Chapter 19- Sampung Kandidata

2.6K 105 7
                                    

-Post ko lang ulit siya.. nabura kasi sa watty eh!

....

Hindi lahat ng tumatakbo palayo sayo dapat mong habulin. Minsan, kailangan mo ring isipin kung aabutan mo pa sya o habang buhay ka nalang hihingalin.- Athena

....

Athena's Point of View..

"Tita.. dalian po natin." Sabi ko at baka malate pa kami. Pati sila kuya ayos na para sa Top 10. Ngayon na kasi pipiliin ang Top 10 para sa magiging Ms. Campus.

"Oh, ija.. okay na ba kami?" Sabi ni Tita at lumabas sila ni Tito na nakasuot ng formal na damit. Pati si Kuya nakagayak din. Talagang pinaghandaan nila 'to.

"Oo naman po"

****

Pagdating namin sa school halos lahat busy. Halos lahat 'di mapakali. Pero may mga bumabati din naman sa'kin. Simula nung nag-EK kaming lahat. May nagbago sa kanila. Palagi na 'kong binabati ng mga estudyante. Kaunti nalang yung umiirap.

"Bestie.. ang ganda-ganda mo" sigaw ni Bethina at yumakap pa sa'kin. Nasa corridor kami ngayon.

"Maganda agad Bestie.. eh, super straight lang nung buhok ko. Tsaka wala pa kaya akong make-up." Sabi ko.

"Oo ang ganda mo Bestie. Simplicity is beauty, right?!" Sabi niya. Tama nga naman yun. Lahat naman kami natawa sa sinabi niya. Si Kuya niloloko pa si Bethina. "Tara na sa room at nang maayusan ka na." Sabi niya.

Pagdating namin sa room kaunti lang yung tao. Ilang students lang. Pati yung apat wala. Kainis.

"Nasa'n sila?" Sabi ko at upo na sa may harap ng salamin. Nandun na kasi yung make-up artist ni Ma'am Gonzales.

"Ah.. yung iba hinahanap si Chantell. Tapos sila Steven nagpa-practice sa may hall" sabi niya.

"Ah.. bakit nasa'n si Chantell?" Sabi ko.

"Hindi namin alam. Dapat kanina pa siya nandito eh." Sabi ni Bethina.

"Ah.. kuya magpractice ka na din kaya." Sabi ko na agad naman sinunod ni Kuya.

"Galingan mo Baby Athena huh. Tama si Betty 'wag mo na siyang masyadong isipin. Baka makasama pa yan sa'yo, tapos matatalo ka" Sabi niya bago umalis. Sila Tita naman naglibot na muna sa Jacob's.

Pagkatapos kong make up-an sinuot ko na yung gown ko. Isang White long gown na may mga design sa waist. Tapos simple nalang sa baba. Hindi ko type yung mga gown na may slit eh. Baka ma-MTRCB ako.

"Wow Athena.. you look so beautiful. Para kang anghel." Sabi ni Ms. Gonzales at yumakap pa sa'kin. "Napakaganda mong bride kapag nagkataon." Sabi niya nung kumalas siya sa pagkakayapos sa'kin.

"Ang perfect nga niya ma'am eh. Hindi siya mahirap ayusan kaya mabilis kaming natapos" sabi nung baklang make-up artist.

"Malapit ng magsimula. Makakapasok tayo. Yun lang ang isipin mo Ms. Salveda huh. Always think happy thoughts. Then chin up. Nasa unahan lang kami, at yung mga classmates mo susuporta sila sayo, kaya galingan mo Joey. Ipakita mo sa kanila na hindi lang puro utak meron ang section one. Kaya din natin na makipagsabayan sa ganda ng mga Miss Universe." Sabi niya.

"Ten minutes left, magsisimula na ang Pageant." Sabi nung emcee sa audio room.

"Maghanda ka na huh. Nasa unahan lang kami. 'Wag kabahan" sabi ni Ma'am at lumabas na kasama yung make-up artist. Si Bethina lang ang kasama ko papunta sa backstage. Sila Tita malamang naka-upo na yun.

"Bestie, nasan na sila? Magsisimula na ah." Sabi ko.

"Parating na yun sila. Rarampa ka pa naman muna eh. Pakilala muna sa madla. Kaya 'wag kang kabahan." Sabi niya. Pero nung nakita ko na yung ibang mga contestant para ng may daga sa dibdib ko. "Ano ka ba 'wag ka ngang kabahan diyan kaya mo yan." Sabi ni Bethina na mukhang napansin yung kaba sa mukha ko.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon