Chapter 21- New Baby

2.9K 109 10
                                    

Athena's Point of View..

"Yan ang gusto mo Tristan? Pag-bibigyan kita. Hinding hindi na kita guguluhin kahit na kailan. Hinding hindi mo na 'ko makakausap pa kahit kailan!"

Sa tingin ko oras na para sa pagbabago. Oras na para sa bagong ako, sa bagong Athena.

"Athena galit ka ba samin?" Si Drew. Nasa room kami ngayon. Hindi ako tumabi sa kanila pero sila yung kusang lumalapit sakin.

"Kausapin mo naman kami oh " sabi ni James na katabi pa si Bethina.

"Ano bang nagawa namin sa'yo Athena?" Si Steven! Malaki. Pinakielaman niyo kami ni Ricko!

"Bakit ba nanggugulo pa kayo? Masaya na si.. ano, kaya pwede ba, lubayan niyo na ko." Sabi ko sabay tingin sa unahan. Buti nalang wala si Ma'am.

"Ano ba kasing problema mo? Kahapon pa kita hindi makausap ng maayos ah. Kami ba!? Nagkamali ba kasi kahapon sa talent mo? O' baka naman may ibang dahilan Joey? Sabihin mo samin kasi simula ngayon kampi-kampi na tayo" nakakunot noong sabi ni Kuya.

"Gusto niyo ba talagang malaman? Si Ricko, bakit hindi niyo sinabi sakin? Bakit kusa nalang kayong nagdedesisyon ng hindi niyo sinasabi sakin." Sabi ko.

"Gusto ka lang naman naming protektahan eh" sabi ni Steven.

"Protektahan? Bakit ayaw niyo 'kong masaktan! Ayaw niyo na umiyak ako? Pwes sana pinabayaan niyo nalang kami ni Ricko. Kasi sa ginawa niyo.. mas nasaktan lang ako. Buong akala ko pinagtaksilan lang ako ni Chantell at Ricko, pero may isa pa palang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sakin yung unang lalaking minahal ko" Sabi ko.

"Hindi mo naiintindihan--" hindi ko na pinatapos si Kuya sa pagsasalita niya at lumabas na 'ko ng room. Si Tristan naman hindi nakikielam. Bahala nga siya!

Wala na 'kong pakielam kung may klase pa kami.. basta ang gusto ko ay may mapagsabihan ako ng nararamdaman ko. Pumunta lang ako sa may dulo ng Jacob's. May gate don at may mga damo sa paligid. Kaya ang ginawa ko humiga nalang muna ako do'n at ipinikit ko yung mga mata ko. Pero miya-miya lang eh..

"Ano bang ginagawa mo. Bakit nagagalit ka sa Kuya mo? 'Di ba mahal na mahal mo siya!" Yung boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. "Sa tingin mo ba kung sinabi namin sa'yo ang lahat gagawin mo yung gusto namin na layuan mo siya? Athena.. isa yung grupo nila sa--"

"Sa kalaban niyo? Karibal niyo yung gang nila kaya kayo nagkakaganyan? So unfair naman para sa kaniya. Wala siyang kasalanan." Sabi ko na nakapikit parin. May konting luha na rin na nangingilid sa mga mata ko. "Ngayon Tristan sabihin mo sa'kin. Bakit ginawa nila yun?" Sabi ko.

"Kasi gusto ka nilang protektahan!"

"Protektahan? Leche naman yang protektahan na yan! Kung gusto nila 'kong protektahan, sana hindi nalang nila ginawa yun. Kasi mas nasaktan yung puso ko eh. Mas winasak nila 'ko at nfayon nararamdaman ko na naman yun!" Sabi ko na may tumulong luha sa kaliwang mata ko. Gumuhit lang siya sa pisngi ko. Ewan ko kung anong pwesto ni Tristan. Hindi ko pa rin siya tinitignan eh.

"Wag ka ng umiyak"

"Tristan pwede ba umalis ka nalang. Please.. baka makita pa tayo ni Karina dito" sabi ko. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Sinundan niya ba talaga 'ko para kausapin o para lumapit na naman siya sakin tapos pag mas minahal ko na siya, bigla niya na nama akong babaliwalain.

"Wala akong pakielam sa sasabihin ng iba Athena. Kasi--" pinutol ko na yung sasabihin niya bago pa kung anong lumabas sa bibig niya. Tumayo ako at hinarap ko siya.

"Tristan tama na. Napapagod na 'ko. Please.. 'wag mo na 'kong pahirapan" sabi ko at tumalikod na sa kaniya, pero hinawakan niya ko bigla sa braso tapos bigla niya kong niyakap. May iba sa yakap niya, may comfort, may pagmamahal pero hindi ako nagpaapekto don at itinulak ko siya palayo sa'kin.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon