Chapter 26

37 1 0
                                    


Liveid High Academy

- - ** - -

Cyane Xue points of view

Nung sumunod na araw ay pinuntahan ko ang lumang laboratoryo.

Siniguro kong wala talagang makakakita sa akin upang hindi ako mahuli sa gagawin ko.

Malalim akong humugot ng hininga ng makapasok na ako. Malamig ang loob dahil siguro sa luma nito. Hindi din kasi nakakapasok ang araw sa loob nito kaya bahagyang madilim ang loob kahit umaga pa lang.

Lumapit ako sa isang lumang drawer. Dahan-dahan ko iyong binuksan. Iniiwasan kong lalo pa iyong masira. May mga lumang papel akong nakita. Marahil hindi na nila pinagkaabalahang kuhanin pa iyon dahil sa dumi na kumapit na sa mga papel.

Kinuha ko iyon. Pilit kong binabasa ang nakasulat ngunit tanging taon at buwan na lang ang hindi pa nabura dahil sa dumi. Year 20**, September.

4 years ago?

Hinalungkat ko pa ang iba hanggang sa napansin ko ang isang papel na animo'y listahan ng mga pangalan. May mga naka-ekis pa sa unahan ng mga pangalang iyon. Nasa isang daan din ang dami nila.

Binasa ko ang mga pangalan. Bawat numero ay may mga ekis na hindi ko mapagtanto kung para saan. Puro pa may mga East ang nakalagay sa gilid niyon. Inisip ko na baka may pamilyar ang pangalan sa akin ngunit wala akong kilala ni isa sa mga nakalista.

Naghanap akong muli sa ibang drawers. Mga nakalistang pangalan ng gamot naman ang mga naroroon.

Sa sunod na drawers ay walang laman ngunit ang katabi nito ay may listahan na naman ng mga pangalan. Binasa ko na naman iyon at huminto ang mata ko sa numero ng pangalang may check.

✔️ 56. Olivia Samaniego, - West

West na ang nakalagay. At tanging ang pangalan lang niya ang may ganoon. Hindi kaya taga East wing ang mga naunang nakalista habang siya ay taga-West wing naman?

Nagtataka ako sa check na nakalagay sa unahan ng numero niya. Ano kaya ang ibig sabihin ng check na ito sa pangalan niya?

Muli kong binaba ang tingin ko sa iba pang nakasulat at bigla akong natigilan sa nabasa kong pangalan.

✔️100. Cane Yuan Camillo, 14 -East

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng mabasa ko ang pangalan ng kapatid ko.

"A-anong ibig sabihin nito?" nanginginig kong tanong sa sarili ko.

Mariin kong nakagat ang labi ko ng magbadyang tumulo ang luha ko. Kaba, galit at pag-aalala ang halo-halong naramdaman ngayon ng kalooban ko.

Kailangan kong malaman kung ano talagang nangyari sa kapatid ko. At ang mga doctor ng Liveid ang alam kong makakasagot sa katanungan ko.

Tinignan kong muli ang pangalan ni Cane. Inisip ko pa kung ano ang ibig sabihin ng nakalagay na 14 sa katabi ng pangalan niya. Maaari kayang 14 ang edad niya ng mapasama siya sa mga nakalistang ito? Pero para saan nga ba ang listahang ito? Maaari kayang ginamit sila ng mga doctor na iyon sa kung anong pag-aaral? Malalim na lang akong napahugot ng hininga. Pakiramdam ko may connection ang lahat ng nangyari dito sa academy na ito. Hindi ko lang mapagtanto kung ano.

Tinupi ko ang papel na nakita ko at tinago iyon sa bulsa ko. Kung may kinalaman man ang mga doctor sa listahang nakita ko, posible ring alam ng school officials ang nangyayari sa loob ng paaralang ito.

Si Grim kaya? Alam niya kaya ang tungkol dito?

Ilang sandali pa ng pag-iisip, muli kong ginala ang paningin ko sa paligid.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon