Chapter 60

30 0 0
                                    


Ivory POV

"Eto ba ang dahilan kung bakit gumawa ng eksperimento si Dr. Yamamoto? Human weapon and mind-altering? Upang magkaroon siya ng kapangyarihan at lakas upang pamunuan ang lahat ng organisasyon?" tanong ko kay Cross.

Tumango lang ito bilang sagot habang nakatingin pa rin sa daang tinahak ni Cyane kani-kanina lang.

"So ibig sabihin, phase one pa lang ang mga dievil drug carrier tapos phase two na ang portal na dinadaan ng mga halimaw?" si First naman ang nagtanong.

"The monsters are not part of his plan but he miscalculated it. Hindi niya inaasahan ang pagkakaroon ng gateway sa ibang dimensyon ng isinagawa niya ang eksperimento noon gamit si Xue." paliwanag ni Cross. Pansin ko pa ang pagtigas ng panga niya ng banggitin ang pangalan ni Cyane.

Patuloy pa rin ang pagtitig ko sa kanya. Sa paraan ng pagsasalita niya ay parang madami na talaga siyang alam tungkol sa mga imbensyon ni Dr. Yamamoto at maging ang history ng buhay ni Cyane ay alam din niya. Napapaisip tuloy ako ngayon. Nabanggit kaya ng doctor na iyon kung sino-sino ang mga batang naging kasama ni Cyane noon?

"Ano pa ang alam mong imbensyon ng baliw na doctor na iyon, Cross?" seryoso kong tanong.

"Time travel." aniya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon.

"Time travel? Posible ba talaga iyon?" si Dew naman ang nagsalita.

"Naging posible nga ang mga halimaw na nakita niyo." saad lang ni Cross dito.

"You said 8 years ago pa inumpisahan ang mind-altering experiment, so you mean to say, that time din nag-umpisang pumasok ang mga halimaw sa mundo natin?" ani Blue.

"No, not yet, because that time nakaya pa ng mga scientist na maisarang muli ang barrier. Ngunit ng muli na naman nilang gamitin si Xue sa eksperimento, doon na nagkaroon ng maliit na bitak ang hangganan ng dimensyon natin at ang dimensyon ng mga halimaw. Para iyong nagkaroon ng maliit na space na maaring pasukan ng kung ano mang maliit na bagay mula sa magkaibang dimensyon." mahaba niyang paliwanag. Kung nagkataong hindi ako nakatakas sa organisasyon noon marahil ay nagamit na din ako. Siguro nga'y maswerte pa ang naging kapalaran ko kaysa kay Cyane.

"Naging carrier din si Cane. Ibig sabihin, ang mga taong naturukan ng dievil drug lang ang may kakayahang makapasok sa barrier." ani ko kapagkuwan.

"Pero paano nangyari iyon?" tanong naman ni Dew.

"Kapag naturukan ng dievil drug ang isang tao, binabago na niyon ang kakayahan nito. Hindi na ito katulad sa mga ordinaryong tao na madali lang mamatay." ani Cross. Our strength had change. Pero hindi lang ang kakayahan natin ang pwedeng magbago."

"What do you mean?" tanong ko dito.

"Maging ang mga nilalang sa ibang dimensyon ay nagbago din."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Just like Xue, Cane also was a success experiment. Both dievel drug carrier and mind-altering experiment. Nang maging— ." napatigil pa ang pagsasalita nito. Napalunok pa ito bago dagdagan ang pagpapaliwanag niya. "Nang naging halimaw si Cane nagkaroon ng pagkakataon ang mga halimaw na ma-adopt din ang kakayahan nito. They are evolving their strength and abilities. On the past years, hindi pa kami nahihirapang makipaglaban sa kanila. Pero habang patagal ng patagal, ramdam kong lalo lang silang lumalakas."

"They're adapting. Finding some way to survive. Building defense mechanisms against their enemies attack."

"At nakadagdag pa ang dievil drug sa adaptasyon nila." mahaba nitong paliwanag.

"Paano natin sila matatalo?" tanong ko kay Cross.

"We need to close the barrier." sagot niya din sa akin.

"Kailangan nating isara ang lagusan. Pero bago natin magawa iyon, kailangan muna nating ilabas ang mga taong hindi dapat na nandoon at isa na si Cane sa mga iyon." dagdag niya.

"Pero paano tayo makakapasok sa ibang dimensyon?" tanong ni First.

"Through the help of Xue." kaagad na namang sagot ni Cross.

"Paano?"

"Dr. Yamamoto is willing to take the risk para lang sa pag-success ng eksperimento niya. Kapag muling nagtagumpay ang mind-altering experiment niya maaari na niyang maibenta ang lahat ng machine niya sa black market. Sa panahon ngayon marami nang organisasyon ang na-eengganyo sa mga makabagong teknolohiya. Maraming leader na din ang gusto maging una sa lahat lalong lalo na ang matalo ang mga kalabang organisasyon. At isa na ang Underground Organization sa gustong talunin ng mga organisasyong iyon." mahabang aniya habang kay Blue na nakatingin.

"How about the monsters? Hindi ba nag-aalala si Dr. Yamamoto na baka maging ang organisasyon niya ay mabiktima din nito?" ani ko.

"Dr. Yamamoto is a self-centered asshole. Wala siyang pakialam sa iba basta umangat lang ang pangalan niya. The monsters are nothing to him basta may mga taong pomoprotekta sa kanya." saad na naman ni Cross habang kay Dew na nakatingin.

"Yeah, I know. My father is a monster too." irap ni Dew sa kanya. "But how about you Cross? Why the hell did you protect that crazy asshole, huh?" balik din nitong tanong kay Cross.

"Because I have to." sagot lang nito.

"Tsk."

"We need to find Cyane. Hindi pwedeng mauna siyang makuha ni Dr. Yamamoto na hindi pa niya alam ang magiging plano natin." suhestiyon ni Blue.

"I know where we can find her." ani din Cross.

"Where?"

"North wing. Kung nasaan ang taong maaaring magdala sa kanya sa kapahamakan." dagdag niya pa.

***

night-firefly

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon