Chapter 54

28 0 0
                                    


Blue pov

Madilim ang paligid ng magising ako. Gusto kong hawakan ang ulo ko ngunit napatingin ako sa kamay ko ng di ko magawa iyon.

"Shit." ani ko ng mapagtantong nakatali pala ang mga kamay ko sa isang matigas na bagay.

Nilibot ko ang paningin ko. Madilim ang paligid ngunit nababanaag ko pa rin ang mga kasama ko. Maging sila ay ganoon din ang ayos at nakatali din sa bakal.

"Ivory. First. Dew. Bry." tawag ko sa mga kasama ko at ilang sandali ay nagising din sila.

"A-anong nangyari?" tanong ni Bry ng mapagtanto ang ayos namin.

"Pinaamoy nila tayo ng pampatulog kanina kaya ilang oras din tayong walang malay." saad ni Ivory.

"Ano ng plano, Blue?" tanong naman ni Dew sa akin. Nakatingin na din sa akin ang iba ngunit bago pa man ako makapagsalita ay umalingawngaw na sa buong paligid ang malakas na pagtunog ng kampana.

"Wow ha! Lakas ng alarm." ani First.

"What the fuck is that? Muntik na akong atakihin sa gulat." ani Dew.

"Kaka-kape mo yan gaga." hirit pa ni First.

"Masama ang kutob ko, Blue. Kailangan nating maghanda. Pakiramdam ko may mangyayari ngayong gabi." ani Ivory na tinanguan ko naman.

"Kailangan nating makawala bago pa man mangyari ang kutob mo Ivory." saad ko.

"Shit! Bakit di ko matanggal?!" may taranta na sa boses ni Bry.

"Relax ka lang Bry. Dilim lang 'to kaya huwag kang mataranta." ani First.

"GROWWWWLLLLL!!!" pare-pareho kaming napatingin sa di kalayuan kung saan kami naroroon.

"What the fuck! What is that?!" ani Dew.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang kung anong bagay ang naroroon sa dilim.

"What the hell! Shit! A-anong klaseng nilalang iyan?!" gulat na ani Dew na maging si Bry ay ganoon na din ang pagmumura.

"H-halimaw!!!" takot na sigaw ni First. "Mataranta na tayo, halimaw na yan!!!!" sigaw niya pang muli.

Pare-pareho kaming napatingin sa paligid ng hindi lang pala nag-iisa ang halimaw na naroroon ilang distansya lang ang pagitan sa amin. Para silang mga anino na bigla na lang nagsisulputan sa gitna ng dilim. May ganitong nilalang ba talaga? Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon na kahit madilim ay nasisiguro ko pa ring may sa halimaw ang mga hitsura ng mga ito.

Maiitim ang mga katawan nila na parang yari sila sa dilim. May mga nanlilisik ang mga mata na gustong-gusto na kaming kainin. Mahahaba ang kanilang mga kamay at ang iba pa nga ay wari nakalutang lang sa hangin.

Wala man lang akong nakikitang ilaw na nakalagay sa bahaging ito ng academy.

Kaya ba wala man lang liwanag sa lugar na kinaroroonan namin ngayon ay upang magsilabasan ang mga nilalang na ito sa dilim? At ang mga ito ay sa dilim din nanggagaling.

"Faster! Kailangan nating makawala!" sigaw ko sa kanila.

"I can't untie!" gigil na ani Ivory.

"Tangina, ito ba ang surprise ni Dr. Yamamoto sa atin. 'yung mga friends niyang halimaw ang ipapakita niya sa atin!" may inis na ani First.

"Shit! Anong klaseng lugar ang paaralang ito!" natataranta na ding ani Bry.

"Eto na yata na larong sinasabi ng mga studyante kanina. Makikipaglaro tayo ng habulan sa mga halimaw. Potcha!!" natataranta ding sigaw ni First.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon