Chapter 42

32 0 0
                                    


Nang sumunod na araw ay binalikan ko ang lumang laboratoryo. Pumasok na si Grim sa klase kaya nagkaroon ako ng pagkakataong umalis ng dorm.

Gusto kong siguraduhing iyon talaga ang pinanggalingan ko bago pa ako makita ni Dr. Ferre.

"What are you doin' here?" gulat akong napalingon sa likuran ko. Tangina! Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot ang mga gago sa lugar na ito?

Napahawak pa ako sa dibdib ko bago siya kausapin.

"Ikaw? Ano din ang ginagawa mo dito?! At bakit ka ba nanggugulat, huh?!" balik ko ding tanong sa kanya.

"I'm here before you at ako din ang unang nagtanong sayo kaya sagutin mo ako. Ano ba ang ginagawa mo sa lugar na ito?" muli na naman niyang tanong.

"Tsk. May gusto lang akong malaman."

"And what is it?" kunot-noo niyang tanong.

"Dito ako nakita ng ama mo, gusto ko lang masiguro iyon." sagot ko.

"Ano bang ginagawa ng ama mo sa lugar na ito para makita niya ako? At ano din ang ginagawa mo sa lugar na ito para makita mo din ako dito?" tuloy-tuloy kong tanong sa kanya.

Umikot ang mata niya. Naglakad siya papunta sa kabilang bahagi nitong lumang lab. May hinahagilap siya pero parang hindi niya naman iyon nakikita.

"Kapag may nakukuhang biktima ang mga halimaw, may posibilidad na dito mapupunta ang taong iyon." paunang saad niya pagkaraan.

"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.

Napatingin siya sa akin. Inilingan niya pa ako ng ulo na parang sinasabi niyang ang hina ng utak ko.

"Tsk. Just like what happened to you, Xue. Dito ka din napunta kaya isa lang ang ibig sabihin niyon. Ito ang isa sa mga lagusan papunta sa ibang dimensyon."

"Ibang dimensyon?" Ibang dimensyon ba ang tawag sa pinagdalhan sa akin ng mga halimaw na iyon? Ngunit bakit napunta ako sa lugar na ito?

"Ano ba ang naalala mo sa lugar kung saan ka dinala ng mga halimaw?" tanong niya sa akin.

Pinagkunutan ko siya ng noo bago ko sinagot ang tanong niya.

"Lumang Academy. Mga studyanteng naghihirap. Maraming halimaw at ang lugar na ito." sagot ko. Sumeryoso bigla ang tingin niya sa akin.

"You saw them? How?" kaagad niyang tanong.

"Hindi ko alam." iling ko sa kanya. "Akala ko wala lang ang nakita kong iyon bukod sa mga halimaw pero napagtanto kong baka ang mga studyanteng iyon ang nawawala sa paaralang ito. Sa ibang dimensyon sila dinadala ng mga halimaw upang pahirapan." paliwanag ko.

Sandali siyang natahimik.

"That's the half of this Academy." aniya pagkaraan. "Yung nakita mong lugar, iyon ang kalahati nitong academy na naglaho."

"Half? Kalahati ng Liveid? Paano mo naman nasabi iyan? Napuntahan mo na din ba ang lugar na iyon, huh, Cross?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin kaya muli ko na naman siyang tinanong.

"Cross, sagutin mo ang tanong ko." pilit ko.

Pinilit kong tignan niya ako na nagawa ko naman. Napatingin na din siya sa mga mata ko at pansin ko ang kakaibang emosyon doon.

"Tama ka, napuntahan ko na nga ang lugar na iyon." pag-amin niya.

"Paano? Nakuha ka din ba ng mga halimaw na iyon?" nagtataka kong tanong.

"Cross?"

"Oo. At nang dahil doon ay napahamak ang taong pinakamahalaga sa buhay ko." saad niya. Ang girlfriend ba niya ang tinutukoy niya?

"She save me. Pero buhay niya ang naging kapalit sa pagkakaligtas ko."

Mapait siyang napailing matapos niyang banggitin ang nangyari sa kanya noon.

"Kung sanang pinabayaan niya na lang ako hindi na sana siya nawala." puno namg pagsisisi niyang dagdag.

Hindi ko alam ang sasabihin. Wala din naman akong alam kaya pagsambit na lang sa pangalan niya ang nagawa ko.

"Cross."

Napatingin siya sa akin. Pansin ko ang pamumuo ng luha sa mata niya kaya nag-iwas din siya ng tingin sa akin.

"You?" baling niya pagkaraan sa akin.

"Paano ka nakaalis sa lugar na iyon? Paano ka nakawala sa mga halimaw na wala man lang nagligtas sayo? Paano mo nagawa iyon, huh, Xue?" tanong niya.

"H-hindi ko alam. Ayokong mamatay sa lugar na iyon kaya ginawa ko ang lahat upang makaalis doon." sagot ko.

"Ayoko din namang mamatay sa lugar na iyon noon. Pero bakit niya pa ako sinundan? Bakit niya pa ako sinubukang iligtas?" saad niya.

"H-hindi ko alam ang nangyari sa iyo noon, pero isa lang ang alam kong dahilan. Mahalaga ka rin sa taong iyon kaya ka niya iniligtas, Cross." saad ko. Malalim naman siyang napabuntong hininga.

"She's Yuan. Her name is Yuan, Xue." aniya sa girlfriend niya.

"Yuan?" biglang dumagundong ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalang iyon.

Cane Yuan. Iyon ang buong pangalan ng kapatid ko.

Napatingin ako kay Cross. Maaari kayang ang girlfriend niya at ang kapatid ko ay iisa?

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon