Chapter 20

64 2 0
                                    


Liveid High Academy

- -**- -

Cyane Xue points of view

"Kayo na daw ng kapatid ko, huh?" excited namang tanong ni Wynn habang magkasabay kaming maglakad papunta sa dorm namin. Sino naman kaya ang nagsabi sa kanya? Si Grim?

"Ahh, hihi." nakangiwing tawa ko lang sa kanya. Ano ba ang dapat kong isagot?

"Tsk, huwag ka nang mahiyang magkwento sa akin, Xue. Magiging sister-in-law naman na kita in the future eh." aniya pa.

Gusto ko na namang masamid sa sarili kong laway. May lahi nga ata talaga silang advance mag-isip.

Hindi ko pa rin talaga kayang isipin na boyfriend ko na ang gagong iyon. Parang ang bilis naman ng pagdedesisyon niya. Hindi man lang ako nakaranas ng ligaw, tsk. No. Hindi pwede!

"Don't worry, ako ang bahala sayo. Sisiguraduhin kong hindi magtataksil si Grim sayo, okay?"

"Hihi, okay na lang." suko ko na lang sa mga gusto niyang sabihin. Tsk. Malay ko ba sa pagkakaroon ng boyfriend. Hindi ko pa naman naranasan iyon.

"I want you all to meet, Xue, my cupcake." saad ni Grim habang pinapakilala ako nito sa mga kasama niyang kilala ko naman na din ang mga hitsura.

Naghiyawan pa ang mga gago habang nagpapalakpakan. Para namang nanalo sa pustahan itong si Grim kung makaasta sila. Tsk. Napatingin tuloy ako kay Grim, hindi kaya nagpustahan lang ang mga gagong ito? Sa isiping iyon ay bigla akong nainis.

"Hi, Xue." bati pa sa akin ni Damon at bahagyang kumindat na inikutan ko lang ng mata.

"I can get your eyeballs, asshole." banta naman ni Grim sa kanya ng makita nito ang ginawa niyang pagkindat sa akin. Tsk, possessive. Potcha, kinikilabutan na ata ako sa mga nangyayari.

Tumawa lang si Damon at napailing na lang.

May mga dumating na babae at pamilyar ang mukha ng isa sa akin.

"Hi guys." masayang bati pa nito at agad lumapit sa mga lalake.

"Grim." tawag naman nito kay Grim upang sana ay yumakap ngunit pansin ko ang pag-iling ni Grim kaya napatigil ang babae. Tumingin ito sa akin at pinagtaasan pa ako ng kilay.

"Who is she?" maarteng tanong niya.

"She's Xue, my girlfriend." casual namang sagot ni Grim sa kanya.

"Oh?" hindi makapaniwala nitong reaction.

"She's Venice." pakilala ni Grim sa babae na nakataas pa rin ang kilay sa akin.

"His f-buddy." dugtong ng babae sa sinabi ni Grim na ikinanganga ko.

"She's joking, Xue. Don't believe her." ani Grim at hinila na ako palayo kay Venice.

"Teka, hindi ka na v*rgin?" usisa ko naman na malakas niyang ikinamura.

"What the fuck, Xue?!"

"Hihi, tinatanong lang naman kita."

"Obcourse, I am still." kunot noo naman niyang sagot.

"Sure?" di naniniwalang ani ko na nagpasingkit ng mata niya sa akin.

"Okay." kibit-balikat ko na lang na saad upang hindi lang siya tuluyang mainis. Ayoko ng komplikado. Wala naman akong pakialam sa bagay na iyon. Tsk.

Muli kong binalingan ng tingin si Venice. Sa sandaling ito ay galit na itong nakatingin sa akin. Ano kaya ang relasyon nila ng gagong si Grim? Tsk. Hindi ako tanga upang hindi maramdamang may kakaiba sa kanilang dalawa. F*ck buddies nga kaya sila?

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon