Chapter 45- MVP

1.9K 111 34
                                    

Isa sa pinakamasaya na pakiramdam, eh yung maalala ka ng isang tao, kahit wala siyang kailangan sayo- Athena

----

Athena's Point of View..

....

"Jacob's High!! Jacob's High!!"

Sigaw ng mga studyante habang winawagayway yung mga mahahabang lobo at banner na dala nila.

Finals na kasi ng basketball eh. Kalaban nila yung isa sa mga pinakamagaling na University sa Manila. Pero mas magaling pa din sila Hubby! Kanina pa nga kami sigaw nang sigaw nila Bethina sa court eh. Kasama din namin sila Chantell at Karina. Yes, ayos na talaga kami ni Karina. Palagi na din siyang sumasama samin. Parang bumalik yung lahat sa dati. Kaya lang may mga problema pa din, gaya nang sakit ni mama.

"Go hubby" sigaw ko. Sa may pangalawang row kami umupo para mas masaya. Baka matamaan pa kami ng bola sa unahan eh. Tsaka, si Hubby na din ang nagsabi nun samin. "Shoot mo yan Hubby!" Sigaw ko. Bigla naman akong siniko ni Bethina.

"Proud girlfriend lang ang peg?" Sigaw ni Bethina, dahil hindi na kami magkarinigan sa lakas ng sigawan sa buong court.

"Naman! Whooooooo! Go Hubby!" Sigaw ko ulit. Hindi ko napansin pinagtitinginan na pala 'ko ng mga tao sa paligid.

"Ano ba yan? Feelingera! Ang pangit pangit naman" sabi nung isang babae. Hindi ko siya kilala kasi taga kabilang campus siya.

"Sis, tignan mo oh. Yuck, yan ba yung girlfriend ngayon ni Tristan? Pangit pala sa personal! Sagana lang sa 360 kaya gumaganda!" Sabi naman nung isang babae.

"Kayo.. hindi ba kayo titigil diyan? Ang lakas ng loob niyong pagsalitaan ng ganyan ang bestfriend ko ah. Kapag hindi pa kayo tumahimik diyan baka kaladkarin ko kayong dalawa palabas ng Jacob's," sabi ni Karina at inakbayan pa 'ko. "Hindi naman mga kagandahan kung makaasta eh" sabi ulit ni Karina. Ngumiti lang ako sa kaniya. Nakakahiya lang, kasi naman eh.. dati-rati lang ako yung inaaway ni Karina. Pero ngayon parang tunay na talaga kaming magbestfriend kung ipagtanggol niya 'ko.

"Ano, titingin pa din!" Sabi ni Chantell at nilakihan ng mata yung dalawang babae.

Medyo madami na din ang nakatingin samin. Mabuti nalang hindi napansin nila Hubby, kung hindi baka maapektuhan pa yung laro nila.

"Tama na. Manuod nalang tayo oh" sabi ko.

Medyo natahimik na ko nung nanuod ulit kami. Medyo nahiya na kasi ako dahil sa mga sinabi nung dalawang babae sa'kin kanina eh. Hindi naman ako feelingera eh, ako naman talaga yung girlfriend ni Tristan eh.

Habang naglalaro si Hubby, panay ang tingin sa'kin at kumikindat pa. Nung matatapos na yung first quarter, kay Hubby napunta yung bola. Tapos pinagpasahan muna nila ni Steven at Kuya yung bola. Magaling yung team nila Hubby at yung lima. Pero mas magaling parin si Hubby ko. Kaya lang magaling din yung kabilang team kaya medyo nahihirapan sila Hubby.

"Tristan! Tristan!" Sigaw naming lahat nung na kay Hubby yung bola.

Mas lumakas yata yung loob ni Hubby nung narinig niya yung sigaw namin. Kaya naman nung last two seconds nalang eh.. natigilan kaming lahat dahil tinira ni Hubby yung bola. Para naman kaming mawawalan ng boses nung ma-ishoot ni Hubby yung bola, three points! Kaya ang score sa ending ng first quarter eh, 30-27. Syempre sila Hubby yung 30.

Pagkatapos lumakad sila palapit sa coach nila. Nakakainis nga eh, kasi nanunuod din pala yung Celin na yun! Tumabi pa talaga kay Hubby ko, hmmmmmf! May binulong siya kay Hubby na hindi ko alam. Pero kampanti naman ako kasi mukhang hindi naman siya pinapansin ni Hubby.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon