Chapter 31

39 1 0
                                    


"Xue, these are Jewvan, Lyndsy and Fatima, some of my friends here." pakilala ni Vegas sa mga kakilala niyang taga East wing.

"Guys, this is Xue." pakilala din nito sa akin.

"Why did you bring her here, V? Alam mo namang pinagbabawal ng emperor ang makihalubilo ang mga katulad niya sa amin na mga taga-East." saad ng babaeng Fatima ang pangalan. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.

"Tsk, don't worry, Fat. She just want to know you." saad ni Vegas sa kanila.

Tinaasan ako ng kilay ng dalawang babae. Maging si Jewvan ay seryoso ding napatingin sa akin.

"For what?" seryosong tanong ni Fatima sa akin pagkaraan.

"Ah, g-gusto ko lang makilala ang mga kilala din ni Vegas." palusot ko namang sagot na ikinailing niya lang. Ramdam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Tsk. She's not welcome here, V. Kaya ibalik mo na siya kung saan ang lugar niya. Huwag niyo ng hintayin pang makita pa kayo ng iba." banta nito kay Vegas.

"Tsk, don't worry Fat. Ako ang bahala." ani Vegas.

Umiling muli si Fatima.

"Huwag mong ipapahamak ang taga-East wing dahil sa babaeng iyan, V." seryosong ani ng isa pang babaeng si Lyndsy.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Vegas kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry, Xue. Mahigpit kasi ang rules para sa mga East wing kaya kailangan nilang sumunod upang hindi mapahamak." paliwanag ni Vegas. Tumango naman ako sa kanya.

"Let's go." ako na din ang nagyayang umalis sa East wing. Ramdam ko kasi ang malaking pagka-disgusto ng tatlo sa presensya ko. Ngunit bakit kay Vegas ay okay lang sa kanila?

"Paano mo sila nakilala?" malayo-layo na kami sa East wing ng tanungin ko iyon sa kaniya.

Mahina pa muna siyang natawa bago ako sagutin.

"Kaibigan kasi nila ang kaibigan ko din noon kaya naging magkaibigan na din kami." sagot niya. Nginiwian ko naman siya.

"Eh bakit okay lang sa kanila na pumupunta ka sa East wing samantalang taga-North wing ka?" muli kong tanong.

"Gwapo kasi ako." mabilis niyang sagot tsaka natawa.

Pinaningkitan ko naman ang pagbibiro niya. Gagong 'to, nagtatanong ako ng maayos. Tsk.

"They're trusting me." aniya kapagkuwan.

"Para saan?" tukoy ko sa pagtitiwala ng mga ito sa kanya.

"For not betraying them." seryoso naman niyang saad.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Ilang segundo akong nanahimik bago siya muling tinanong.

"Isa ka din ba sa mga blacklist?" tanong ko na ikinalingon niya sa akin.

"Yeah, noon, pero tinamad na ako kaya hindi na ako sumasama sa kanila." sagot niya.

"Paanong tinamad?" kunot-noo ko namang tanong.

"Tinamad, nawalan ng gana, ganon." kibit-balikat niyang sagot.

"Bakit ka naman nawalan ng gana."

"Tsk. Walang girls sa blacklist kaya nakakatamad." inikutan ko naman ng mata ang sagot niya.

"Seryoso, Vegas." ismid ko.

Natatawa siyang napailing.

"May malalim akong dahilan kaya umalis ako sa blacklist, Xue. Na sa sobrang lalim nun, ayoko nang ungkatin pa dahil baka lumubog lang ako." aniya na wari'y may malalim na pinaghuhugutan.

"May naganap bang away sa pagitan mo at ng blacklist?" tanong kong muli.

"Tsk." natawa na naman siya habang napapailing akong tinignan. "Hindi lang basta away." dagdag pa niya.

"Ano pang nangyari?"

Natahimik naman siya sa tanong ko. Humarap siya sa akin at nilagay ang mga kamay sa magkabilang-balikat ko.

"Di ba sinabi ko nang ayaw ko nang ungkatin pa ang dahilan ko." pagpapaintindi niya sa akin.

"Tsk." iling ko naman. "Gusto kong malaman kung anong nangyari." saad ko. Bahagya naman siyang natawa.

"Curiosity can kill a cat, Xue." aniya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Naalala ko kasing may nagsabi din ng ganoong salita sa akin.

"Hindi ako pusa, Vegas, kaya hindi ako mamamatay." ismid ko.

Natawa naman siya.

"Do you really want to know?" aniya habang patuloy pa ring natatawa.

Tumango ako.

"Then, be a blacklist. Doon mo malalaman ang dahilan ko." aniya.

"Tsk. Pwede mo namang sabihin na lang sa akin ngayon, bakit kailangan pa akong maging blacklist?" saad ko at tinanggal ang mga kamay niyang nakakapit pa rin sa balikat ko.

Umayos siya ng tayo at kibit-balikat akong nilingon.

"Mas marami ka pang malalaman kapag naging blacklist ka." may pang-eengganyo niyang saad. Napataas naman ang kilay ko ng balingan ko din siya ng tingin. Bakit pakiramdam ko may iba pang kahulugan ang mga sinasabi niya ngayon.

"Kilala mo ba si Cross?" tanong ko kapagkuwan. Pansin kong natigilan siya. Kita ko din ang pagtigas ng panga niya ng banggitin ko ang pangalang iyon.

Napatingin siya sa akin, seryoso siya ngunit kaagad niya din iyong pinalitan sa pamamagitan ng pagngiti.

"Oo naman. Who does not know that asshole. Isa din iyon sa blacklist slash leaders ng mga rippers." sagot niya na kahit nagpeke siya ng ngiti habang nagsasalita siya, ramdam ko pa rin ang wari ba'y nililihim niyang galit sa lalakeng iyon.

"Sabagay." saad ko na lamang. Nag-iwas siya ng tingin sa akin ngunit nanatili pa rin ang pagtitig ko sa kanya.

Si Cross ba ang dahilan kung bakit siya umalis sa blacklist?

"Mag-ingat ka sa taong iyon." baling niya sa akin. "Kay Cross." muli niyang saad.

"Bakit?" kaagad ko ding tanong.

"Basta." maikling saad lang niya.

Nginisian ko naman siya.

"Siya ang kailangang mag-ingat sa akin." ngisi ko na kaagad namang pinagtawanan ng gago.

"Hahahahaha. Kakaiba ka talaga, Xue." di makapaniwala pa niyang saad habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"Mas kakaiba ka, Vegas. Maliban sa pangalan mong pang-ibang bansa, sa tanda at tangkad mong 'yan, hindi mo pa maayos-ayos ang pagsuot ng necktie mo." ani ko na lalong ikinalakas ng tawa niya.

"Pakiayos mo na lang." utos pa sa akin ng gago at inayos ang pagkakatayo sa harapan ko upang mapaharap ako sa bandang bahagi ng necktie niya.

Walang gana ko lang siyang tiningala.

"Hindi din ako marunong." tamad kong ani na muli na namang tinawanan ng gago.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon