Athena's Point of View..
--
"Ms. Salveda.. okay ka lang ba dyan sa pwesto mo? Bakit parang kung napa'no ka dyan?!" Puna sa'kin ni Ma'am Gonzales.
Grabe kasi eh.. yung lima na yung katabi ko ngayon. Pumasok na dun kasi si Monster eh.
"Ma'am opo!" Ano ba yung sinabi ko? Komportable ba talaga 'ko?
"Yung totoo Ms. Salveda. Top student ka sa klase.. at hindi lang pala sa klase, sa buong school. Hindi ko naman hahayaan na madistract ka lang at maging sanhi ng pagbaba ng rank mo sa eskwelahan" Wow ha! English teacher yan, pero ang lalim magtagalog! Pwede naman yun sa klase nya eh.. basta 'pag oras na ng klase at kinausap ka nya ng english.. dapat english din ang isasagot mo.
Napaisip naman ako sa sinabi nya.
"Okay po. Medyo hindi po ako komportable dito.." nag-aalangan na sabi ko. Si Tristan naman ayun.. galit na naman yung tingin sa'kin. Feeling nya lang ha! "May mga asungot po kasi dito eh." Asar na asar naman si Tristan sa sinabi ko. Pati yung apat mga maga ang mukha.
"Okay Ms. Salveda, umupo ka sa bakanteng upuan sa tabi ni Mr. Samañego"
WHUT? Tinapang mabaho!
Bakit sa kanya pa.. ayoko, bakit do'n pa. Ang dami namang pwedeng upuan bakit sa katabi nya pa! Ganito ba talagang makipaglaro at tadhana sa'min, lalo na sa'kin. Gusto nya ba talaga yung nahihirapan ako? Yung maramdaman ko na naman yung sugat na unti-unti ng naghihilom ngayon.
"Oh, Ms. Salveda, natuod ka na dyan? I said, take your seat beside of Mr. Samañego!" Nagulat ako nung nagsalita ulit sya.
"Okay po" sabi ko at umupo na 'ko sa tabi ni Ricko, yah! Si Ricko po si Mr. Samañego. Von Ricko Samañego, yan ang tunay nyang pangalan. Pero para sa'kin, sya si Ricko manloloko.
"Kamusta?" Bati nya sa'kin. Oh.. tukso layuan mo 'ko. Ex ko 'tong katabi ko. At ang gwapo nya lalo ngayon. Kupido peram naman ng pamana mo, papanain ko lang 'to!
Ngumiti lang ako sa kanya.
Buong english period hindi ako mapakali. Si Chantell tinignan ko parang wala lang sa kanya na katabi ko yung boyfriend nya na Ex ko.
Nung next subject na.. biglang may kumalabit sa'kin mula sa likod ko.
"Ano ba yun ha? Anong ginagawa mo dito, dun ka nakaupo sa likod ah" buisit talaga 'tong si Monster. Ano bang problema nya? Lumayo na nga 'ko eh.
"Aasarin ka!" Sabi nya.
"Alam mo bumalik ka na nga do'n. Pasaway ka talaga eh."
"Ayoko!" Umupo sya na nakataas pa ang dalawang kamay sa ulo nya. Feeling bahay lang 'tong school eh.. kaya hindi natututo eh. "Hindi naman sa'yo 'to eh" ugh! Kainis talaga.
Hindi ka nalang sya pinansin at nakinig nalang sa klase.
Riiiiing!
Hay nag-bell na. It means, break time na! Hahaha. "Busog na naman ako nito!"
"Bestie, sa'n tayo kakain? Sa canteen 1 o sa canteen 2?" Haha, buti nalang natakasan ko yung lima. Minsan na nga lang kami magkasama ni Bethina eh. 'Pag break time nalang at kapag uwian. Minsan nga hindi pa eh.
"Kahit sa'n." Maikling tugon ko.
"Mood swings teh! Anyare?"
"Wala , halika na nga.. dami mo pang sinasabi bestie eh!" Sabi ko at pumunta na kami sa canteen 1.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...