Chapter 24

38 0 0
                                    


Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view


"GROOOOOOOWWRRRRLL!!!!"

Nakatingin ako sa halimaw ng malakas na naman itong umatungal. Sinadya kong magpakita sa kanya upang masiguro kong nasa loob niyon ang kapatid ko. Ramdam ko iyon at hindi ako pwedeng magkamali.

Handa na akong maabutan niyon ng may biglang humila sa akin palayo sa kinatatayuan ko kani-kanina lang.

"Fuck! Ang tigas talaga ng ulo mo, babae! Gusto mo na ba talagang mamatay, huh?"inis pang saad ng taong patuloy na naghihila sa akin kahit nagpipilit din akong magpumiglas sa pagkakahawak niya.

"Bitiwan mo nga ako!" bulyaw ko pa kay Cross na mariin pa ring hawak ang kamay ko. Nangunot naman ang noo niya.

"Anong ginagawa mo sa lugar na ito, huh? Diba sabi ko dapat ka ng umuwi sa dorm mo?" tanong niya.

"Makikipaglaban sa mga halimaw." casual ko lang na sagot. Padarag niyang binitiwan ang kamay ko ng makapagtago na kami sa likod ng malaking puno.

"Nasisiraan ka na talaga ng ulo. Alam mo bang lalo lang nanganganib ang buhay mo, huh?"

"Anong ibig mong sabihin?" taka ko namang ani.

"Those monsters come out because they want to get you. They won't stop until they get you, stupid."

Nangunot ang noo ko sa kanya.

"Bakit naman nila akong gustong kunin?"

"Dahil nagawa ka nang mahawakan ng isa sa kanila. At heto ka naman, gustong ipain ang sarili sa kanila." ismid niyang aniya.

"Ano bang mangyayari sa akin kapag nakuha ako ng mga halimaw na 'yan?"

"Magiging isa ka din sa kanila o mamamatay ka." aniya. Nginisian pa ako ng gago ng matapos siyang magsalita.

"A-ano?"

"Kaya kung ako sayo, huwag kang magpadalos-dalos sa mga ginagawa mo. Nakakasagabal ka lang." naiinis niya na niyang ani. Napataas naman ang kilay ko.

"Tsk, hindi ko naman kasi hinihingi ang tulong mo." ismid ko.

Natatawa siyang napailing na wari ba'y nang-iinsulto niya pa akong binalingan.

"You don't really need my help? Kahit pa alam mo ng ikaw talaga ang pakay ng mga halimaw na 'yan?" ngising aniya. Lalo akong nainis sa hitsura niya.

"Oo. Hinding-hindi ko kailangan ng tulong mo."

Kung inaakala niyang hindi ko kayang mag-isa ay nagkakamali siya.

"Tsk, okay. Sa oras na mahuli ka nila, hindi na kita tutulungan." aniya at mabilis na lang na umalis.

Iniwan niya ako sa pinagtataguan ko. Mabuti naman iyon upang mawala na ang kabang nararamdaman ko. Wari kasing mas kinakabahan pa ako sa presensya niya kaysa sa mga halimaw na nagkalat sa paligid ngayong gabi.

Binalak ko ng umalis at magmasid pa sa ibang lugar ngunit ng paalis na sana ako sa kinatatayuan ko, hindi ko na naman magalaw ang paa ko.

"Shit!" mahinang mura ko ng mapagtantong may isang maitim na anino ang nandoon na naman sa paanan ko. Ramdam ko ang pagkadikit ng paa ko sa lupang kinaaapakan ko ngayon. May crawlers ba na malapit sa akin? Shit! Anong gagawin ko? Tangina! Bakit ba gusto nila akong kunin?

Huminga ako ng malalim. Pinilit kong huwag magpanic at kailangan kong makaisip ng paraan upang makawala ako sa kapangyarihan ng halimaw na ito na sa pagkaka-alala ko tinatawag nila itong crawlers.

Sinubukan kong abutin ang paa ko upang buhatin na lang iyon gamit ang kamay ko. Ngunit nang maabot ko na iyon wari dumikit din ang kamay ko sa paanan ko.

"Fuckshit hindi ako makagalaw." mura ko na namang muli. Dalawang bahagi na ng katawan ko ang hindi ko magalaw sa mga sandaling ito. Tangina, tuluyan na ba akong mahuhuli ng mga halimaw na iyon? Bigla tuloy akong nag-alala. Paano kung mali ang hinala ko? Paano kung wala talaga sa loob ng halimaw na iyon si Cane? Paano kung nahipnotismo lang talaga ako kaya ko naiisip na nandoon siya? Fuckshit!

"GROOOOOOOWLLLL!!!!!!"

Rinig kong palapit na ng palapit ang malakas na atungal ng growls. Alam kong kapag hindi pa ako nakaalis sa lugar na ito tuluyan na ako nitong makukuha.

Napalingon ako sa paligid. Ramdam kong nasa paligid pa rin si Cross, nanunuod lang sa paghihirap ko. Lalo akong nakaramdam ng inis sa mga sandling ito.

Pinilit ko ulit na gumalaw. Pinaplano ko ang magpatumba at gugulong sa lupa baka sakaling makaalis ako sa pagkakadikit ngunit hindi ko pa rin iyon magawa.

"Sumusuko ka na ba?" rinig kong ani Cross at nang balingan ko siya ng tingin ay nginisian pa ako ng gago.

Inirapan ko lang siya. Magpapahuli na lang ako sa halimaw kaysa ang bawiin ang sinabi ko sa kanya kanina.

"Malapit nang makarating ang mga growls sa lugar na ito." banta pa niya.

Muli kong pinilit na makaalis. Ayokong pag-aksayahan ng oras ang gagong ito. Mamatay na kung mamatay pero hindi ako manghihingi ng tulong sa mayabang na katulad niya.

"Tsk, ang taas din ng pride mo, ano?" aniya at lumapit pa sa akin.

"Wala kang pakialam. Magtago ka na lang kung ayaw mong pati ikaw ay makuha din ng mga growls na papalapit."

Napailing siya. Yumuko siya upang ipantay ang mukha niya sa akin.

"Tsk, walang patutunguhan ang mga taong matitigas ang ulo na kagaya mo." aniya at mabilis akong binuhat.

"GROOOOWWWLLLLL!!!"

Mabilis siyang tumakbo habang buhat niya ako. Rinig ko pa rin ang patuloy na paghiyaw ng mga halimaw habang hinahabol kami.

Napamaang naman ako sa ginawa niya. Hindi ko na naman magawang magreact.

Nakuha lang ang atensyon ko ng magsalita siya.

"If you want to die, don't do that now." aniya na nagpaalala sa akin sa sinabi ko sa kanya noon.

Mapakla na lang akong natawa dahil sa sinabi niya. Muling sumariwa sa akin ang nakaraan ko dahil sa mga katagang iyon.

"Shit! Xue. What are you doin' here?" muli akong nabalik sa sarili ng marinig ko ang boses ni Grim.

Binalingan ko naman siya ng tingin habang binababa na ako ni Cross.

"Ah. . I just. .- -

"She wants to see the monsters with her stupid eyes again, Grim." galit akong bumaling ng tingin kay Cross.

"Growls almost got her again. If you want her to live longer, tie that stu- - woman to you!"

"Shut up!" pigil ko sa pagsesermon niya.

"Tsk."

"What are doing here, Xue. You already know it's dangerous to go out." ani Grim na hindi na din natago pa ang inis sa boses niya.

"Gusto ko lang naman magpahangin." ani ko na lalo lang niyang ikinainis.

"The fuck!" halos mapasabunot na siya sa buhok niya.

Napapailing ko na lamang siyang tinitigan dahil kahit anong gawin nilang pagbabawal sa akin na huwag lumabas tuwing gabi ay hindi ko iyon susundin.

"Don't do this again, Xue. You'll going to face the punishment if you will break the rules again." seryoso niyang banta sa akin.

"Are we clear, Xue Portalejo?" may otoridad niya pang muling tanong.

Napilitan naman akong tumango upang matapos lang ang diskusyon namin kahit pa hindi ko talaga iyon susundin. Sa susunod sisiguraduhin ko nang wala nang makakahuli sa akin kapag lalabas ako ng gabi.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon