam tito?" Taning ko. Sa buong linggo kong pagmumukmok eh.. ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Ewan ko ba kung bakit.

"May niluto ang kuya mo diyan. Chicken barbeque, tsaka pancit canton" huhu, pancit canton? Nyaaaa.. naaalala ko si Hubby ko.

"Sige po.."

Habang kumakain ako may biglang nagtext sa'kin.

From: Unknown Number

"Hi"

Mga ilang minuto ko din tinignan yung text, yung number, tapos yung text ulit nung nagtext sa'kin. Tapos napansin ko na, siya din pala yung nag-condolence sa'kin kanina. Kaya naisipan ko na itext na din siya at magpasalamat.

To: Mr. Condolence

"Hello. Ikaw din yung nagtext kanina 'di ba? Huy, sorry ha. Hindi ako makapagpasalamat sa'yo, alam mo naman 'di ba.. bawal"

Wala pang one minute eh.. nagreply na siya. Hehe, Mr. Condolence na nga lang pala yung ipinangalan ko sa kaniya sa contacts ko, wala akong maisip na maganda eh.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon