Chapter 23

42 1 0
                                    


Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view


Hinatid ako ni Grim sa dorm bago mag-alas 10. Gusto ko pa ngang hintayin ang paglabas ng mga halimaw pero may mga asungot ng nagpakita bago pa man iyon lumabas.

"Kailangan na niyang pumasok, Grim." ani Cross na nakasuot na naman ng maskara. Pansin ko pa ang pagtitig nito sa akin. Marahil dahil sa suot kong pang-p*rnstar. Naiisip ko ngang baka tahimik niya lang akong hinuhusgahan, na andito lang ako sa field pero kung makapag-suot ako ng gown ay parang rarampa na ako sa bar.

Tsk. Napairap ako ng wala sa oras habang tinitignan ko siya. Pwes huhusgahan ko din siya sa isip ko ngayon.

"Hmm." tikhim ni Grim ng mapansin siguro nito ang pag-irap ko kay Cross.

Tsk. Kailangan kong ibaling sa iba ang pakiramdam ko dahil hindi ko maipagkakailang kinakabahan na naman ako ngayong nakikita ko na naman siya.

Isa din siguro talagang halimaw ang isang ito. May hitsurang halimaw, dahil hindi din naman panget ang isang ito. Mapanghusga ako pero hindi ko naman sinusubrahan. Sa katunayan nga'y may hitsura din naman si Cross.

"Tsk." napalingon ako sa papansing si Loki dahil andito din pala ang isang ito. Sabagay, kanang kamay pala siya ng emperor.

Nag-iwas pa ito ng tingin ng balingan ko siya. Tsk.

"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama sa inyong mag-monster hunting?" tanong ko pa kay Grim.

"Sa suot mong 'yan?" ani ng papansin.

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Bakit? Bagay naman sa akin, ah. . Problema mo?" inis kong ani kay Loki na tinawanan lang ng gago.

"Ayoko ng sagabal, babae." malamig namang saad ni Cross.

Masama ko naman siyang tinignan. Ngumisi pa siya sa akin ngunit ginantihan ko din iyon.

"Tsk. Hindi ako magiging sagabal, baka nga matulungan ko pa kayong mahuli ang mga iyon." ngisi ko sa kanya.

Lalo pang lumuwang ang pagkakangisi niya. Alam kong may halong pang-iinis iyon pero hindi ako magpapatalo sa gagong ito kahit pa kinakabahan pa rin ako dahil sa kanya hanggang ngayon.

"Ang tapang mo naman pala, Xue. Eh bakit ka naiyak nung una mong nakita ng mga halimaw na iyon?" kontra na naman ng papansing si Loki.

Nginisian ko na din ang gago upang mabawasan lang ang pagkapahiya ko sa mga sandaling 'to.

"Wala ka nang pakialam don, Loki." saad ko na lang na tinawanan na naman niya.

"Weee?" aniya pang lalong nang-iinis. May araw ka rin sa'king gago ka.

Aaksyon na akong bibigwasan siya ng malakas na tatama din sa gagong si Cross pero hindi ko na iyon nagawa dahil sa pagpigil ni Grim.

"Tama na yan. Let's go, ihahatid na kita." yaya ni Grim upang matapos lang ang pagbabangayan namin ng kanang kamay niyang papansin.

Napatingin pa akong muli kay Cross na naging seryoso na ang pagmumukha.

"Pinaglihi siguro sa yelo 'yang si Cross. Pakiramdam ko nanlalamig ako kapag nakikita ko na 'yan eh." ani ko kay Grim na napapailing na lang.

"Tsk. Bakit ba kasi gusto mong makita ulit ang mga halimaw na iyon, huh?" usisa niya.

"Wala lang." kibit-balikat ko lang na sagot sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang dahilan ko dahil baka malalaman pa niya ang talagang pakay ko sa paaralang ito. Si Cane. Hindi ako maaaring magkwento sa kanya ng tungkol sa kapatid ko hanggang hindi ko nasisigurong andoon nga siya sa ibang dimensyon. Kailangan ko pang alamin ang puno't dulo ng misteryong nangyayari ngayon sa paaralang ito.

"Bye. Ingat ka." paalam ko kay Grim. Binalik ko na din ang trousers na pinasuot niya sa akin kanina. Iyon ata ang warm na tinutukoy ni Wynn kanina o baka naman iyong movie na hinanda niya. Tsk.

"Thank you, goodnight, cupcake." nakangiting paalam naman nito sa akin kaya muli akong napaharap sa kanya.

"Sigurado ka na ba talaga diyan sa nararamdaman mo, Grim? Baka kasi nabigla ka lang dahil sa di sinasadyang halikan nating dalawa." paglilinaw ko sa kanya.

Napailing naman siya tsaka biglang natawa. Baka narealized na niyang hindi niya talaga ako gusto kaya natawa siya.

"I'm falling even more because of what you're doing, Xue." nakangiti niyang aniya na pinagtakhan ko.

"Ha?"

"Tsk. Love moves in mysterious way, cupcake. Mare-realize mo din 'yan balang araw." aniya. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Bahala ka na nga. Matanda ka na, alam mo na ang ginagawa mo." sabi ko na muli na naman niyang tinawanan.

"Tsk. hahahaha."

"Puro ka tawa. Inlove ka nga." ismid ko sa kanya.

"Hmm? Yeah."

"Tsk. Sige na, umalis ka na baka maabutan ka pa ng halimaw." suhestiyon ko. Napatango naman siya tsaka walang pasabing mabilis akong hinalikan. Adik.

"Grim!" gulat kong tawag sa kanya.

"Goodnight kiss, hmm." ngiti pa ng gago tsaka ako iniwang nakatulala dahil sa ginawa niya. Tangina! bakit na naman nag-iba ang tibok ng puso ko?

Tsk. Napailing na lang ako kalaunan. Masama ito. Nahuhulog na ata ako sa panloloko ng gagong iyon.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon