Chapter 16

48 1 0
                                    


Liveid High Academy

- -**--

Cyane Xue points of view

"Saan ka ba galing, Xue? And wait, what happened to your make up? Bakit nawala?" tanong ni Wynn ng makabalik na ako sa inupuan namin kanina.

Inalalayan ako ni Grim papunta sa comfort room kanina pero hindi na ako nagpakarga. Nakakahiya baka akalain niyang ginusto kong abalahin siya. Naghilamos ako ng mukha pagdating ko doon upang matanggal lang ang mugto ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Ilang beses ko pa ngang binatukan at minura ang sarili ko dahil sa nangyari. Sa dinami-dami ba naman ng pwede kong iyakan, yung dilim pa ang dahilan.

Pagkalabas ko ng comfort room, hindi ko inaasahang naghihintay pa rin pala siya sa labas. Pinaupo niya ako sa isang upuan sa gilid at walang pasabing hinilot ang paa ko hanggang nawala ang sakit doon. Gusto kong magpasalamat sa kanya pero pag-irap lang ang ginawa ko.

"Kaya mo na bang maglakad pabalik?" tanong niya pa sa akin.

"Ah, O-oo." medyo nabulol kong ani.

Napatango naman siya at basta na lang akong iniwan. May sumpong na naman ata ang isang iyon. Tsk.

Mag-isa akong bumalik sa party at nadatnan ko si Wynn na ako naman ang hinahanap.

"Xue, papunta na dito ang kapatid ko, ipapakilala na kita sa kanya." excited niyang aniya kalaunan pero napapanguso pa rin siya dahil sa make up na nawala sa mukha ko.

"Grim, here." tawag niya sa lalake habang kinaway pa niya ang kamay niya dito. Nangunot naman ang noo kong sundan din ang tinatawag niya.

"Grim?" pabulong kong tanong hanggang makalapit na ang lalake sa amin ni Wynn.

"Xue, this is my brother, Grim Aguirre." pakilala ni Wynn na ikinatitig ko lang kay Grim.

"Ikaw?"

"You?"

Halos sabay pa naming ani sa isa't isa. Tsk. Pagkakataon nga naman. Ang emperor pala na ito ang sinasabing kapatid nitong si Wynn.

🎶This is the last time, that I'm ever gonna come here tonight
This is the last time - I will fall into a place that fails us all - inside 🎶

"Did you already know each other?" nagtataka namang tanong ni Wynn na kapwa namin hindi sinasagot. Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa.

🎶The angels they burn inside for us are we ever,
are we ever gonna learn to fly
The devils they burn inside of us are we ever gonna come back down come around
I'm always gonna worry about the things that could make us cold.🎶

"Tsk. Whatever. Mag-usap na nga lang kayong dalawa, mukha namang magkakilala na kayo. Enjoy." ani Wynn kalaunan na iniwanan na kami ng kapatid niya.

Nakabawi ako ng pagkatulala ko at binalak siyang pigilan sa pag-alis ngunit mabilis din akong nahawakan ni Grim.

"Let's dance." aniya at kaagad akong hinila papunta sa gitna.

"Potek, hindi ako marunong." angal ko pa na tinawanan lang ng gago.

Huminto kami sa paglalakad ng nasa gitna na kami. Hinawakan niya ang kamay ko upang ilagay iyon sa balikat niya. Nakanganga ko naman iyong sinundan.

Nilagay niya ang mga kamay niya sa beywang ko na bahagya kong ikinasinghap habang nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.

"Dance." aniya na kinunutan ko ng noo.

"Sinabi ko ng hindi ako marunong, di ba?" pairap kong ani upang mapalitan lang ang kakaibang tibok ng puso ko sa mga oras na ito.

Natawa naman siya pag-irap ko. Potcha. Bakit siya tumatawa? Nadagdagan pa tuloy ang paglakas ng pintig ng puso ko.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa beywang ko. Binaba niya din ang kamay kong nasa balikat niya tsaka niya hinubad ang suot na trousers.

"You look more gorgeous if you wear this." aniya at mabilis na pinatong sa balikat ko ang hinubad niyang trousers.

Nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Hindi bagay sa kanya ang pagiging gentleman pero potcha, mabait din pala ang isang 'to kapag may sapi.

"Why are you blushing?" napalayo ako sa kanya ng sabihin niya iyon. Muntik pa nga akong matumba na naman dahil sa pagliko ng takong ko kung hindi na naman niya ako nahawakan.

"Careful, you might fall again, woman." aniya habang malapit ang mukha niya sa mukha ko. Napanganga pa ako ng ngumisi siya habang bumababa ang paningin niya papunta sa mga labi ko. Napalunok ako ng wala sa oras.

Bigla na lang dumilim ngunit nagpatuloy pa rin ang tugtog. Napahigpit ang hawak ko kay Grim na dahilan ng pagkakalapit niya pa sa akin. Huli ko ng napagtantong sa ginawa kong paghila sa kanya ay tuluyan na niya akong mahahalikan. Potcha, ang first kiss ko.

🎶I'm always gonna worry about the things that could make us cold🎶


Ilang segundo kaming hindi nakagalaw. Kapwa kami nagulat sa nangyari. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil sa madilim na paligid ngunit ramdam ko ang lambot ng mga labi niya.

Nagawa kong galawin ang kamay kong nakahawak sa kanya kaya mukhang natauhan siya. Bahagya niyang nilayo ang mukha niya at inayos ang pagkakatayo ko.

"Damn it." rinig kong mahinang mura niya na ganoon din ang lihim kong usal sa sarili ko. Tangina mo, Cyane.

Muling bumalik ang ilaw kaya nagawa ko na din siyang makita. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin na nagpapainit sa pisnge. Tangina, kagagawan ko pa talaga ang paghahalikan naming dalawa?

"A-ano kasi - -

Napapakagat ako sa labi ko ng hindi ko malaman ang sasabihin ko.

"Kasalanan na naman ba ng dilim, huh?" naiiling niyang ani sa akin.

Napatango ako sa kanya dahil wala naman akong maisip na idahilan.

Napatawa naman siya sa akin. Pansin ko pa ang pagkislap ng hikaw niya na tinamaan ng ilaw.

"Maybe from now on, I'll be grateful in the dark." nakangising aniya na nagpanganga sa akin. Ano daw?

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon