Chapter 58

25 0 0
                                    


Zariah pov

"Kayo na ang bahala sa lugar na ito, Hillary. Kailangang may pumunta sa kinalalagyan nina Blue ngayon." bilin ko kay Hillary na tumango lang.

Kasama niya sa pakikipaglaban ang ibang gangs na myembro ng Uno pwera kay Race na piniling sumama sa amin pati na din ang Dark Knights.

Sa sitwasyong ito napagdesisyonan ng lahat na maghiwa-hiwalay upang malabanan ang lahat ng halimaw na naririto ngayon sa buong paligid ng academy.

Nasabi na din sa amin ng lalakeng studyanteng nakausap namin ngayon-ngayon lang na nagpakilalang Xis ang sitwasyon sa paaralang ito. Lahat ng naririto ay nanganganib na mabiktima ng mga halimaw.

Ang Piece ang kasama ni Cat na pumunta sa ibang bahagi nitong academy. Maging ang Phoenix gang ay humiwalay din upang matulungan ang ibang studyanteng humihingi ng tulong.

Napapaisip tuloy ako sa mga sandaling ito habang patungo kami sa kinalalagyan ng mga kasama ko. Ano bang laban ang napasok ng buong organisasyon ngayon? Ito ba ang sekreto ng Dark Society? Ang gumawa ng mga kakaibang halimaw na magiging dahilan ng katapusan ng maraming tao? O parte pa rin kaya ang imbensyong ito sa dievel drug.

Mula sa pag-iisip ko ay napahinto ako sa pagtakbo dahil sa paghinto din ng mga nasa unahan ko.

"Lorraine?" tawag pa ni Mikael kay Blue.

Ilang distansya pa lang ang natakbo namin at sigurado akong malayo pa ang bandang timog nitong academy na tinutukoy ni Xis kanina.

"Hey, are you okay?" maging si Enrile ay nagtanong na din habang kaharap ang limang babaeng nasa di kalayuan sa amin.

Bakit nandoon lang sila at parang hindi gumagalaw?

Nagbalak na lumapit si Mikael sa mga babae ngunit kaagad din siyang pinigilan ni Xis na kunot-noo pang nakatingin kina Blue.

"Stop! Stay away from them." saad pa nito.

Nagtaka naman kaming lahat sa sinabi niya.

"What are you talking about huh, Xis? Bakit ayaw mong lapitan namin ang mga kasama namin?" tanong ko dito.

"Ivory?"

"Dew?

"First. Bry." tawag ko din sa mga kasama ko ngunit hanggang ngayon ay tahimik pa rin na naroroon lang sa di kalayuan sa amin.

"Impossible. I am sure nasa South ang mga kasama ninyo." muli na namang ani Xis kaya hinawakan na siya sa balikat ni Enrile.

"What the hell are you talking about. Niloloko mo lang ba kami? Eh sino pala ang nasa harap namin ngayon?" may inis na nitong saad.

"No. Just look at them, hindi ba nag-iba ang kinikilos nila?" ani pa rin ni Xis.

"Tsk. Stop this nonsense will you." ani Race.

Napapailing na lang si Xis.

"First, kumusta? Anong nangyari? Sino ang nakuha ng halimaw?" tanong pa ni Race habang lumalapit na ito sa kinatatayuan ni First.

"Hoy, Uno. Ba't ayaw mong magsalita?" rinig ko pang muling tanong nito at nagbalak pang hawakan si First ngunit laking gulat na lang namin ng bigla nitong hablutin ang kamay ni Race at malakas itong binalibag sa lupa.

"What the fuck, First?!" gulat kong sigaw habang nakatingin na sa nahihirapang si Race.

"They are not you're friends. They are they're dopplegangers. Mga halimaw ang mga 'yan!" ani Xis.

"Nagbibiro ka ba?" tanong naman ni Herrera.

"No. And they're here to fight and might kill you." banta pa nito na sa isang iglap ay ganoon na nga ang nangyari.

"Shitttt!"

"Hey, Lorraine, it's me baby." rinig ko pang saad ni Mikael ng makaharap nito si Blue. Malakas naman siyang pinaulanan ng suntok ni Blue na nahihirapan pa nitong sanggain.

"Bro!" sigaw pa ni Czero ng tumilapon si Mikael sa lupa. Lalapitan pa nga niya sana ito ngunit hindi na din niya iyon nagawa ng malakas siyang sinuntok ni Dew sa tagiliran.

"Fuck!!!"

"Dew? Ano bang nangyayari sa inyo?!" nagtataka at taranta ko pa ring ani kaya sa akin naman ito napatingin. Kita ko pa ang pagngisi nito bago pang mabilis na pumunta sa harap ko.

"What the hell are you-?!" ani ko bago ako makatikim ng malakas na suntok na tumama sa pisnge ko mula sa kanya.

"Damn you!" galit kong sigaw at mabilis na bumawi mula sa pagkakatumba ko sa lupa.

"Gaga ka! Fuck you!" galit kong ani at malakas din siyang sinuntok sa mukha. "Ako pa talaga kinalaban mo ah!" galit ko pa ring ani. Ang dami naman kasi ng pwede niyang masuntok bakit mukha ko pa.

"Fight them! They're not my friends!!" sigaw ko sa mga kasama ko.

Si Race ang kalaban ni First. Habang si Dew ang nilalabanan ko. Si Bry naman ay si Enrile at Macapagal habang si Ivory ay sina Herrera at Czero ang nilalabanan. Si Mikael ang kalaban ni Blue na hindi magawa-gawang gantihan ang lahat ng binibigay nitong suntok.

"Bakit ang lalakas nila?" ani Macapagal.

"Hindi ba nila tayo nakikilala?" si Enrile naman ang nagsalita habang nakatingin ito kina Blue at Mikael kaya malakas din siyang nasuntok ni Bry sa dibdib.

"Shit! Okay ka lang bro?" tanong pa ng kasama sa kanya at maging ito ay nasuntok din.

"Lorraine it's us!" sigaw pa ni Mikael kay Blue ngunit katulad kanina ay wala pa rin itong pakialam sa sinasabi niya.

"Fuck! Stop it asshole!" sigaw ni Mikael kay Xis ng bigla nitong sinugod ng malakas na sipa si Blue kaya napaatras ito.

"Idiot! As what I've said, hindi sila ang mga kasama niyo. Halimaw ang mga 'yan!" sigaw din ni Xis kay Mikael.

Malakas naman siyang kinwelyohan ni Mikael.

"Paano ka nakakasiguro, huh?!" galit pa nitong ani kay Xis.

"Dahil ganyan din ang nangyari sa kaibigan ko! Naging halimaw din iyon katulad ng mga kasama niyo!"

"Damn you! Lorraine is not a monster!"

"Enough, San Sebastián! Hindi ito ang oras upang magtalo pa kayo!" pigil ko sa dalawa.

"Kung hindi mo kayang kalabanin si Blue, kami ni Xis ang lalaban sa kanya! Ikaw muna ang bahala kay Dew." sambit ko na ikinatingin niya sa akin.

"But-

"No more but's! Huwag ka ng sumalungat dahil alam naman nating lahat na hindi talaga ang mga 'yan ang kasama natin. Hindi iyan sina Blue dahil kahit kailan hinding-hindi ka niya kayang saktan!" malakas kong sambit.

"Hahahahahahahha!" napalingon kami sa malakas na pagtawa ni Blue katunog ng pagtawa ng isang nasasapiang tao.

"Goddamnit! Hindi ganyan tumawa ang kaibigan ko!" galit kong sigaw sa halimaw na hawig ni Blue.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon