Chapter 3

97 2 2
                                    

Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view

Ilang distansya na ang nalakad ko mula sa field. Pinipilit kong tatagan ang sikmura ko at piniling sundin na lang binilin ni Mr. Camillo na balewalain ang nangyari sa paligid ko upang magawa ko ang tanging pakay ko sa paaralang ito. Ang mahanap ang kapatid ko.

Ngunit hanggang kailan ko makakayang hindi mangialam?

Malakas akong napahugot ng hangin upang bigyan ng lakas ang loob ko bago ako maglakad papunta sa direksyon ng dormitoryo. Kung gusto kong makita ang kapatid ko ay dapat sumunod na lang ako sa plano at sa bilin ni Mr. Camillo. Kailangan ko munang ilagay ang gamit ko doon bago ko simulang hanapin si Cane sa loob ng Academy na ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Tahimik kong binabaybay ang daanan kahit naririnig ko pa rin ang sigawan at tawanan ng mga studyanteng naroroon sa field. Ngunit habang palayo ako ng palayo sa pinagmulan ko kanina, nakakaramdam ako ng kakaibang kaba. Kabang iba kaysa sa nakakagulat na pangyayaring sumalubong sa akin kanina.

Pasimple kong tinitignan ang paligid ko ngunit wala namang kakaibang nangyayari. Bukod sa akin ay wala na akong nakikitang tao sa paligid.

Napapailing na lang ako sa pakiramdam kong ito. Feeling ko kasi marami ang nakatingin sa akin habang naglalakad ako.

Napapaisip din ako na baka ang mga studyanteng nagpapatayan sa field ang sumusunod sa akin o di kaya'y yung iba pa ngunit wala naman akong nakikita.

Malalim ulit akong napahugot ng hininga at nagmadali na ding maglakad upang marating ko na ang dorm ko. Siguro naman ay ligtas na ako doon.

Room 925 ang number ng silid ko. Binuksan ko na ito gamit ang susing binigay sa akin ng staff kanina ngunit nagulantang na lang ako ng maabutang umuusok ang loob ng kwarto ko.

May sunog ba? Tangina! panibagong problema na naman ba ito? Akala ko pa naman ligtas na ako kapag nakarating na ako dito. 

"S-SUNOG!" malakas kong sigaw ng makabawi ako sa pagkabigla. "T-TULONG MAY SUNOG!" sigaw ko ulit upang humingi ng tulong sa ibang nakatira sa dorm ngunit wala man lang ni isang pumunta.

Sino ang may kagagawan ng sunog? Sinadya ba ito ng mga studyante dahil alam nilang may bagong papasok sa academy na ito?

"Uuhuhhuhhh." maya-maya pa'y narinig kong may umuubo sa loob kaya mabilis ko itong pinasok kahit wala akong makita sa loob dahil sa usok.

"Huwag kang mangialam!" 

Potcha, panibagong challenge na naman ba ito upang tibayan ko ang loob kong huwag talagang mangialam? Paano kung may mamatay sa loob?

No. Hindi na pwedeng hindi ako mangilam sa pangalawang pagkakataong ito.

"Kung maaari ay magkunwari kang walang nakikita."

Bwesit! Ano ba kasing klaseng paaralan itong pinasok ko?!

"N-nasaan ka? Okay ka lang ba?" natataranta kong tanong sa taong umuubo. Paano kung gaya ng mga studyanteng nasa field ay may mamamatay din sa dorm na ito. Ginala ko ang paningin ko at pansin kong may kalakihan pala ang silid na ito.

"I-i'm uhhhuhh f-fine. I'm in t-the k-kitchen." nahihirapan niyang sambit kaya aligaga naman akong hanapin ang kusina na sinasabi niya.

Binaybay ko na lang ang tunog nang pag-ubo niya kaya narating ko ang kusina na sinasabi niya.

Nagulantang ako sa lakas ng apoy ng kalan habang umuusok na ang kawaling marahil pinaglutuan niya.

Mabilis kong kinuha ang basahang nakita ko at binasa iyon sa lababo. Nilagay ko iyon sa may kalan at lihim na lang akong nagpasalamat ng humupa ang apoy na nasa kalan.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon