Chapter 30

38 1 0
                                    


Patuloy ako sa pagmanman sa loob ng academy nang sumunod na mga araw. Hindi ko din muna kinulit si Grim tungkol sa hininge kong pabor sa kanya ngunit si Wynn naman ang nangungulit sa akin tungkol sa kapatid niya.

"My brother is so busy this days, but don't worry, wala naman siyang other woman." saad ni Wynn na nginiwian ko lang.

"He's in my father's office the whole day." dagdag na naman niya.

Tumaas ang kilay ko. Bakit niya ba sinasabi kung anong ginagawa ng kapatid niya? Tsk.

Ilang araw na din ang nagdaan simula nung gabing nagkasama kami. Pinarusahan niya din ako sa gabing iyon. Akala ko nga magiging abswelto na ako nung iniba ko ang pinag-usapan namin pero naalala pa rin pala ng loko ang sinabi niyang may isang salita siya. Tsk.

"Ahh, okay." ani ko na lang upang tumigil na siya sa pagbanggit sa kapatid niya.

"What if, we'll going to visit his dorm tonight, what do you think?" suhestiyon niya na kaagad ko ding inilingan.

"No." ani ko na nginusuan niya.

"Why? Hindi mo ba siya namimiss?" napangiwi na naman ako sa tanong niya. Tahimik akong umiling na lalong ikinanguso niya.

Bakit ko mamimiss ang lokong iyon? Tsk.

"Simula ngayon, everytime na lalabag ka sa rules ko, personal na kitang paparusahan." gusto kong manlamig nang maalala ko ang sinabi ng gagong Grim na iyon. Mariin ko pang nakagat ang labi ko upang hindi lang tuluyang pumasok sa buong utak ko ang parusang binigay niya sa akin nung gabing iyon. Potcha! Matindi din pala ang emperor na iyon.

"Okay ka lang, Xue?" napalingon ako kay Wynn na parang kanina pa yata ako tinitignan. "Why are biting your lips, huh? Iniisip mo ba ang kapatid ko?" saad niya tsaka ako nginisian.

"Ikaw, ah. Kunwari ka pang hindi mo namimiss si Grim, pero ang totoo iniisip mo pala siya, ayiee!" kinikilig niya pang saad.

"Tsk. Hindi no." salungat ko naman sa sinabi niya.

"Deny ka pa, kita naman sa reaction mo. Nagba-blush ka kaya." natatawa niyang saad.

Mabilis naman akong napahawak sa pisnge ko. Potcha, bakit ang init?

"H-hindi, naiinitan lang ako." kaila ko pa rin. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko kaya napasunod ang paningin ko doon.

"Tsk. Huwag ka na ngang mahiya sa akin, okay lang naman na kiligin ka sa kapatid ko." aniya.

Napailing na lang ako sa kanya tsaka humugot ng hininga. Bakit ba naman kasi ako nagblush nang naalala ko lang ng lalakeng iyon? Tsk. Baka kung ano pa ang isipan ng loka-lokang ito.

May dumating na mensahe sa phone ko kaya napatingin ako doon.

"Meet you in a minute." mensaheng nabasa ko at galing iyon kay Vegas.

Naalala ko naman ang napag-usapan namin nuong huli kaming nagkita.

Kumunot ang noo ko ng nag-ring ang phone ko.

"Hello, I'm already here, . outside your dorm." saad niya pa sa kabilang linya. Ang bilis naman niya. At paano naman niya nalaman ang dorm ko?

"Palabas na ako." ani ko lang at pinatay na din ang tawag niya.

"Where are you going?" nabalik ang pansin ko kay Wynn. Nagpeke naman ako ng ngiti sa kanya.

"Ah, may pupuntahan lang ako sandali. Babalik din ako kaagad." ani ko at mabilis na din siyang iniwan. Hindi ko na din naramdamang sinundan niya ako kaya nagtuloy-tuloy na akong lumabas ng dorm.

Mabilis kong hinila si Vegas palayo sa dorm ko. Ayokong makita pa siya ni Wynn dahil alam kong madaming itatanong ang babaeng iyon.

"Ang bilis mo naman." natatawa pang saad ng lokong si Vegas na nagpadala lang din sa paghila ko sa kanya.

Nang masiguro ko ng malayo na kami sa West wing, binitiwan ko na din ang kamay niya.

"Oahh." aniya pa at animo'y hinabol pa ng tingin niya ang paglayo ng kamay ko sa kamay niya. Gago talaga.

"I thought forever mo nang hahawakan ang kamay ko." nakangiti niya pang aniya pagkaraan.

"Tsk." iling ko lang sa kanya.

"So, pupunta na ba tayo sa East wing?" tanong ko. Tumango lang siya sa akin habang nanatili pa rin ang ngiti niya.

"You remind me of someone I'm longing for." mahina niyang aniya na sakto lang sa pandinig ko.

Kinunutan ko lang siya ng noo ngunit hindi na din ako nagtanong pa kung sino. Pansin ko kasi ang unti-unting pagkawala ng ngiti niya ng matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.

"Let's go. Ipapakilala na kita sa mga kilala ko sa East wing." yaya niya kapagkuwan. Tahimik naman akong napatango. Inabot niya ang kamay niya sa akin na muling nagpakunot ng kilay ko.

"Let's hold hands while walking." nakangiti niyang aniya na inikutan ko lang ng mata. Nagpatiuna akong maglakad at naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

" Sige na, Xuey." pakiusap pa ng gago na parang batang paslit kung makapagsalita.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ano na lang ang iisipin ng taong makakakita sa amin? Paano kung makita kami ng emperor na iyon na hindi lang magkasama ngunit magkahawak-kamay pa? At bakit ko naman naiisip ang Grim na iyon? Tsk.

"Better." napatingin ako kay Vegas tsaka sa kamay kong nahawakan na ng gago. Mabilis ko iyong binawi ngunit mahigpit na niya iyong hinahawakan.

"Let me, hmm. Just this one, please." muli niyang nakangiting pakiusap. Napatingin ako sa mukha niya papunta sa mga mata niya dahil sa paraan ng pagkakabigkas niya. Parang iba kasi ang pahiwatig niyon. Iba ang nakikita kong ngiti sa mukha niya kaysa sa sinasabi ng mga mata niya. Malungkot ang nakikita ko doon.

Umiwas ako ng tingin. Pinilit ko ding bawiin ang kamay ko at nagtagumpay naman ako.

"Tsk, ayokong maparusahan ulit kaya huwag mong hawakan ang kamay ko." ani ko na nginusuan niya.

"Parusa? Sino naman ang magpaparusa sayo?" nakanguso niya pa ring tanong. Nakatingin pa rin siya sa mga kamay ko. Inangat ko naman iyon at sinundan niya din ng tingin.

"Apir." ani ko na pinagtaka niya. "Hindi tayo pwedeng maghawak ng kamay pero pwede tayong mag-apir." ani ko na ilang segundo pang nagpaisip sa kanya. Maya-maya pa'y humagalpak siya ng tawa.

"Apir." natatawa niyang sabi tsaka nakipag-apir din.

"Hahahahaha. You really are different, Xue. Hahahaha." patuloy niya pa ring tawa na inilingan ko na lang. Ang dali lang pala pasayahin ng isang ito.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon