Chapter 41

37 1 0
                                    


"You can go back to your dorm now, Miss Portalejo." ani Dr. Yamamoto ng e-check ako nito.

"But you need to take your medicine. Kailangan mo pa ring inumin iyan upang tuluyang maghilom ang mga sugat mo." saad niyang muli. Tahimik ko naman iyong tinanguan.

Napatingin ako sa mga pasa kong ang bilis lang nawala. Mabilis din naman naghihilom ang mga sugat ko noon pero mas naging mabilis ito ngayon.

Ang hindi ko tuluyang pagkamatay kahit ilang beses akong ihampas ng mga halimaw sa pader ay may kinalaman din sa lakas ng katawan na meron ako simula pa noon. Ilang beses din akong tinamaan ng bala dahil sa trabaho ko ngunit nanatili pa rin akong buhay. Tinanggap ko na nga ang katotohanang hindi talaga ako basta-basta mamamatay. Makakaramdam ako ng sobrang sakit pero hindi ako mababawian ng buhay.

Binalik ko ang tingin ko kay Dr. Yamamoto. May kinalaman kaya ang mga gamot na binigay nila sa akin kaya lalong bumilis ang paghilom ng mga sugat ko?

"Please come back here after two days para sa follow up check up mo." bilin nito sa akin.

Tumango akong muli tsaka nagpasalamat sa kanya.

Nagpaalam na kami ni Grim na umalis na. Inalalayan ako nito sa paglalakad hanggang marating namin ang nakaparada niyang sasakyan sa labas ng lab.

Ginala ko naman ang paningin ko. Ang laki pala talaga ng lugar na ito. Puro salamin pa ang pader kaya nakikita mo din ang ginagawa ng mga doctor sa loob.

Nagkaroon naman ako ng pagkakataong matignan pa ang ibang kwarto dahil kita ito mula sa kinatatayuan ko.

Mga doctor lang ang mga nandoon. Iba-ibang machines at gamit sa paggawa marahil ng gamot. Wala akong makitang studyante na pinaghinalaan ko noong ginagamit ng mga doctor dito sa lab.

Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng lab. Nangunot ang noo ko ng makita ko si Cross na parang kanina pa nakatingin sa akin.

Nakakunot ang noo niya. Binalingan niya pa ng tingin si Grim at binalik din ang tingin sa akin.

Pinagtaasan ko na naman siya ng kilay. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya tsaka siya umalis. Ano kayang problema ng isang iyon?

"Let's go." yaya ni Grim sa akin at pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse niya.

Sumakay naman ako kaagad doon at ganoon din ang ginawa niya.

Tahimik kaming nakarating sa dorm niya. Ang north wing. Inalalayan niya akong muli sa pagpasok sa gate. Bumungad pa sa amin ang pagmumukha ng mga blacklist kasama si Vegas at Naver. May meeting ata ang mga gagong ito dito.

"Xue." tawag ni Naver sa akin na bahagya ko lang na tinanguan. Ano ba ang ginagawa ng mga ito dito? Bakit sila sumalubong sa amin?

Hindi sila pinansin ni Grim at patuloy lang ako nitong inalalayan sa pagpasok sa dorm niya.

Ramdam ko ang pagsunod sa amin ng iba at ng magbalak na silang pumasok din sa loob ng dorm ni Grim ay kaagad din naman niyang pinagsarhan ng pintuan.

Napailing na lang ako sa kanya. Tsk.

"Magpahinga ka muna. Magluluto lang ako ng kakainin natin." aniya. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Marunong kang magluto?" tanong ko pa.

Inirapan niya ako.

"Hindi marunong magluto si Wynn kaya kailangan kong matuto." sagot niya. Bahagya naman akong napatawa. Tama siya. Hindi nga marunong magluto ang kapatid niya. Pagsunog ata ang alam ng babaeng iyon.

Napasandal ako sa sofa ng magpunta na si Grim sa kusina. Ano kaya ang lulutuin ng isang iyon?

Ilang sandali pa'y may kumatok sa pintuan. Bago ko pa man iyon puntahan ay kaagad ng bumalik si Grim sa sala.

"Don't open the door. Manggugulo lang ang mga gagong iyan." bilin niya sa akin na pinagkibit-balikat ko na lang tsaka bumalik sa pagkakasandal.

Muli siyang nagpunta sa kusina.

Napatingala na ako habang walang magawa. Biglang sumagi sa isip ko ang buhay ko sa labas ng academy. Kung naroroon lang ako ay mangungulit na naman ako sa taong iyon. Ano kaya ang ginagawa ng isang iyon ngayon?

"Why are you smiling?" napabaling ako kay Grim ng magsalita ito sa harap ko.

"Wala." iling ko na lamang sa kanya at kaagad na pinalis ang ngiti sa mukha ko.

Bakit ko ba kasi naalala ang lalaking iyon?

"Let's eat. Nakahanda na ang pagkain." yaya ni Grim. Tahimik lang akong tumango sa kanya.

Inalalayan na naman niya akong tumayo na kahit kaya ko ng mag-isa ay hindi ko na lamang inangalan. Baka kasi mahalata niyang kaya ko na at ipag-utos pa niyang pumasok na ako sa klase.

Napanganga ako ng makita ko ang pagkaing nakahain sa lamesa.

"Paano mo naluto ang mga ito?" namamangha ko pang tanong.

"You don't know how to cook?" aniya na tinanguan ko naman. Pansin ko ang pagbuntong hininga niya. Bigla pa ata siyang namroblema.

"Marunong ka naman kaya okay na iyon." pagpapalakas ko ng loob sa kanya. Bahagya pa akong ngumisi na ikiniling niya sa akin.

"You need to learn, Xue. Paano na lang kung mag-asawa na tayo? Sino ang magluluto, ako?" tuloy-tuloy niyang ani ng makaupo na kami.

Bigla akong naubo. Bakit ba ang advance niyang mag-isip.

"Anong asawa ang sinasabi mo?" balik kong usal.

"My mom used to cook for us kaya ganoon din ang dapat mong gawin as a wife, Xue. A mother should teach her children how to make food. Like my mother, she teached me all of this including making cupcakes." kita ko ang saya sa mukha niya ng sabihin niya iyon ngunit kaagad din naman iyong naglaho.

"Eh, hindi ako marunong eh. Turuan mo na lang ako." saad ko upang mapunta lang sa akin ang atensyon niya.

Napangiti siya ng bahagya. Tumango din siya kalaunan at nag-umpisa ng sumandok ng pagkain.

"What do you want?" tanong pa nito matapos akong ipagsandok ng kanin.

"Lahat. Hindi naman ako mapili sa pagkain." sagot ko naman sa kanya.

Natawa siya ngunit nilagay niya din ang lahat ng putahe ng ulam sa plato ko. Punong-puno pa nga eh. Tsk.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon