Chapter 45

35 0 0
                                    


"B-bitiwan mo ako, a-ano ba?!" nahihirapan niyang saad. Patuloy pa rin siya sa pagpumiglas pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makakawala mula sa pagkakahawak ko sa kanya.

Nginisian ko lang siya.

"B-baliw ka! Bitawan mo ako!" muling utos niya.

Malakas akong natawa sa sinabi niya.

"T-tulong. . Tulungan niyo ako." tunog pagmamakaawa na niya sa mga kasama niya.

Sakal -sakal ko pa rin ang leeg niya. Unti-unti ko pa siyang binuhat sa pamamagitan ng pagsakal sa kanya kaya mas lalo siyang nahihirapang huminga.

Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon na kahit pagsakal ko sa kanya ay hindi man lang ako nahirapan.

Napangisi akong muli.

"B-baliw ka na! Let me go." nahihirapan na niyang saad.

Napatunghay ako sa kanya bago ilapit ang bibig ko sa teynga niya.

"You're right, Venice. I am really crazy. Infact, galing talaga ako sa mental dahil baliw ako. Haha." bulong ko. Lalo naman siyang nagpumiglas.

"Do you know my hands are covered with blood. Dugo ng mga taong napatay ko na. Hindi ko na nga mabilang kung ilan sila eh pero alam mo ba kung anong natatandaan ko?" mahina pa akong natawa bago dagdagan ang pananakot ko sa kanya. "Hindi ko nakakalimutan ang mga taong huling binabawian ko ng buhay at baka ikaw na ang papalit sa listahan kong iyon. Hahaha."

Muli siyang nagpumiglas. Ramdam ko ang tensyon ng katawan niya indikasyong sobrang natakot siya sa sinabi ko.

"L-let me go.. ahhhhhh! Let me go!" sigaw niya kahit nahihirapan.

"Magmakaawa ka muna. Malay mo, pagbigyan pa kita."

Lumingon siya sa akin. Napangisi ako ng tumulo ang mga luha niya.

"L-let me go, p-please Xue. D-don't kill me. Please. . L-let me go. M-maawa ka sa akin."

"Hmm?"

"P-please Xue. . I . . I c-can't breath. Please d-dont kill me. M-maawa ka sa akin."

"Good. . That's good Venice. Sige pa, magmakaawa ka pa. Hahaha."

"Xue. .p-please, p-patawarin mo ako. .p-pangako hindi na kita ulit papakialaman."

"Talaga?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Umiiyak siya habang tumango. Unti-unti ko na ding binababa ang pag-angat ko sa kanya.

May komosyon sa likuran ko at dahil iyon sa mga bagong dating.

"What the fuck, Xue. Let her go!" dumagundong ang boses ni Grim kaya muli akong napangisi.

"Xue your killing her, let Venice go." usal naman ng kasama nitong si Damon.

Alam kong buong blacklist ay naririto na dahil isang redcard ang involve sa kaguluhang ito ngayon.

"G-grim." napalingon pa ako ng nagmakaawa si Venice sa kanya. Mahina akong natawa.

"Pasalamat ka dumating ang uto-utong tagapagligtas mo." bulong ko pa kay Venice bago bitawan ang pagkakasakal ko sa kanya.

Napaluhod siya at kaagad naman siyang dinaluhan nina Damon at Grim.

Napailing pa si Grim ng tignan niya ako kaya inikutan ko naman siya ng mata.

"Mel." napatingin ako kay Jean ng muli niyang tawagin si Mel. Nahihirapan siyang huminga kaya alam kong malala ang tama niya.

Mabilis akong lumapit sa kanila upang tulungan siya.

"Anong nangyari dito? Bakit naririto kayo?" sigaw ni Grim sa mga naririto na wala man lang naglakas ng loob upang magsalita. Marahil takot din sila hindi lang sa ginawa nila sa akin kundi bilang yellowcard na din na nakihalubilo sa mga higher level.

Tahimik na lang akong napailing.

"We need to bring him to the clinic, Jean. Malala ang tama niya." ani ko. Tutulungan ko na sana si Mel na tumayo ngunit napatigil na lang ako ng galit akong tawagin ni Grim.

"Xue!" tawag nito. Bakit siya nagagalit? Anong alam niya sa nangyari?

"Ano ba Grim?! Malala ang saksak ni Mel kaya huwag mo muna akong kausapin! Kailangan na namin siyang madala sa clinic upang magamot siya." may inis na ani ko sa kanya.

Kita ko ang pagtigas ng panga niya marahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Walang pwedeng umalis, Xue!" mariin pa niyang utos.

Napatayo naman ako mula sa pag-alalay kay Mel. Galit ko siyang hinarap na kulang na lang suntukin ko siya.

"Eh potangina mo pala eh! Hahayaan mo na lang bang mamatay ang studyanteng ito dito, huh?!" singhal ko.

"They cause this trouble kaya kailangan nilang harapin ito?" aniya. Mahina naman akong natawa.

"Trouble? Eh ang babaeng iyan ang dahilan kung bakit nandito ang mga taga-East wing, Grim!" galit kong turo kay Venice na nakaupo pa rin sa sahig habang tinutulungan ng mga blacklist.

"Kung may dapat man kayong tulungan, si Mel iyon at hindi potanginang baliw na babaeng iyan!" bulyaw ko din kina Damon.

"They are a yellow card student, Xue." sambit naman ni Damon.

"Ano naman? Tao pa rin naman ang mga ito! Kung tutuusin nga ay mas nararapat pa silang tawaging tao kaysa sa inyo!" sigaw ko sa kanya.

"Xue! Enough!" pigil ni Grim sa akin.

Malalim akong napahugot ng hininga bago magsalita.

"Ako ang tutulong sa kanya kung ayaw niyo siyang tulungan. Sabagay ako din naman ang dahilan kung bakit siya sinaksak ni Venice kaya responsibilidad ko siya." seryoso kong saad kay Grim.

Magtatanong pa sana ito ngunit hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon.

"Binabantaan ko kayo! Huwag niyo akong pigilan kung ayaw niyong matulad sa kalagayan ng babaeng iyan!" banta ko pa sa kanila. Binalikan ko si Mel at tinulungang tumayo. Napatingin pa ako kay Grim bago kami umalis.

"Ngayon ka maniwala Grim. Ngayon mo paniwalaang ako ang nanakit kay Venice dahil nakita mismo ng mga mata mo. Sa susunod huwag kang basta-basta naniniwala kung hindi mo naman nakita." seryosong saad ko na ikinatahimik lang niya.

Bigla namang dumating si Vegas na gulat pang nakatingin sa amin.

"Xue. . Xuey! Anong nangyari?!" nag-aalala nitong tanong sa akin. Pansin ko pa ang pagbaling niya ng tingin sa mga taga East wing kaya sinundan ko ng tingin iyon. Napayuko silang lahat na parang iniiwasan ang tingin niya. Kung kinakatakutan ng mga yellow card si Grim kakaiba naman ang epekto ng seryosong titig ni Vegas sa kanila.

Binalik ko ang paningin kay Vegas. Tinapik ko ang balikat niya upang ibalik lang niya ang pansin sa akin.

"Buhatin mo siya Vegas. Dalhin natin siya sa clinic." saad ko patungkol kay Mel.

"What? Ano bang nangyari kay Mel?" tanong niya. Maging si Mel pala ay kilala niya. Ang akala ko ay sina Lyndsy, Fatima at Jewvan lang ang kilala niya.

Napailing ako.

"Nasaksak siya. She save me kaya siya naman ang napahamak." sagot ko sa tanong niya.

"What?"

"Ano?"

Halos magkasabay pa silang nagtanong ni Grim. Binalingan ko ng tingin si Grim pero agad din akong lumingon kay Vegas.

"Let's go. Lalong lumalala ang tama niya." ani ko. Sinunod naman ni Vegas ang sinabi ko kaya tumayo na din ako pati si Jean na tahimik lang na nakatuon ang pansin kay Mel.

Tinawag ako ni Grim ngunit hindi ko na din siya nilingon pa.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon