Chapter 17

54 1 1
                                    


Liveid High Academy

- -**- -

Cyane Xue points of view

"Kumusta? Anong napag-usapan niyo ng kapatid ko kanina? Did you fall for him?" bigla akong naubo sa huling tinanong ni Wynn.

"Omg! Water, what happened? Dahan-dahan kasi sa pagnguya, Xue." aniya pa na ikinatingin ko ng masama sa kanya. Hindi naman kasi dahil sa pagkain kaya ako naubo kundi dahil sa tinanong niya. Potcha. Ako na-fall?

Oo. Tangina! Muntik ko na ngang nahalikan ang lupa.

"Dito na muna tayo magpalipas ng gabi sa kwarto ni Grim. It's curfew hour na kasi kaya bawal na tayong lumabas." saad na naman niya. Tsk. Naabutan kami ng curfew dahil lang din sa kaartehan niya. Sinasadya niya din atang dito talaga kami matutulog dahil pinangatawanan na niya talaga ang pagiging kupido sa aming dalawa ng kapatid niya.

"Wear this." abot naman niya sa ternong pajama. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Kanina pa din kasi ako kating-kati na hubarin ang dress na suot ko.

Panglalake ang desinyo ng pajama kaya sigurado akong kay Grim ito. Napatingin ako sa suot niya. Bakit sa kanya eh pambabae? Tsk.

Pumunta na ako sa banyo at doon na nagpalit. Pansin ko pa ang kalinisan niyon kaya kahit pag-ihi ay nagdadalawang-isip akong gawin dahil baka madumihan ko lang iyon. Tsk. Ang linis din pala ng lalakeng iyon.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto niya ng matapos na akong magbihis.

"Nagagandahan ka ba?" ani ng boses na gulat kong nilingon.

"This is my room, kaya may karapatan akong pumasok." saad na naman niya dahil sa pagsimangot ko sa kanya.

Sinilip ko naman ang kinauupuan ni Wynn kanina pero wala na doon ang loka.

"Hmm, s-saan pala si Wynn?" tanong ko na lamang sa kanya.

"Nasa labas," sagot niya. Nangunot naman ang noo ko. Sa labas? Akala ko ba bawal na ang lumabas dahil curfew hour na?

"She's with my friends kaya she's safe."

"Akala ko ba bawal na ang lumabas?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

Naglakad siya palapit sa akin kaya lalo kong pinakunot ang noo ko. Taas kilay niya pang sinuyod ng tingin ang suot ko.

"Tsk."saad lang ng gago ng daanan lang ako nito.

"Ibig sabihin, pwede din akong lumabas?" tanong kong muli na ramdam kong ikinatigil niya sa paglalakad.

"No." mariin niyang sagot.

"Bakit?"

"Dahil iyakin ka, takot ka sa dilim, hindi ba?" nang-iinis niya pang ani.

Napapunta naman ako sa harap niya dahil sa sinabi niya.

"Hindi ako iyakin at mas lalong hindi ako takot sa dilim." seryoso kong aniya na nagpataas lang ng labi niya.

"Talaga lang huh." mayabang niyang ani.

"May naramdaman lang naman akong kakaiba kanina kaya hindi ako nakagalaw. Parang nakadikit yung paa ko sa lupa kaya hindi ko magawang umalis sa lugar na iyon."

"W-what did you say?" sumeryoso siya bigla.

"Tsk. Sabi ko parang may ibang bagay akong nahawakan kanina doon sa dilim. Naiyak ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa inis." ani ko.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon