Chapter 13

52 2 0
                                    


Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view


Pagkalabas ko sa pintuan ng dorm ni Vegas ay sakto naman ang pagdating ng mga Black list. Pareho pa kaming nagkatitigan at alam kong malalagot na naman ako sa mga sandaling ito.

"What are doing here?!" seryosong ani Grim na kunot-noo pang tinignan ang pintuan ni Vegas.

Natahimik lang ako. Nag-iisip ng magandang isasagot sa tanong niya upang hindi lang ako mapapahamak.

"Ah, nakita ko kasi 'yung lalakeng nakatira dito na nahihirapan kanina kaya tinulungan ko nang makauwi dito sa dorm niya." sagot ko naman. Nanatili pa rin ang pagkakunot ng noo niya na parang tinitimbang niya kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo o hindi.

"Matulungin ka pala, akala ko, stupid ka lang." ani ng lalakeng nakasalaming nakabungguan ko nung nakaraan. Tsk. Papansin. Lihim na lang na saad ng utak ko sa kanya. Umikot ang mata ko ng ngisian niya pa ako.

"Grim, let's go. Kailangan pa nating maghanda." singit naman ng isa pa nilang kasama.

"Tsk. Go back to your place, stupid. Outsiders are prohibited here. You will face hell the next time na makita pa kita dito. Do you understand?" seryosong aniya na kinunutan ko lang ng noo. Hell? Tsk.

"Stupid, do you understand?!" pag-uulit pa niya. Pinigilan kong mag-ikot ng mata at piniling tumango na lang sa kanya. Bahagya pa akong nginisian ng gago bago pa nagpasyang iwanan ako.

Inikutan ko na lamang siya ng mata. Wala naman akong balak pang bumalik sa lugar na ito. Wala din namang senyales na naririto ang hinahanap ko kaya hindi ko na pag-aaksayahan pa ng oras ang pagbalik dito. Pansin ko kasing puro panglalake lang ang desinyo ng mga dorm kaya malaki talaga ang posibilidad na puro lalake lang din ang mga nakatira dito.

Humakbang na ako palabas. Nilingon ko pang muli ang kabuoan ng building. Bumuntong hininga na lang akong bigo sa pinakahuling lugar na pwede kong paghanapan sa kapatid ko. Hindi ko naman kasi basta-bastang ipagtanong ang pangalan niya dahil baka mahalata ako sa pakay ko sa paaralang ito. Lalo pa't hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang animo'y misteryong bumabalot sa paaralang ito pagsapit ng gabi. Simula kasi nung huling gabing lumabas ako ay hindi na din muna naulit iyon.

Naglakad na ako pabalik sa dorm ko. Pinaplano kong makipagkilala sa mga taga East wing dahil sila ang may pinakamababang kulay ng card sa lahat ng studyante dito. Batay kasi sa pagkakakilala ko sa kapatid kong si Cane, malaki ang posibilidad na sila ang mga nakasalamuha nito dahil simpleng babae lang ito. Hindi mahilig sa mga mamahaling bagay si Cane na kahit ang mayayamang tao ay dinidistansyahan nito. Sa makatuwid, mas gusto niya pang makisalamuha sa mga mahihirap. Sa mga studyanteng mababa lang ang uri. Ngunit paano ko naman gagawin iyon kung ang nakasalamuha kong taga-East wing ay gusto akong patayin. Potcha naman.

"Hi, Xue." napatingala ako ng may tumawag sa akin. "Ang lalim yata ng iniisip mo at di mo ako napapansin." ani Naver na siya palang tumawag sa akin.

Napalingon naman ako sa paligid namin. Hindi ko na pala napansing napadaan na ako dito sa South wing. Sa sobrang pag-iisip ko sa gagawin kong plano ay bigla akong nawalan ng pakialam sa paligid ko.

"Where have you been?" tanong nito na tinignan pa ang lugar na dinaanan ko. "Sa North?"

Tumango lang ako sa tanong niya. Ginaya niya din ang ginawa kong pagtango habang bahagyang nag-iisip.

"I haven't seen you during the masquerade party, why?" nakangiti niyang tanong kalaunan.

"Ah, sumama bigla ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nakapunta. Pasensya ka na." palusot ko na lamang kahit pa nagpunta naman talaga ako dito hindi para maki-party kundi para magmanman.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon