Chapter 48

42 2 0
                                    


Mabilis akong tumakbo palabas ng laboratoryo. Patuloy pa rin akong hinahabol ng mga doctor kasama si Cross.

Tinahak ko ang daan papunta sa mga rooms upang may mapuntahan ako kung sakaling wala na akong matakbuhan. Ngunit hindi ko na din nagawa pa ang binabalak kong iyon ng may napansin akong mga lalakeng nakaitim na nakaabang na pala sa akin sa daan.

Mahina akong napamura. Saan ang tamang daan? Sino ang mapupuntahan ko sa oras na ito? Kung lumabas na lang kaya ako? No! Hindi ako pwedeng lumabas ng hindi ko kasama ang kapatid ko.

Wala na akong choice kundi piliin ang daan papunta sa North wing. Si Vegas lang ang makakatulong sa akin ngayon.

Pumasok ako sa mga liko-likong daan upang maligaw lang ang mga humahabol pa rin sa akin. Pansin kong nagawa ko naman iyon pwera lang kay Cross na nakasunod pa rin sa akin.

"Wrong way, Xue. Did you forget na lugar ko ang pupuntahan mo?" tanong pa ni Cross habang hinahabol pa rin ako.

"Do you think na matutulungan ka ni Grim sa bagay na ito? Don't you remember parte din ang ama niya sa eksperimento?" aniyang muli. Unti-unting bumagal ang takbo ko ng malapit na ako sa North wing.

"Don't try to fight me, Cross. Hindi mo ako kaya." babala ko naman sa kanya.

"I need to do this, Xue." sagot naman nito sa akin kaya tuluyan na akong huminto. Hinarap ko siya at nasa limang hakbang lang ang pagitan naming dalawa.

"Then fight me! Tignan natin kung may laban ka ba sa akin!" hamon ko.

"Xue." iling niya.

"Fight me, Cross. Tsaka mo lang ako makukuha kung magawa mo akong talunin." seryoso ko pa ring hamon.

Ilang segundo ay unti-unting sumeryoso ang mukha niya. Nagtiim bagang siya habang umaayos ng pwesto.

"This is not what I want." may pagtutol sa boses niya.

"Tama na ang satsat, Cross. Labanan mo na lang ako. Tignan natin kung gaano ka talaga kalakas." Napailing siya. Mula sa seryoso niyang pagmumukha ay napangisi siya sa akin.

"Huwag kang mayabang, Xue." ngising aniya.

Gumanti naman ako ng pagngisi sa kanya bago mabilis na lumapit sa harapan niya.

"Sino ang sinasabi mong mayabang?" ani ko na ikinagulat niya. Malakas ko siyang sinuntok sa panga.

"Fuck!" mariing aniya.

Muli akong umatras ng ilang hakbang. Napahawak pa siya sa panga niya na nasuntok ko.

"Para 'yan sa kapatid ko." ani ko. Muling sumeryoso ang mukha niya. Malalim siyang humugot ng hininga at pinalagutok ang mga buto sa leeg niya. Mariin niya akong tinitigan ngunit sa isang kurap na ginawa ko ay napunta na siya kaagad sa harap ko. Potcha!

Malakas niya akong sinikmuraan. Mabuti na lang at kaagad akong napaatras. Napaubo ako sa lakas ng pagkakasuntok niya sa sikmura ko. Napahawak pa ako sa tiyan ko upang kahit paano'y mabawasan man lang ang sakit doon.

Nginisian niya ako ng mapatingin ako sa kanya ngunit seryoso pa rin ang mukha niya.

Masama ko siyang tinitigan. Malakas nga din talaga ang isang ito. Ngayon ko unti-unting napagtanto kung bakit ako kinakabahan sa tuwing kasama o kaharap ko ang taong ito. Hindi iyon basta lang na kaba o takot. Excitement iyon na nararamdaman ng kaloob-looban ko dahil sa taglay niyang lakas. Katulad ko ay kaya niya ding kumilos ng mabilis. Hindi normal ang lakas niya.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon