Chapter 2- First Met

5.5K 250 110
                                    

Athena's Point of View..

....

"Kung sino man si Athena dyan, niyayaya kitang makipagdate sakin"

Hindi mo 'ko malololo Tristan. Haha baka kung isa 'ko sa mga patay na patay sa'yo eh baka bumigay na 'ko, pero sorry ka hindi mo 'ko mauuto!

"Ako!!!" Sigaw ni Denies, leader ng mean girls. "Ako, ako si Athena!!" Sabi nya pa. Halatang patay na patay sya kay Tristan! Wahaha, tignan nalang natin kung san ka pupulutin 'pag sumama ka dyan sa kupal na yan!

"Ikaw ba talaga si Athena?!" Mariin na sabi ni Tristan. Lahat naman ng classmates namin napanganga sa sinabi ni Denies.

"Denies, Athena ba ang pangalan mo?" Si Ms. Gonzales.

"Nickname ko po yun" aba, magpretend ba na ako! Pero okay na din yun, para na din makaiwas na ko sa Tristan na yun!

"Come on, Stupid" sarcastic na sabi ni Tristan at hinila nya na palabas si Denies.

Pagkalabas nilang dalawa pinagpatuloy na ni Ms. Gonzales ang pagtuturo samin. Lola ni Tristan ang may ari ng school na pinapasukan namin kaya kahit anong gawin ni Tristan hindi sya napapatalsik sa school na 'to. Kaya, kaya nyang gawin ang lahat ng gusto nya sa paaaralan na 'to. Scholar ako sa school na 'to kaya hindi ko dapat sayangin yung chance na makapagaral ako dito. Hinding hindi mangyayari yun, lalo na si Tristan ang dahilan!

"Bestie bakit hindi ka nagsalita? Bakit hinayaan mo si Denies yung makadate nya, sayang naman!!" Sabi nya. Gagi talaga 'tong bestfriend ko na 'to eh.

"Sa tingin mo seryoso yun na ide-date nya si Denies?!" Sabi ko. "Tsaka mabuti na din yun, hindi nya na 'ko guguluhin pa wahaha" sabi ko sabay tumawa!

"Ms. Salveda, Ms. Andal, gusto nyo bang madetention kayo ha?!" Ayan na naman si Mam sa katarayan nya eh. Nagkekwentuhan lang eh! "Lahat kayo, Makinig!!" Sigaw nya.

Lahat naman kami automatic na nakinig kay Ms. Gonzales, ibang magalit yung teacher namin na yun eh! Habang nagkaklase kami hindi ko maiwasan na isipin si Denies, baka kasi kung ano ano ng pinaggagawa ni Tristan don!

Kahit takot ako kay Ms. Gonzales lipad pa din yung utak ko. Hindi ako nakikinig sa kanya. Nakakatamad yung english class nya eh, walang kabuhay buhay! Well, for me our first class's so boring!!

"Magkakaron nga pala kayo ng debate sa isang linggo sabi ng Filipino teacher nyo, wala daw sya ngayon kaya binilin nya nalang sakin, okay?" Sabi ni Mam. "Goodbye class" pag alis ni mam sumunod naman si Mr. Reyes, Math teacher namin.

Debate?! Kalokohan! Hindi naman siguro lahat yun. Pero pano kung ako yung mapili, baka hindi ko kayanin! Nakakahiya, kahit madaldal ako mahiyain pa din naman ako.

Mabilis lang naman yung klase ni Mr Reyes, kaya mabilis kaming nakalabas. Dahil nga wala kaming Filipino kaya nakalabas kami ng maaga, at two hours vacant!

Papunta na kami ni Bethina sa canteen ng may mapansin kaming pinagkakaguluhan sa may Flagpole.

"Bestie ano kaya yun?!" Sabi ko.

"Wag kanang makielam dyan Athena, tara na. Gutom na ko eh" ayan na naman sya, lagi nalang syang gutom. "Tara na" hinihila nya ko pero hindi ako nagpahila, curious talaga ko kung anong nangyayari sa may Flagpole eh!

"Saglit lang, mamaya na tayo kumain" sabi ko. "Punta muna tayo don oh, ano kaya yung pinagkakaguluhan don!" Dagdag ko pa.

"Kaya ka napapahamak eh, napakachismosa mo" okay, ako na! Kala ko pa naman bestfriend ko sya, hmmp.

"Grabe ka ha, bestfriend pa naman kita" sabi ko. Bigla akong nagpout sa sinaabi nya.

"Cute mo talaga, halika na nga" sabi nya at pumayag din sya na pumunta kami sa flagpole.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon