Chapter 50

39 1 0
                                    


"Kaya mo pa ba, Xue?" nag-aalalang tanong ni Loki sa akin.

Tumango naman ako at patuloy na ininda ang sobrang sakit dahil sa sugat sa tagiliran ko.

Pakiramdam ko may bagay na bumabaon sa tiyan ko habang patagal ng patagal ang sakit. Tangina! Matindi nga talaga ang Cross na iyon.

Napatingin ako sa dugo sa tagiliran ko na malakas pa rin ang pagdaloy.

"Mauubusan ka na ng dugo kung hindi pa natin magagamot ang sugat mong 'yan, Xue." nag-aalalang saad niyang muli sa akin.

"K-karayom at s-sinulid l-lang ang kailangan ko." nahihirapang saad ko naman sa kanya.

"Anong gagawin mo sa mga iyon?" kunot-noo niyang tanong.

"P-pantahi dito sa sugat k-ko." napamaang siya. Napatingin pa siya sa mukha ko bago makapagsalita.

"Masakit iyon. Dadalhin na lang kita sa clinic upang magamot ka nila." mariing aniya na agad ko namang tinutulan.

"N-no. May a-access ang mga d-doctor sa l-lahat ng facility dito sa l-loob ng academy k-kaya malalaman ni Dr. Y-yamamoto kung n-nasaan ako."

"Pero, Xue."

"B-bring me somewhere na hindi basta-basta m-mapapasok ng mga school officials. Kailangan ko din ng kahit m-medicine k-kit man lang. Kaya k-kong g-gamutin ang sarili ko, L-loki." mabilis kong ani at pinilit itayo ang sarili ko. Tinulungan naman niya ako at kahit pa masakit na masakit ang tagiliran ko ay pinilit ko pa ring makapaglakad.

Pinaakbay niya ang kamay ko sa kanya at inalalayan niya naman ang tagiliran ko.

"Hindi ka ba masasaktan?" napalingon ako sa kanya sa tanong niya. Gusto kong mamilosopo ngunit pinigilan ko na lang iyon dahil baka lalo lang akong mawalan ng dugo.

"N-nasasaktan na nga ako sa oras na ito, a-ano p-pang pinagkaiba d-doon?" ani ko na lamang na ikinatahimik niya.

Dinala niya ako sa dorm ng North wing. Dumaan kami sa likurang bahagi ng mga gusali kaya walang nakakitang studyante sa amin.

"B-bakit dito m-mo ako d-dinala?" may inis kong ani sa kanya. Napatingin pa ako sa kabilang unit at mas gugustuhin ko pa atang pumasok sa unit ni Vegas kaysa sa kaharap kong pinto.

"Matutulungan ka ni Grim, Xue." saad naman ng gago kaya pagalit akong tumitig sa kanya.

"H-hindi niya ako m-matutulungan, Loki. B-baka nga mas m-mapapahamak pa ako kung siya ang tutulong sa akin." sagot ko naman sa kanya.

"Hindi mo pa siya lubos na kilala, Xue, kaya huwag ka munang magbigay ng conclusion." seryosong aniya.

Napahugot ako ng hininga. Pare-pareho lang naman kaming hindi talaga kilala ang isa't isa. Ni motibo nga ng pagkampi at pagtulong niya sa akin ngayon ay hindi ko din alam.

Kumatok si Loki sa pintuan ni Grim. Wala na din akong lakas para sumalungat pa kaya hinayaan ko na lang siya.

"Damn it! Anong nangyari sa kanya?" gulat na ani Grim ng binuksan niya ang pinto. Napatingin naman ako sa kanya kaya kita ko ang pag-aalala niya sa kalagayan ko ng makita niya ako.

"G-grim." mula sa pagkakatingin ko sa kanya ay pairap akong napalingon sa likuran niya.

Naririto din pala ang babaeng ito.

Uminit muli ang pakiramdam ko. At bago pa man may mangyari na namang gulo, lumingon ako kay Loki na sa oras na ito ay kunot-noo ding nakatingin sa mga taong nasa harap namin.

"Dalhin mo ako sa kabila, Loki." mahina ngunit seryoso kong utos sa kanya papunta sa unit ni Vegas. Hindi pa nga siya agad nakagalaw ngunit ako na mismo ang humakbang upang talikuran lang ang mga taong nasa harap namin.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon