Chapter 62

26 0 0
                                    


Cyane Xue pov

"Gusto kong makalayo."

"G-gusto kong—

"Hey, what happened? What's wrong?" napatigil ang paghakbang ko ng hawakan ni Grim ang braso ko. Kunot-noo pa niya akong tinitigan.

"Grim." tawag ko sa kanya.

"What's wrong, Xue?" nagtataka niyang tanong sa akin. Bumaling pa ako sa paligid namin. Mag-uumaga na pala kaya nawala na ang mga halimaw sa paligid.

"G-grim." muli kong tawag sa pangalan niya.

"Hey.. are you okay?"

Umiling ako sa kanya kasabay ng pagpikit ko ng mga mata ko upang hindi lang magtuloy ang mga luha ko.

"Come here, cupcake.. everything's gonna be fine, hmm." aniya at hinila ako upang mapalapit sa katawan niya. Magaan niya akong niyakap at tinapik ang likuran ko.

"No, Grim.. sa laki ng kasalanang nagawa ko, malabo ng maging okay ang lahat." buntong-hininga kong sambit.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap niya ako.

"What do you mean, hmm?" tanong niya.

Napalunok ako ng mapatingin ako sa mga mata niya.

"I was horrible, Grim. Sobrang sama kong tao. Baka nga talunin ko pa si satanas dahil sa sama ko." mapakla pa akong natawa sa sinabi ko.

"Ano bang sinasabi mo, Xue?" naguguluhang tanong niya. Napailing na lang ako.

Paano ko ba sasabihin sa kanyang ako ang dahilan kung bakit naging impyerno ang lugar na ito?

"Masama akong tao, Grim." muli kong ani. Siya naman ang napailing.

"No, Xue, cupcake. Hindi ko man alam kung bakit mo nasasabi 'yan pero alam kong hindi ka ganon kasamang tao." mahinahon niyang aniya habang hawak ang mga balikat ko. "Kung may tao mang sobrang sama 'yun ay ang taong siyang nag-umpisa ng kaguluhang ito. Ang taong siyang dahilan kung bakit nararanasan ng lahat ng naririto ang matakot sa mga halimaw." dagdag niya pa na nagpaiwas ng paningin ko sa kanya.

Muli na naman akong mapaklang napangiti. Lalo lang niyang pinatunayang masama talaga akong tao.

"Paano kung ako ang taong iyon, Grim? Anong gagawin mo?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Ilang segundo siyang natahimik at nagkunot ng noo niya.

"What?"

"Wala. Sabi ko kailangan na nating bumalik sa dorm at magpahinga." sambit ko na lamang habang natatawa sa hitsura niya.

Naguguluhan niya pa rin akong giniya papunta sa North wing. Pansin ko ang pagsulyap niya sa akin habang naglalakad kami kaya payak ko na lamang siyang nginitian.

Muli akong napabaling sa paligid. Kung wala lang sana akong planong makitang muli ang kapatid ko ay kanina pa ako lumabas at nagpakalayo-layo sa lugar na ito.

Ilang sanadali lang ay narating na namin ang dorm niya. Sumalubong sa amin ang nag-aalang pagmumukha ni Wynn.

"Grim." kaagad niyang tawag sa kapatid niya. Sinalubong niya ito ng yakap kaya napabitiw si Grim sa pagkakahawak sa kamay ko.

Matapos niyang niyakap ang kapatid ay sa akin naman siya humarap. Kinuha niya pa ang dalawa kong kamay.

"Okay ka lang ba, Xue? Hindi ka ba sinaktan ulit ng mga halimaw, huh?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

"I— I'm fine, Wynn." sambit ko naman. Napatingin pa ako kay Grim ng umalis ito sa tabi ko. Nagtuloy-tuloy siya sa kwarto niya at ilang sandali pa'y kaagad ding lumabas.

"Where's the other? Ligtas ba sila?" tanong ni Wynn sa akin kaya nawala ang paningin ko kay Grim.

"Hindi ko pa alam, pero hula kong marami sa mga studyante ang nabiktima ng mga halimaw." sagot ko naman sa kanya.

"What about the school officials? Sila dad, are they alright?" kay Grim naman nagtanong si Wynn kaya napatingin akong muli kay Grim na sa akin na din pala nakatingin.

"Dad is alright, Wynn." baling nito sa kapatid.

"Oh, thanks God."

Naglakad si Grim papunta sa amin ni Wynn. Nung una sa akin pa siya nakatingin ngunit pansin ko pa rin ang pag-iwas niya ng tingin ng makalapit na siya.

"Samahan mo muna si Xue dito, may aasikasuhin lang ako." aniya kay Wynn. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.

"Aalis ka? Where?" tanong ni Wynn.

"Wynn. I'll be back." saad lang nito.

"Pero, Grim—

"Just stay here with Xue, okay?" muling bilin ni Grim habang hindi pa rin ako tinitignan. Wari ba'y nag-iba ang pakikitungo niya sa akin ng makarating na kami dito.

"Tsk. Whatever. Bilisan mo lang bumalik." tumango lang si Grim dito. Hanggang nakalabas na ito sa pintuan ay hindi pa rin ito sumulyap man lang sa akin.

"Hey, are you really fine? Bakit natutulala ka?" untag ni Wynn dahil sa pag-iisip ko.

"N-no.. I'm.. I'm just thinking something."

"What is it?" tanong naman niya kaya muli na naman akong natahimik habang nakatingin na sa kanya.

"Xue?"

"It's.. it's about the monster. .yeah. the monster." sagot ko ngunit hindi talaga iyon ang iniisip ko ngayon.

"Hmm. . Akala ko naman iniisip mo kapatid ko." natatawa niyang aniya.

"Ha?"

"Haha. .Grim will be fine, Xue. And besides, umaga na kaya wala ng halimaw sa labas." aniya kaya napatango na lamang ako sa kanya. Tama din naman siya, kapatid niya ang iniisip ko ngunit hindi sa ganoong dahilan kaya ko siya naiisip. Pakiramdam ko kasi ay may mali. May nagbago at bigla akong kinabahan dahil doon.

"We should take a rest. Kailangan nating bumawi ng lakas dahil baka sasalakay na naman ang mga halimaw mamayang gabi." aniya.

Napatango ako.

"Xue, I'm sorry pala about Venice." muli na naman siyang nagsalita. Kumunot pa ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit ka humihingi ng patawad? tanong ko.

"She's my friend kaya I'm so disappointed ng nalaman ko ang nangyari lalo pa't kaibigan din kita." paliwanag naman niya.

"O-okay na yun. Nasaktan ko din naman siya kaya quits lang kami." sagot ko.

Ilang sandali lang ang nagdaan ng marinig ko ang mahina niyang paghilik.

Tumayo na ako ng masiguro kong tulog na siya. Bumaling pa ako ng tingin sa kanya bago lisanin ang dorm ng kapatid niya.

***

night-firefly

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon