Chapter 11

57 1 0
                                    

Nang sumunod na araw ay muli akong patagong bumalik sa East wing ngunit isang malakas na hampas sa ulo ko ang nagpawala ng malay ko. Hindi ko alam kung sino ang may gawa niyon ngunit nagising na lang ako sa lugar na hindi ko alam kung saan.

"Anong balak mo sa kanya?" rinig kong boses ng babae ng magising ako.

Nagpanggap akong natutulog upang hindi lang nila malamang pinapakinggan ko ang pag-uusap nila. Pasimple ko ding sinilip ang paligid kung ilan ang mga naririto at sa hinuha ko'y dalawang babae lang ang kasama ko dito.

"Papatayin ko din siya katulad ng nangyari kay Ali." pagalit na saad ng isa pa.

Papatayin? Sino? Ako? Bakit?

"Nasisiraan ka na ba ng ulo, Mel? Alam mo naman 'di bang redcard ang isang iyan? Kamatayan ang magiging parusa mo sa ginagawa mong ito." saad na naman ng isa. Ako nga ang papatayin ng babaeng kausap niya. Pero bakit?

"Bakit? Newbie lang naman siya 'di ba? Malay mo, hindi pa siya kilala ng emperor."

Bakit naman nasali ang stupidong emperor na iyon dito?

"Kahit na Mel. Mga yellowcard lang tayo kaya tigilan mo na kung ano man 'yang binabalak mo sa babaeng iyan." salungat pa rin ng isa.

"Naduduwag ka na ba, Jean? Paano si Ali? Si Jake? Mawawalan na ba ng saysay ang pagkamatay nila dahil redcard ang pesteng babaeng ito? No! Hindi ako makakapayag, Jean. Hindi ako makakapayag na hindi man lang makagante sa babaeng ito! Kung hindi dahil sa pagpasok niya sa impyernong paaralang ito, sana.. s-sana buhay pa sana si Ali hanggang ngayon."

"Mel.." tanging ani na lang ng isang babae sa kasama niya.

Naguguluhan naman ako sa pinag-uusapan nila. Sino si Ali? Si Jake? Sino sila? Bakit nila ako dinala sa lugar na ito?

"Hindi na magbabago ang isip ko kahit anong sabihin mo Jean. Wala na akong pakialam kahit anong parusa ang ipapataw sa akin ng mga blacklist o ng emperor maipaghigante ko lang ang pagkamatay ni Ali!"

Pagkamatay? Ako ba ang pumatay? Bakit mukhang sa akin maghihiganti ang babaeng ito?

"Please Mel, pakinggan mo naman ako. Mali 'to. Alam naman nating walang alam ang babaeng ito bago pa siya pumasok sa paaralang ito. Hindi niya alam ang rules, Mel."

Rules?

"Rules. Rules! Pesteng rules na 'yan! Hanggang kailan ba tayo magiging alipin sa punyetang rules ng paaralang ito?!"

Hindi ko na kaya ang kaguluhan ng isip ko kaya pinili ko nang buksan ang mga mata ko at magtanong.

"Sino kayo?" kaagad kong tanong sa dalawang babaeng nag-aaway sa harap ko. Napatingin pa ako sa paligid at mukhang abandonadong lugar ang pinagdalhan nila sa akin. Sa hinuha ko din ay naririto pa rin kami sa loob ng academy. Sabagay, bawal din naman ang lumabas sa paaralang ito.

Napalingon ang dalawang babaeng studyante sa pwesto ko.

Seryoso akong binalingan ng tingin ng isa habang ang isang babae ay parang naaawa pa sa kalagayan ko.

"B-bakit ako nandito? Anong kailangan niyo sa akin?" tanong kong muli sa kanila.

"Nandito ka para mamatay!" seryosong banta sa akin ng isang babae.

"Mel." pigil pa rin sa kanya ng isa.

"Shut up, Jean! Huwag na huwag mo akong pipigilan kung ayaw mong madamay sa galit ko sa babaeng ito!" galit niya pang sigaw sa kasama niyang babae.

"B-bakit? Ano bang kasalanan ko sayo?" nagtataka kong tanong.

Bahagya naman siyang napatawa. Mapang-uyam iyon. Lumapit siya sa kinauupuan kong silya upang malakas na sabunutan ang buhok ko.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon