Chapter 2

147 8 1
                                    

LIVEID HIGH ACADEMY

- - * * - -

Chapter 2
- - -
Cyane Xue Points of view

- - * * - -

Anim na oras din ang tagal ng biyahe papunta sa Liveid High Academy. Hinatid ako ng driver ni Mr. Camillo dahil hindi na niya gustong umapak pa sa lugar na ito. Nakaramdam ako ng galit sa kanya dahil gusto niya lang umiwas gayong sila ng asawa niya ang may kasalanan kung bakit nalagay ako, -kami ng kapatid ko sa sitwasyong ito.

Pagkalagpas namin ng isang baryo, malilim na ang daanan papasok ng area sakop ng paaralan. Natataniman kasi ng malalago at malalaking punongkahoy ang gilid ng daanan. Malalaki pa ang sanga na animo'y pumapasok ka sa mundo ng encantadia. Kung wala lang sigurong poste ng ilaw sa bahaging ito baka akalain mong gabi na gayong anong oras pa lang lumipas ang tanghali.

May nadadaanan kaming ilang tao at bawat isa sa kanila ay nakatingin sa sasakyan kung saan ako nakasakay ngayon. Hindi ko alam pero ang creepy sa pakiramdam ng bawat tingin nila. Sabagay, gaya nga ng pagkakasabi ni Mr. Castillo hindi ordinaryong paaralan ang papasukin ko.

"Bakit po Mang Anton?" nagtatakang tanong ko sa driver ng mapansin ko siyang hindi mapakali sa pagmamaneho.

"A—ah wala naman iha, nagtataka lang ako sa mga taong nadadaanan natin dahil parang nakatingin silang lahat sa atin." sagot naman niya na ikinahinga ko na lang ng malalim. Walang kaalam-alam ang matanda sa klase ng mundo meron ang pupuntahan namin ngayon.

Luminga ako sa paligid at saktong natuon ang paningin ko sa isang matandang lalake na nakatingin sa akin na parang nakikita niya talaga ako gayong tinted ang sasakyang sinasakyan ko ngayon.

Ang creepy! Bigla akong kinilabutan.

"Bilisan na lang po natin Mang Anton." sambit ko na lang upang maiba ang atensyon nito ngunit hindi ko pa rin maalis alis sa isipan ko ang uri ng pagtitig ng matanda.

Ilang kilometro pa ang distansya mula sa unang entrada hanggang marating namin ang malaking gate ng paaralan. May arko ito sa itaas ng bahagi kung saan nakasulat ang malaking pangalan ng Liveid High Academy na hindi ko mawari kung ano ang larawan na nakalagay sa bawat gilid nito. May korte kasing pabilog na may parang espada na naka-ekis dito.

Hanggang sa gate ng paaralan na lang ako nagawang mahatid ni Mang Anton dahil bawal na daw pumasok ang hindi studyante sa loob. Pinauwi ko na din siya agad upang maiwasang madamay pa siya sa maaaring mangyari sa lugar na ito.

Ilang minuto din ang ginugol ko upang maproseso ang student form na finil-upan ko bago ako bigyan ng student id at susi ng dorm room na gagamitin ko. May binigay ding isang card na magsisilbing pass ko daw sa loob ng Academy.

"Welcome to Liveid High Academy. You may now enter your student id to access your information."

Ni-swipe ko ang id ko at ilang segundo lang ay bumukas ang maliit na gate papasok sa loob.

Napakalawak na school field ang kauna-unahang natanaw ko.

Hindi tulad ng may kadilimang entrance, napakaliwanag ng loob ng Academy dahil sobrang lawak ng field nito.

Medyo may kalayuan ang distansya ng bawat building sa pag-estima ko na din batay sa nakikita ko ngayon.

May korteng pabilog ang kinatatayuan ng bawat building na pinagitnaan ang malawak na field. 'Yung mga building na din siguro ang mga rooms ng paaralang ito.

Iba't ibang studyante din ang may kanya-kanyang grupo na nakaupo sa mga bleachers na nasa gilid ng hallway.

Nilibot ko ang paningin ko at umaasang makita ko man lang ang kapatid ko ngunit bigo ako. Hindi ko man lang namumukhaan ang kahit na isa sa mga studyante dito. 

Pansin kong marami ang nakasuot ng school uniforms pero may mangilan-ngilan din ang hindi.

Napapatingin sila sa akin ang iba naman ay walang pakialam. Napapansin ko ang pasimpleng pagbubulungan ng iba sa isa't isa na parang ako ang pinag-uusapan nila.

May napapangisi habang pailalim akong tinitignan. May uri ding tingin na wari'y pinag-aaralan ako habang nakatawa pang nakikipag-apir sa kasama.

"Newbie." rinig ko pang sabi ng isang studyante. Binalingan ko naman ito at kita ko pa ang pagngisi niya sa akin. Bakas sa mukha niya ang excitement na hindi ko mapagtanto kung para saan.

Gusto kong mainis sa uri ng tingin niya pati na din ang iba pa ngunit ayokong gawing komplikado pa ang sitwasyon ko.

Ilang segundo pa ang nagdaan ng magulat ako ng biglang tumunog ang bell. Napahawak pa ako sa dibdib ko ng malakas itong kumabog dahil sa nakakagulat na tunog na iyon.

"HAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHA!!!!" napatingin ako sa mga malakas na nagtawanan habang sa akin sila nakatingin. Napapapalakpak pa ang mga ito habang tuwang-tuwa sila. 

Tangina! Pinagtatawanan ba nila ang pagkagulat ko?!

"Let the game, BEGIN!" sigaw ng isang studyanteng bigla na lang sumulpot sa gitna ng field.

"WOOOAHHHHHH!!! GO YELLOW WING!!!" tuwang-tuwang sigawan pa ng lahat.

Nagsipag-lapitan na ang ibang studyanteng medyo nasa malayo at papunta din ang mga ito sa field na kaharap ko ngayon.

Sumunod na sumulpot ang mga naka-unipormeng studyante na nakapiring ang mga mata. Papunta  sila sa gitna ng malawak na field. May ibang studyanteng nasa paligid lang nila. Nakangising nanunuod, nag-iingay, patuloy na nagtatawanan, habang ang iba nama'y umiiyak.

"Matira ang matibay! Kung sino ang mananatiling buhay siya ang magiging kapalit ng pagpasok ng bago!"

Napalingon ako sa studyanteng patuloy na nagsasalita na parang siya ang announcer sa nagaganap na palaro. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, nakakagulat, pero masama ang kutob ko sa mga sandaling ito.

Muli na naman akong nagulat sa pangalawang pagtunog ng bell.

"Ahhhhhhhhh!!!!!!"

"Kasper, yuko!"

"Huwag kang papatalo, Jake!"

"Kaya mo 'yan, Ali! please.."umiiyak na ani ng babaeng malapit lang sa kinatatayuan ko.

Nagsigawan ang mga studyanteng nanunuod sa mga nakapiring. Ang iba sa kanila ay umiiyak na nag-aalala sa mga kasamang kasali sa mga nakapiring pero marami sa kanila ang nag-iingay lang at nagtatawanan.

Nang mapatingin ulit ako sa harapang field wari'y natuod ako sa kinatatayuan ko. Ang kaninang mga nakapiring na studyante ay nag-umpisa nang nagsakitan sa gitna ng field. Ngayon ko napagtantong ang pagtunog pala ng bell na iyon ang hudyat upang mag-umpisa ang pagpapatayan nila.

Nagsimulang manginig ang mga kamay ko sa nasasaksihan ko ngayon.

Nagmistulang battle ground ang field. Nakahawak na ng patalim ang bawat studyanteng nakapiring. May mga panaksak, pamukpok, tubong pamalo silang hawak na pinanlalaban nila sa kapwa nila studyante.

Ilang segundo lang ang lumipas, may mga dugo na ang kanilang mga uniporme. Nakikipaghabulan na sa kamatayan ang iba habang nagsasaksakan at nagsusuntukan naman ang iba.

"Huwag kang mangialam. Kung maaari ay magkunwari kang walang nakikita."

Hindi ko napansin ang pagtulo ng luha ko habang mabagal na humakbang papalayo sa field. Hindi ko na masikmura ang nagaganap. 

Iyon ba ang ibig sabihin ni Mr. Camillo? Ang huwag akong mangialam kahit nagpapatayan na ang mga tao sa harap ko? Tangina! Alam ko namang hindi ordinaryo ang paaralang ito ngunit hindi ko pa rin napaghandaan ang ganitong scenaryo. Nagpapatayan ang mga studyanteng parang wala nang pakialam sa mga buhay nila at heto ako, magkukunwaring walang nakikita. Tangina! Anong klaseng buhay ang kakaharapin ko sa paaralang ito?

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon