Chapter 10

70 2 0
                                    


Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view

"Shit!" gulat kong ani ng bigla akong nabunggo sa kung ano. Kung mamalasin ka naman talaga.

"It's you, again. Tsk!" mapang-uyam na ani nito ng maaninag na niya ako.

Hindi pala ano, kundi sino.

Inayos niya pa ang salamin niyang bahagyang naiba ang posisyon na marahil sa pagkakabunggo naming dalawa. Ano ba kasi ang ginagawa ng isang ito dito? Ang alam ko kasi ay kasama niya ang stupidong lalakeng nambugbog ng studyante kanina sa party.

Nahugot ko ang paghinga ko. Napahawak din ako sa dibdib ko na kani-kanina lang ay muntik ng lumabas dahil sa kakaibang takot na nararamdaman ko na kaagad ding napalitan ng inis dahil sa lalakeng ito. Tsk. Sa sandaling ito, kailangan ko talagang kalmahan ang sarili ko kung ayaw kong mapaaway ng tuluyan. Hindi pa rin kasi talaga nagbabago ang inis na nararamdaman ko sa kanya lalong lalo na sa stupidong iyon dahil sa ginawa nila.

"What are you doing here? Gusto mo na namang maparusahan?" nakangisi niyang ani. Kahit pinapakalma ko pa ang sarili ko ay hindi ko talaga maiwasang hindi mainis sa kanya lalo na ang pagngising ginagawa niya."Dry naman ang piliin mo, this time, okay?" nakangisi niya pang dagdag.

"Gago! Shut up." saad ko habang inis na umirap sa kanya.

Napailing lang siya sa sinabi ko. Sinipat niya kalaunan ang suot ko at napangisi pa siya ng mapatingin na siya sa mga mata ko.

"Ikaw pala ang nagmamasid sa may puno kanina. Ano bang balak mo? Gumanti? Tsk. Unahin mo munang intindihin ang rules bago ka mag-isip na maghiganti kay Grim." aniya pa na kinunutan ko na lang ng noo.

"Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang stupidong iyon kaya huwag kang mag-alala." pairap kong ani na nagpatawa lang sa gago.

"Tsk, talaga lang, ah." hindi naniniwala niyang aniya kaya inikutan ko na lang siya ng mata bago iniwan. Bahala siya, wala na akong oras pa para makipag-usap sa kanya.

"You better go back to your dorm before something strange come up. Ikaw din, you will die if that thing catches up with you, stupid." banta niya pa na may nakakainis na pahabol. Gumaya pa talaga siya sa leader niyang iyon.

Kahit inis ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon hindi ko pa rin maiwasang macurious dahil sa kakaibang bagay na sinasabi niya. Alam kong may kinalaman iyon sa kakaibang takot na naramdaman ko kanina.

Tumigil ako sa paglalakad ko at muli siyang hinarap.

"Ano bang sinasabi mong kakaibang bagay na lilitaw?" hindi ko na mapigilang tanong na nakangisi niya lang na inilingan.

"Newbie." nakangisi pa rin niyang ani bago sumeryoso. "You may be the first survivor being a newbie here, stupid. Hindi ko alam kung paano ka nakapasok sa paaralang ito pero kung papalarin ka pang umabot ng isang buwan dito, tiyak akong malalaman mo rin kung ano ang tinutukoy ko." mahaba niya pang dagdag.

Nakakunot ang noo ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Alam ko namang hindi talaga ordinaryong paaralan ang academy na ito pero parang ayaw maproseso ng utak ko ang mga sinasabi niya ngayon.

"Better follow the rules and you might survive. Especially the curfew hour." muli na namang saad niya bago ako talikuran. Humakbang na siya palayo sa akin ngunit bago pa man siya lamunin ng kadiliman ng gabi narinig ko pa ang muling salita niya.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon