Chapter 21

50 0 0
                                    

Liveid High Academy

- -**- -

Cyane Xue points of view

"Ano bang nangyari sa laboratoryong ito?" tanong ko kay Grim ng makapasok na kami sa loob.

Nagkalat na mga bubog, sira-sirang mga gamit ang naririto lang sa loob. Puno na din ito ng alikabok at may namamahay na nga na mga insekto. Napapahawak pa nga ako sa buhok ko kapag natatamaan ko ang mga sapot ng gagamba.

"Ruined by the monster." sagot niya. "Dito sa lugar na ito unang lumabas ang mga halimaw."

Gulat ko naman siyang nilingon.

"Paanong nangyari iyon?" nagtatakang tanong ko. Kaya ba sira-sira na ang mga gamit dito ay dahil iyon sa paglabas ng mga halimaw noon?

"May pinag-aaralang eksperimento ang mga scientist at doctor ng Liveid noon. Naging bigo iyon at nagresulta ng panganib sa lahat. Maraming namatay, marami ding nawala. Habang ginagawa kasi nila ang eksperimento ay may nabuksan silang lagusan na konektado sa ibang dimensyon."

"Ano bang klaseng eksperimento iyon? Bakit may portal at ibang dimensyon?" kunot-noo ko namang tanong sa kanya.

"It's about a new weapon. Hindi ko alam kung anong bagong sandata ang gusto nilang pag-aralan pero.. --

Napatitig ako sa kanya ng hindi na niya tinuloy ang sasabihin pa niya.

"Let's get out baka mahuli pa tayo ng mga school officials, malalagot tayo kay dad." aniya.

"Pero hindi pa natin nakikita kung ano pa ang nasa loob."

"Xue." seryosong tawag niya sa pangalan ko.

Napabuntong hininga ko na lamang na sinunod ang sinasabi niya. Siguro babalikan ko na lang ang lugar na ito ng hindi niya alam. Sa ngayon ay may ideya na ako kung bakit lumalabas sa gabi ang mga halimaw na iyon. Portal. Hindi man kapani-paniwalang pangyayari pero kailangan kong mag-isip ng paraan upang mapasok ang lagusang iyon. Malakas pa rin kasi ang pakiramdam kong nandoon ang kapatid ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Grim habang nakatalikod sa akin. Napatitig naman ako sa likuran niya. Alam kong may bagay siyang ayaw ipaalam sa akin pero ramdam kong may kinalaman ito sa pinag-uusapan namin kanina.

Humarap siya bigla sa akin kaya mabilis kong tinaas ang kilay ko sa kanya. Baka kasi ano pang isipin ng gagong ito kung bakit ako nakatitig sa kanya.

"Nagawa ko na ang gusto mo, gusto ko naman ang gawin mo." nakangisi niyang ani. Ang bilis niya magpalit ng mood. Bipolar nga ito.

"Ha? eh ano ba ang gusto mo?" tanong ko.

Sandali naman siyang napaisip bago nakangisi na namang nagsalita.

"Have a date with me."

Automatikong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"A-ano? Date?" nagdadalawang-isip ko pang sabi dahil baka nagkamali lang ako ng dinig.

"Yes."

"Saan? Dito sa loob ng academy?"

"Ikaw ang bahala." aniya at nagsimula nang maglakad. Napasunod naman ako sakanya.

"Grim."pigil ko pa habang nakahawak sa braso niya.

"What? That's what I want. A date." nakangiti pa nitong ani.

Nanatiling nakakunot ang noo ko. Ano bang nalanghap ng isang ito at may sayad na naman?

Date? Ano bang gagawin namin doon? Mas maganda pa sana kung nag-aya na lang siya ng monster hunting, kaagad pa akong papayag ng walang pagdadalawang-isip.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon