Chapter 53

28 0 0
                                    


Ivory POV

"Did someone know where the school laboratory is?" malakas na tanong ni Dew sa mga studyanteng animo'y mga langgam na nagkalat sa paligid. Iisa lang ang pinag-uusapan nila, 'umpisa na ba?' May iilan ding nagsasabi kung sino na naman ang mamamatay sa araw na ito.

Hindi ko lubos maproseso ang mga salita nila na parang normal na lang sa kanila ang may mamatay sa lugar na ito. At ano ba ang mag-uumpisa?

"Kilala niyo ba si Dr. Yamamoto?" natigil ang pag-iisip ko dahil sa walang pasintabing tanong ni First. Napatigil din ang pagsasalita ng lahat at napatingin na sa direksyon naming lima.

Gusto ko tuloy mapatampal sa noo.

May isang studyante naman ang nagtaas ng kamay at nagturo ng direksyon.

"Doon sa East wing." aniya at nagyuko din kaagad ng mukha pagkatapos niyang magsalita.

Napatingin ako kay Blue. Tumango siya sa akin at pag-iling naman ang ginawa niya kay First. Napapakamot pa ang gaga, marahil ngayon niya lang napagtantong hindi kami dapat magpadalos-dalos ng sasabihin sa lugar na ito, lalo pa't ngayon pa lang kami nakapasok dito.

"Let's go." aniya at sumunod na din kami sa utos niya.

Napatingin pa akong muli sa mga studyante, para kasing may mali sa kanila.

Muling nag-ingay ang nakapaligid sa amin ngunit sa pagkakataong ito, bakas na sa mga boses nila ang animo'y takot.

Nakatingin lang sa amin ang mga nadadaanan naming mga studyante ng paaralang Livied. Seryoso ang mga tingin nila ngunit walang naglalakas-loob na magtanong.

Ilang minuto lang ay narating namin ang isang building kung saan may mga studyante ding nakatingin lang din sa amin. Puno ng pagtataka ang mga mukha nila.

"Newbies?" tanong pa ng isa.

"Sa ganitong oras? Bakit ngayon pa?" may pag-aalalang saad ng babae.

"Bakit hindi tayo inabisuhan ng mga opisyal?" ani din ng isa.

"Wala bang larong magaganap?"

"Laro?" tanong naman ni First sa akin. Kibit-balikat ko lang siyang sinagot dahil wala din akong malay sa pinag-uusapan ng mga nakapaligid sa amin. Iyon kaya ang mag-uumpisang sinasabi ng mga studyante kani-kanina lang? Ano namang klaseng laro iyon?

Ilang distansya pa ang nilakad namin ng may mga lalakeng studyante ang humarang sa dadaanan namin.

"The doctor is waiting for you." ani ng tumatayong leader nila. Napatitig pa ako dito ng pamilyar ang hitsura nito.

Tumalikod sila at nagpatiunang maglakad. Tahimik silang sinundan ni Blue at sumunod na din kami sa kanila maliban kay First na makikiusyuso pa ata sa mga studyanteng nag-uusap sa paligid.

"Anong laro?" nagawa pa niyang tanungin ang babaeng ngumiwi lang sa kanya bilang sagot. Feeling close siguro sa isip niya si First.

Sumunod na din siya ng wala siyang nakuhang sagot. Bumubulong pa siya sa tabi ko tungkol pa rin sa tanong niyang laro.

Huminto ang nasa harap namin. Sumalubong pa sa amin ang nakakasilaw na pagpuntirya ng ilaw sa direksyon namin kaya napapapikit pa kami dahil sa silaw. Siguro'y narating na namin ang lugar kung saan naghihintay si Dr. Hiroshi at ilang segundo lang din ang nagdaan ng magpakita na ito sa amin.

"Welcome, girls!" sabay-sabay kaming napatingin sa biglaang pagbukas ng pintuang yari sa salamin.

Gumilid naman ang mga lalakeng nagsama sa amin sa lugar na ito upang bigyang daan ang paglabas ng doctor. May mga sampung doctor na nasa likod niya at kung hindi lang malakas ang pandama namin ay baka hindi na namin maramdaman ang pagpaligid ng mga tauhan nito sa amin.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon