Chapter 59

34 0 0
                                    


Cyane Xue pov

"Bakit ka nagsinungaling?" seryosong tanong sa akin ni Blue na sinundan din kaagad ng tanong ni Dew.

"Bakit ibang pangalan ang ginamit mo?"

Pumalibot silang apat sa akin maliban kay First na bumabawi pa ng lakas at alam kong wala silang balak na patakasin ako sa mga tanong nila.

"Hindi ako nagsinungaling." wala na akong choice kundi ang sagutin sila. Rinig kong bahagyang natawa si Ivory kaya bahagya akong tumingin sa kanya.

"Talaga ba, huh? Cane?" mapakla pa siyang natawa habang may diin ang pagtawag niya sa akin.

"Tsk, her name is not Cane." ani Dew na napapailing na din habang mapang-uyam ding tumatawa sa akin.

"Yeah, I know. Tinawag ko lang siya sa peke niyang pangalan." ani Ivory dito ngunit hindi pa rin nawala ang magkahalong inis at tawa sa mukha niya.

Malalim naman akong napabuntong-hininga. Alam ko namang malaki ang pagkakamali ko sa kanila. Kung tutuusin nga ay madaming tao ang nagawan ko ng pagkakamali. Marami akong niloko at ginawan ng masama. Likas na ata sa akin ang magsinungaling kapag wala na akong choice. Sabagay, simula't sapul din naman ay wala na talaga akong kalayaang pumili o kaya'y hindi ako nagkakaroon ng pagkakataong makapili. Tsk.

Napatingin ako kay First. Alam na kaya niyang ako ang dahilan kung bakit naging carrier din ng dievil drug ang kaibigan niya. Hindi lang naman talaga basta nadamay lang ang batang iyon. Nagkataon lang talaga na kaibigan siya ni First. Dati na talaga itong sinusubaybayan ng organisasyon upang maging subject din ng experimento. Hindi naman lingid sa mga kasapi ng organisasyon na naghahanap talaga ito ng mga taong may kakaibang galing at lakas at si Tork na kaibigan ni First ay angkin iyon.

Malalim na naman akong napahugot ng hininga bago tignan muli ang mga nasa harap ko.

"I'm Cyane and Cane is my twin's name." pasimulang pag-amin ko sa kanila.

"Twin? May kambal ka?" nagtataka nilang ani.

"Then why are you using her name? What's your reason?" nakakunot-noong tanong sa akin ni Blue.

"I want to find her." ani ko na nakadagdag pa sa kaguluhan ng isip nila.

"Find her? Nasaan ba siya? Is she also a dievil drug carrier like us?" tanong na muli ni Blue na tinanguan ko.

"Base sa mga nalaman ko habang naghahanap ako ng impormasyon tungkol sa kapatid ko, she's not only a carrier, Blue. She's also the first human na ginamit sa experimentong isinagawa ng Liveid upang gawing human weapon." paliwanag ko.

"Human weapon?" si Bry naman ang nagtanong. Sa aming anim na naririto, kaunti pa lang ang nalalaman niya tungkol sa mga imbensyon ni Dr. Yamamoto.

"Si Cross, kilala mo ba kung sino at anong klaseng tao siya?" tanong ni Ivory na nagpakunot ng kilay ko.

"Bakit mo natanong Ivory?" balik ko namang tanong sa kanya.

"We met and have fought the monster together, Cyane." sagot niya.

"So, do you know about him? His background o kung galing din ba siya sa Dark Society?" walang paligoy-ligoy na tanong nito.

Napaisip naman ako sa naging tanong niya. Bakit pareho kami ng nararamdaman tungkol sa pagkatao ni Cross? Marahil nga ay dahil na din iyon sa kung paano ang pinakitang pakikipaglaban ni Cross maging ang personality nitong may animo'y madilim na aurang pumapalibot sa pagkatao niya.

"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?"

"Speaking of the devil, sakto ang pagdating mo Cross dahil tama ka, ikaw talaga ang pinag-uusapan ng dalawa at galing ka din sa Dark Society. Sabihin mong mali ako at tatahimik na ako." pagsingit ni First na tumayo na mula sa pagkakasalampak niya sa sahig. Nakabawi na siguro siya ng lakas.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon