Chapter 36

40 0 0
                                    


"We had controlled the situation, Emperor. Pero napuruhan si Damon." balita ni Loki.

"Why?" tanong naman ni Grim dito.

"Nasa West wing siya ng umatake ang isa sa mga crawlers sa dorm 925." aniya at binalingan ako ng tingin.

"Si Wynn?"

"Don't worry, she's safe now. Mabuti na lang at dumating si Damon upang iligtas siya dahil kung hindi baka nakuha na din siya ng mga halimaw na iyon."

Ramdam ko ang pagbaling ng tingin ni Cross sa akin.

"Ikaw ang sadya ng mga halimaw na iyon, Xue. Naaamoy ka nila sa kahit saang lugar na napupuntahan mo." aniya.

Nagtataka ko naman siyang tinignan.

"Kaya ba may halimaw na nagpunta sa West wing ay dahil inakala nilang naroroon ako?"

Tinanguan niya lang ako.

"Pumunta ka din dito sa East wing?" tanong ni Grim pagkaraan.

"Nilibot niya ang buong academy, Grim." dagdag pa ni Cross dito. Napatingin naman ako sa kanya. Binabantayan niya ba ang bawat galaw ko?

"Bakit? Ano bang ginawa mo? May bagay ka ba na gustong malaman, huh? O may minamatyagan ka?" tanong ni Cross.

Napakagat ako sa labi ko.

"Oo. Tama ka. May gusto nga akong malaman kaya nilibot ko ang buong academy. May hinahanap din ako na sa palagay ko'y wala naman dito." pag-amin ko sa kanya.

"Ano ba ang bagay na iyon?" seryoso na niyang tanong.

"Kaya ba nagmanman ka din sa South wing noon?" ani Loki. Naalala ko naman ang gabing sinabi niya ang tungkol sa pagkakita niya sa akin.

"Tsk. Sino ka ba talaga, huh?" muli na namang tanong ni Cross sa akin.

"That's enough, Cross. Marami na ang nangyari sa gabing ito kaya kailangan muna nating pagtuonan ang pagsigurong ligtas na ang lahat. Let's talk about this pagkatapos nating gampanan ang mga tungkulin natin." ani na Grim na parehas lang na inilingan ng dalawa.

"Loki, bring the blacklist. . Suyurin niyo ang kabuuan ng academy upang masigurong wala ng pagala-galang halimaw. Cross, kayo na ang bahala sa field."

"Let's go. We need to go to West wing. Kailangang magamot ni Damon." yaya ni Grim sa akin.

Nauna kaming umalis bago pa nagsialisan ang iba.

Bumaling ako ng tingin kay Grim ng tahimik lang itong magpatiunang maglakad sa akin. Hindi na nito hinawakan pa ang kamay ko.

Napabuntong hininga akong sundan ang paglalakad niya. Alam kong marami siyang gustong itanong sa akin ngunit hindi ko alam kung bakit hindi niya magawang isatinig iyon.

Ilang sandali ay nakarating kami sa West wing, sa dorm namin ni Wynn.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Grim kay Wynn. Lumapit naman ito sa kanya at mabilis na yumakap.

"Yeah, pero si Damon." nag-aalalang saad ni Wynn patungkol kay Damon na kasalukuyang nakahiga ngayon sa sofa.

"A-anong nangyari sa kanya?" tanong ko. Napuno kasi ng dugo ang bandang tiyan nito.

"Ang reapers ang may gawa niyan sa kanya. Ngayon lang nangyari ang ganito. Bakit nakarating na sa dorm ang mga halimaw na iyon? Akala ko ba'y nakabantay lage ang blacklist at ang mga rippers." nagtatakang ani Wynn.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon