Chapter 14- Enchanted Kingdom

4K 152 41
                                    

Ang love parang Ferris Wheel. Pinapasaya ka nga.. pinapaikot ka lang naman!- Athena

..
Athena's Point of View..

"I don't like you.." sabi ng tito ni Tristan. Lahat naman kami literal na napatahimik sa naririg namin. "Oh, natahimik kayo? Hindi pa 'ko tapos magsalita." Hay, ano na naman bang sasabihin nya? 'Na ayaw nya ko na maging girlfriend ng pamankin nya?!' Fine! "What i mean is.. I want you to be part of our family!" He said in a sweet way. Then he smiled at me. Kinabahan ako don.

"You're so funny son. Kala ko naman kung ano na.." sabi ni Madam Ong.

"She's nice Tito." Sabi ni Trevo. Wow nice daw ako. Buti pa yung kapatid nya mabait.

"Ah.. Tito, mabait po talaga 'tong babe ko." Sabi ni Tristan at sinubuan pa 'ko ng karne. Kainis lang kasi ang laki. Tinignan ko naman sya ng masama.

"Ahh.. Ms. Salveda pwede ba kitang makausap mamaya? Daan ka muna sa room ko bago ka umuwe." Sabi ni Madam Ong sabay kindat sa 'kin.

"Okay po.." sabi ko sabay nguti kay Madam Ong.

"Wait ija, ikaw ba talaga yung girlfriend ni Tristan?--" kulit naman pala ng Tito nya. Aminin ko na kaya, karindi na eh. Siniko naman ako bigla ni Tristan.

"Ah.. op.. opo!" Sabi ko.

"Kase, sabi nya sa hospital hindi ka nya girlfriend. You're the girl in the hospital, right? Yung nakayapos kay Tristan?!"Whut? Nakayapos? Ginawa ko ba yun. Ang baboy ko naman. Pero tinignan ko ng masama si Tristan

"Ah--"

"It's okay.. don't need to explain. Girlfriend ka naman nya diba." Pang ilang tanong na yun! Buryong buryo na 'ko.

Napansin ko lang ang tahimik masyado nung dalawa. Problema nila.

Pagkatapos namin mag-dinner, lahat kami pumunta sa may terrace nila para daw sa isang tea ceremony. Grabe sila, may nalalaman pang ganon. Mabuti nalang nakapag-aral ako kung paano uminom ng ganon, kung hindi aalaskahin na naman ako ni monster. Pagkatapos naman namin don pumunta na 'ko sa kwarto ni Madam Ong para mag-paalam na.

"Ija, maupo ka." Sabi nya. Sosyal lang nung kwarto nya, mas malaki pa yata sa bahay namin. "Kamusta si Tristan?" Sabi nya.

"Okay naman po. Medyo natututo na din po sya." Sabi ko. Nakakatakot sa kwarto ni Madam Ong, puro babasagin ang mga gamit. Baka mamaya makabasag pa 'ko. Jusko, baka mas mahal pa 'tong mga 'to sa buhay ko. *Joke*

"Masaya 'ko na ikaw ang girlfriend nya.. Pero nagtataka lang din 'ko na sinagot mo sya." Natawa kami pareho sa sinabi nya. Kahit pala sya, alam na ayaw ko talaga kay Monster.

"Ah, mabait naman po talaga si Mons-- este.. Tristan eh.. konting ayos nalang naman po sa kanya eh, okay na po." Duh! Mabait! In his dream!

"Salamat Ms. Salveda ha. Hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan ka." Sabi nya at niyapos nya 'ko. "And one thing. Sana 'wag mong iiwan ang apo ko. Sana maging masaya kayo. 'Coz i noticed something in his actions, na ngayon ko lang nakita sa kanya. He's always smiling, he's always happy. Maybe because of you." Sabi nya. Dahil ba talaga sa 'kin yon? Gusto kong maniwala, pero.. hindi naman siguro. Lagi nga 'kong inaasar non eh.

"Okay po." 'Athena, athena! Sana lang magawa mo yang mga promises mo'.

"Sige na ija, 'wag kang magpapagabi sa daan. Ipapahatid na kita sa driver namin." Sabi nya. "Salamat sa pagdalaw ha." Sabi nya pa.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon