Chapter 25- Bar

3.4K 124 12
                                    

Jared's Point of View..

"Kuya.. ano nga kasi yun?!" Sabi ni Athena! Umagang-umaga nangungulit na. Sana pala hindi ko nalang sinabi sa kaniya kagabi yung tungkol kay Tristan. "Kuya, pa'no lang kasi nangyare yun. Pa'no kami nagkakilala ni Tristan?" Sabi niya pa.

"Alam mo ang aga-aga nangungulit ka na Baby Athena! Nakakahiya ka sa mga kapitbahay," sabi ko at kumuha ng pandesal para makakain na.

"Okay," nag-pout siya ng labi niya tapos inirapan ako! Pasaway talaga!

"O siya sige na," sabi ko, tapos uminon muna ako ng kape bago nagsalita ulit. "Si Tristan ay asawa mo dati pa lang," sabi ko.

"Kuya, yung totoo!" Sabi niya.

"Totoo yun!" Sabi ko. Totoo naman kasi eh. Ikinasal na sila bata palang, kaya lang si Steven lang yung Pare.

"So, ibig sabihin.. asawa ko na siya dati pa kuya?" Sabi niya na parang may kung ano sa mata niya. Kagabi lang naiyak, tapos ngayon parang nanalo sa lotto.

"Oo. Kaya, walang masamang mahalin mo siya gaya ng dati," sabi ko tapos tumingin ng deretso sa kaniya, "pero hindi pwede ngayon!" Sabi ko. Ngayon palang nasasaktan na siya. Yun pa kayang papayagan ko siyang makipag-flirt kay Tristan! May tiwala namna ako kay Tristan eh. Kaso mas kilala ko siya sa pagiging player niya! At ayokong saktan si Athena.

"Pa'no nangyare yun Kuya?"

"Basta. Sa tamang panahon malalaman mo yun! Sa ngayon kumain ka na muna!" sabi ko at kumain na ulit. Bago ko tumayo at umalis ng bahay.. may sinabi ulit ako sa kaniya. "Mas gusto mo siyang tawaging Kurt kesa Tristan!" Sabi ko. Mukhang napaisip naman siya. Mukhang wala talaga siyang alam sa nangyayare! "Tsaka mamaya sa Bar nila Bethina, may celebration tayo ng pagkapanalo mo" sabi ko pa.

"Okay Kuya!" Kuya na talaga 'ko.

....

Pumunta lang ako sa Park ngayong umaga. Since wala namang gagawin at wala ng mga kupal. Tatambay ako sa Park. Mamaya pa naman yung celebration sa hapon eh.. hanggang gabi! Woot, woot!

"Syet, ang gwapo gwapo ko wala akong ka-date!" Bulong ko sa isip ko habang kumakain ng ice cream. Parang bata lang! Favorite namin 'to ni.. Pia eh. Speaking of Pia! Ang tagal tagal ko siyang hinintay tapos makikita ko may Boyfriend na siya! Nakakainis, nangako kami dati na.. kapag bumalik siya magiging kami!

"Pia, basta pagbalik mo mamahalin na kita!" Sabi ko nung nagpaalam siya samin. Tatlo kaming magkakaibigan sa school. Ako, si Steven at si Pia. Classmate na kami ni Steven bata palang. Pero mas matanda ako ng isang taon sa kaniya. Eight na ako, seven naman siya. Tapos si Pia, seven din sa pagkakaalam ko.

"Pangako, 'pag balik ko, ikaw lang ang mamahalin ko," sabi niya.

"Pia, bakit pinaasa mo lang ako sa wala," bulong ko sa isip ko.

Pagkatapos kong kumain ng ice cream naglakad-lakad muna ako. Hanggang sa makita ko yung pamilyar na babae sa'kin. May pinapakain siyang pusa. Sobrang ganda niya pa rin. Para talaga siyang dyosa! Nagtago muna ako sa may puno para hindi niya 'ko makita. "Ganito nalang ba tayo Pia. Tititigan nalang kita sa malayo.. habang nakikita kang masaya?" Bulong ko sa isip ko habang nakatingin sa kaniya.

"Hey, may problema ba pare?" May biglang nagsalita sa likod ko.

"Ah, ah.. eh, wala naman pre' nagpapahangin lang!" Sabi ko. Kahit naman nahuli niya na 'ko na nakatingin kay Pia. Pinagmasdan ko siyang maigi. Siya yung kasama ni Pia sa mall nung nakaraang linggo, nung pununta kami sa mall.

"Jared? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Pia na nasa likod ko na pala.

"Pia?" Kunwaring sabi ko. "Ah, nandito ka pala!" Sabi ko.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon