Chapter 44

32 1 0
                                    


Ilang oras ang nagdaan ng may kumatok sa pintuan. Ni-lock ko talaga iyon kanina upang hindi lang makapasok ang bwesit na uto-utong lalake na iyon.

"Xue, let's talk." mautoridad niyang saad.

Nanatili akong tahimik.

"I have keys. Kung ayaw mong buksan, ako na lang ang magbubukas." aniya pa sa labas. Ilang sandali ay bumukas din ang pintuan ng kwarto niya.

"Xue." mahinahon na niyang tawag sa akin.

"What?!" pagalit ko namang tanong.

"I will let you explain what really happened kaya magsalita ka. You are my girlfriend and Venice is my friend kaya I want to be fair."

"Fair mong mukha mo." mahinang saad ko.

"Xue." nagtitimpi na niyang saad.

Inis naman akong napabaling sa kanya.

"Alam mo ba ang salitang fair, huh? Baka gusto mo pang ipaliwanag ko pa sayo ang kahulugan niyan." inis kong aniya.

"Xue, please. Ayoko ng lumaki pa ang away na ito."

"Ayaw mo naman palang lumaki eh bakit hinusgahan mo na ako kaagad ng di mo pa alam kung anong totoong nangyari?" sumbat ko naman sa kanya.

"Venice was hurt, Xue."

"Oh tapos? Concern ka sa kalagayan niya? Eh kung concern ka pala hindi mo pa siya pinadala sa mental. Doon siya nababagay alam mo ba iyon? Maaari pang magamot ang pagkabaliw niya."

"Stop it, Xue."

"You're already taking her side, Grim. You're worried for her." mapait akong natawa.

"That's not true, Xue."

"It's true. Kung sasabihin ko ba sayong siya mismo ang nanakit sa sarili niya, maniniwala ka ba, huh?" tanong ko. Nagtataka niya lang akong tinignan.

"See. Hindi ka maniniwala." seryosong ani.

"Hindi mo pa kilala ang pagkatao ko Grim kaya huwag mo ako kaagad husgahan. Kung totoong ako ang nanakit kay Venice ay baka hindi mo na makikilala pa ang mukha niya. Baka hindi na niya magalaw pa ang kahit anong parte ng katawan niya at mas lalong baka hindi mo na siya maabutang humihinga." ani ko na ikinatigil niya.

"Xue." pabulong na lang niyang tawag sa pangalan ko.

Walang salita akong lumabas sa kwarto niya. Tuloy-tuloy akong maglakad hanggang sa labas ng dorm niya. Mas mabuti ng lumayo muna ako sa kanya dahil baka ano pa ang masabi ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko namang puntahan si Wynn dahil maiinis lang ako lalo. Magkamukha sila ni Grim kaya maalala ko lang ang pagmumukha niya.

Naglakad ako papunta sa lumang laboratoryo. Iyon lang ata ang tanging mapupuntahan ko.

Napadaan ako sa South wing kaya hindi ko maiwasang hindi makita si Venice kasama ang mga kaibigan niya.

"Look who's here. Loser!" pang-iinis pa nito sa akin.

"Malas." mahina ko na lang na sambit.

"Grim really value me. Nakita mo naman, ako ang kinampihan niya. Haha." natutuwa niyang aniya. Tamad ko lang siyang tinignan.

"Oo. Uto-uto kasi siya kaya kakampihan talaga niya ang baliw na katulad mo." ani ko.

Inis naman siyang tumingin sa akin.

"What did you say? Ako baliw?" sigaw niya.

"Girls, drag that bitch. Ipapakita ko sa kanya kung anong tunay na baliw!" galit niya pang utos sa mga kasama na kaagad din nilang sinunod.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon