Athena's Point of View..
....
"Tama na, ayoko na. Please.. napapagod na 'ko, ayoko ng umiyak. Please iuwi mo na 'ko" sabi ko. May kumidnapped sakin.
"Hindi ka na makakatakas pa dito papatayin kita" hindi ko maaninag yung mukha nya dahil madilim.
"Please.." iyak pa din ako ng iyak. "Sorry na kung may kasalanan ako sayo" sabi ko.
"Whore, Gossip, Freak, monster!! Mamatay kana Athena, athena, athena!!!"
"Athena!!" May biglang gumising sakin. Isa lang palang panaginip, isang napakasamang panaginip!! Mabuti nalang ginising ako ni kuya, kung hindi.. "Bakit ka umiiyak? Alien ka talaga" niyapos ko lang si kuya, ayokong makipagaway ngayon kay kuya.
"Kuya, wag kang aalis. Kuya natatakot ako!" Inusod ako ni kuya sa kanya. Ang arte nya talaga!
"Ano bang nangyayare sayo? Nakadrugs kaba?" Sabi nya.
"Kuya nanaginip ako" sabi ko.
"Mag ayos kana dyan, nagluto na 'ko, kumain kana!" Sabi ni kuya at lumabas na sya ng kwarto ko.
Hindi naman talaga ganyan si kuya eh, alam ko mahal nya 'ko. Kasi dati sa school lang naman nya 'ko hindi pinapansin eh, pero sa bahay pinapansin nya 'ko. Pero simula nung mga nangyare, simula nung naging si Athena 'ko, hindi nya na 'ko pinapansin. Galit yata sya sakin. Namimiss ko na sya aaminin ko.
"Kuya galit ka pa ba sakin?!" Sabi ko kay kuya habang nakain kami. Deadma lang sya, hindi man lang nya 'ko tinitignan.
Wala sila tito at tita, 'pag umaga, meron kasi silang mini karenderya eh. Minsan ako yung nagtatao don. Pagdating ng tanghali o hapon maaga din silang nakakauwi, mabenta kasi yung karinderya nila eh.
"Dalian mo na dyan. Mauna na 'ko" sabi nya at umalis na sya. Mag isa na naman akong papasok ngayon.
Nilakad ko nalang yung papasok, malapit lang naman yun eh.
Papasok pa lang ako ng gate ang dami ng nakatingin sakin at may mga ilan na nagbubulungan pa.
"Bethina nasan ka na ba!" Lakad lang ako, baka makita ko pa si Bethina eh.
"Bestie!" Hay buti naman dumating na sya. "Okay ka lang ba?!" Sa tingin ba nya magiging okay ako nun? Nagtrending lang naman ako dahil sa maling akala nila eh.
"Oo naman, ano kaba" sabi ko nalang.
Habang nasa corridor kami may mga pinaguusapan kami.
"Nagtrending dahil sa kalandian!"
"Athenang malandi!"
"Sulutera!"
"Malandi ka, hindi ka nababagay dito!! Top student pa naman"
Yan yung mga maririnig mo sa buong corridor. Nakakinis na. Nakaksawa na! Pero hindi ko nalang sila pinapansin, magsasawa din naman sila eh!
Sa klase wala naman akong maintindihan, lipad ako eh. Baka mawala yung scholarship ko nito eh.
"Joey, focus ka lang. Wag kang papaapekto sa kanila" bulong ko sa sarili ko.
Nagawa ko namang magfocus, kaya kahit may exam pa kaya kong makasagot, perfect pa.
After ten years, yes nagbell na din. Gutom na gutom na 'ko.
"Bestie, kakain ka?" Tanong sakin ni Bethina.
"Oo, gutom na nga 'ko eh" sabi ko.
Pumunta kang kami ng Canteen. Ang dami kong inorder na pagkain, wala gutom ako eh.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...