Chapter 37- Fast Forward

3K 109 24
                                    

Be the girl you want your daughter to be, Be the girl you want your son to date- Athena

....

Athena's Point of View..

----

Makalipas ang tatlong buwan..

....
....

Tatlong buwan na ang nakalipas, nang maghiwalay kami ni Hubby. Joke!

Tatlong taon na ang nakalilipas pero wala pa din kaming pinagbago ni Hubby ko. Mas naging sweet pa nga siya sakin eh. Pero syempre, wala namang perpektong relationship sa mundo. Kaya hindi rin maiiwasan yung selosan at away sa pagitan naming dalawa.

Sa tatlong buwan rin na nakalipas, sinagot na rin ni Ate Pia si Kuya. Ang cute nga nila eh.. para din kasi silang aso at pusa kapag magkasama. Akala ko nga mahiyain si Ate Pia eh.. pero hindi pala. Sobrang bait niyang tao. Lagi din kaming magkasama. Minsan nga kapag inaasar ako ni Kuya eh, tinatakot ko siya na.. isusumbong ko siya kay Ate Pia. Kaya ayun, tumatahimik nalang.

Si James at si Bethina nga pala, sila na! Grabe, akala ko nga hindi na magiging sila eh. Napakaselosa kasi ni Bestie. Haha! May kakausap lang kay James na babae eh, babatukan kaagad, tapos tatalakan. Baliw talaga eh. Mabuti nalang hindi nagloloko ngayon si James. Aba, pinagbantaan ko kaya siya na.. kapag niloko niya ang Bestie ko eh, puputulin ko yung ano niya! Sweet din silang dalawa. Kapag may date kami ni Hubby, kailangan kasama rin sila.

Si Drew naman na napakagwapo eh, wala pa ding girlfriend. Niloloko nga namin na baka bakla siya eh. Tapos lagi niya lang sasabihin na, "Mga gago kayo! Inagawan ako ni Bethina eh! Akin lang si James!" Lagi niyang sinasabi kapag binibiro namin siya. Alam naman namin na biro lang yun eh. Sa loob nang tatlong buwan, ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang tumugtog ng gitara. Siya tuloy ang tagakanta sa tropa.

Pero hindi rin lahat kasiyahan lang sa loob ng tatlong buwang nagdaan. Si Steven at si Cheska kasi eh.. hiwalay na. Wala silang nabanggit na dahilan kung bakit sila naghiwalay na dalawa. Sayang akala ko pa naman sila ng dalawa ang nakatadhana. Bagay kasi sila eh. Simula nung maghiwalay sila.. hindi na namin laging nakakasama si Steven. Wala naman kaming alam kung bakit siya nagkakaganon.

Si Karina din simula nung insidenteng ipahiya niya ko sa gym eh.. hindi na niya kami ginulo pa. Hindi na rin kami nakapag-usap pa. Ibinalik niya na din si Jolo kay Hubby ko. Kaya ngayon kami na ni Hubby ang nag-aalaga kay Jolo.

----

"Hubby tuloy ka na ba talaga?" Sabi ko.

Nasa mall nga pala kami ngayon kasama si Jolo.

"Oo Wifey. Sayang yun kung hindi ko igagrab. Opportunity na yun para mas makilala pa nila ang kagwapuhan ko" sabi niya habang inaayos yung upuan ni Jolo. Yung upuan na pangbata.

"Jollibee," sigaw ni Jolo. Nakakatawa talaga siya.

Tumingin muna ako sa kaniya ng daretso bago nagsalita ulit, "Magpapasko na kasi sa next week Hubby eh. Eh diba sa isang araw ka na aalis? So, hindi ka na namin makakasama dito sa Pasko at sa bagong taon?" Nakapout na sabi ko.

"Wag ka ng mag-pout diyan Wifey. Araw-araw naman akong tatawag sayo eh" sabi niya tapos tumabi na kay Jolo, kaharap naman ako.

"Kasi eh, hindi na ako sanay na hindi kita kasama"

"Ako din naman eh. Tatawagan naman kita eh, kung gusto mo minuminuto pa" sabi niya.

"Hubby.." hindi ko na napigilan yung luha ko.

Natanggap kasi siyang model sa isang clothing line sa New York. May fashion show sila ngayong Christmas at New Year, kaya aalis siya para doon. Kaya lang, yung isipin ko na.. mapapalayo siya sakin ng matagal eh, hindi ko na kakayanin. Selfish man pero yun yung totoo eh.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon