Chapter 33

39 1 0
                                    


Matapos ang pa-welcome party, nagsibalikan na din sa kanya-kanyang dorm ang mga blacklist. Bumalik na din si Wynn sa West wing  at si Damon ang naghatid sa kanya.

Naiwan akong nag-iisa dito sa sala.

Maya-maya pa'y napatingin ako sa orasang nakasabit sa dingding ng dorm ni Grim. Quarter to 10 na kaya ilang minuto na lang ay tutunog na naman ang kampana.

Bumaling ako ng tingin sa pintuan ng kwarto ni Grim. Ano ba ang ginagawa ng isang iyon doon at kanina pa hindi lumalabas? Tsk.

Ilang minuto pa'y bumukas iyon at hindi ko na nagawang mag-iwas pa ng tingin ng lumabas din si Grim habang sinalubong din ang tingin ko.

"You should rest." malamig niya lang na aniya.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nasa harapan ko na siya.

"Lalabas ka?" tanong ko. Tinitigan niya lang din ako at hindi din sinagot ang tanong ko. Pinilit kong hindi siya pag-ikutan ng mata.

Nag-iwas siya ng tingin pagkaraan at nagbalak nang humakbang ngunit mabilis ko siyang pinigilan. Napatingin naman siya sa kamay kong humawak sa palapulsuhan niya.

"Grim, sorry na." mahina kong saad na ikinatingin niya sa mga mata ko. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago siya nag-iwas ng tingin.

"Tsk."

Napanguso ako sa kanya.

"Huwag ka nang magselos." saad kong muli na ikinabalik ng tingin niya sa akin.

"What? Why?" kunot-noong tanong niya. Potcha! Nagseselos nga ang isang ito. Gawa-gawa ko lang naman sana ang sinabi kong iyon at inaasahan kong itatanggi niya pero totoo nga. Tsk. Kailangan ko pa tuloy mag-isip ng isasagot din sa tanong niya.

Napakamot ako sa ulo ko. Kailan ba ito matatapos? Wala na akong maisip upang patuloy lang na sakyan ang trip ng lokong ito.

"Kasi ano, ikaw naman ang boyfriend ko." ani ko na lang pagkaraan.

Pinaningkitan niya naman ako ng mata.

"Then pwede ka lang magpahawak ng kamay sa kung sino dahil ako naman ang boyfriend mo, ganoon ba iyon, huh, Xue?" ismid niya.

Nangunot ang noo ko.

"Hindi at .. oo."

"Ano?" naguguluhan niya namang tanong.

Malakas akong napabuga ng hangin. Tuloy-tuloy naman kasi ang sinabi niya kaya tuloy naguluhan din siya sa sagot ko.

"Tsk. Hindi ako magpapahawak ng kamay sa iba at oo, ikaw ng boyfriend ko." saad ko.

Napatikhim siya. Muling nag-iwas ng tingin at marahang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ko sa palapulsuhan niya.

"Rest." aniya at mabilis ding naglakad palabas ng pintuan.

Napasunod lang ang tingin ko sa nilalakaran niya. Ang pagpihit niya sa doorknob at mabilis niyang paglabas ng nabuksan niya iyon. Ngunit bago pa man magsara ang pintuang dinaanan niya, kasabay niyon ang malakas na pagsigaw ng halimaw na nasa labas.

"Grim." tawag ko sa pangalan niya.
Hindi ko alam kung nakuha ba siya ng halimaw na iyon o malayo lang iyon sa kanya.

Humakbang ako papunta sa pintuan. Nanginginig ko pa iyong binuksan. Malamig na hangin at kadiliman ang sumalubong sa akin. Sa kabila ng takot nagtataka pa rin ako kung bakit patay ang lahat ng ilaw sa lugar na ito. Hindi ito katulad ng unang gabing narito ako. Bakit?

Nagpalinga-linga din ako sa paligid na puro kadiliman na lang ang nakikita ko. Bakit nawala ang boses ng halimaw na iyon? Bakit hindi ko na maramdaman ang nilalang na iyon?

"Grim!" muli kong tawag sa pangalan niya. Umaasang may makarinig sa akin kahit na hindi siya. Ngunit ilang segundo na ang nagdaan ng wala pa rin akong marinig o mapansin man lang na ingay o galaw mula sa kadilimang natatanaw ko ngayon.

Nangunot ang noo ko. Ano ba ang nangyayari? Naguguluhan ako sa paligid ko. Nilingon ko ang likurang bahagi na pinanggalingan ko kanina. Lalo lang nangunot ang noo ko ng hindi ko na makita ang pintuan ng dorm na nilabasan ko kanina.

Bakit? Nasaan na ba ako? Hindi naman malayo ang hinakbangan ko kanina, bakit nawala sa likuran ko ang lugar na pinanggalingan ko? Saan na ba ako napunta?

"Grim! Nasaan ka?" muli ko na namang tawag. Imposible ang nangyayaring ito sa akin. Animo ba'y sa isang iglap lang ay nasa ibang lugar na ako kahit pa kakalabas ko pa lang sa pintuan. Napatingin akong muli sa paligid ko. Hindi ko alam kung saan na ako naroroon ngayon.

Humakbang ako, hindi ko alam ang pupuntahan ko dahil puro kadiliman lang naman ang nakikita ko. Pilit ko pa ring inaaninag ang paligid nagbabakasakaling may kahit katiting na liwanag man lang akong mabanaag.

"Xue. . Hey, wake up!" may kung ano akong naririnig.

Kumunot ang noo ko. Pilit ko iyong hinagilap sa paligid ko ngunit hindi ko iyon makita.

"Come on, Xue. . wake the fuck up!" wari'y sigaw na naman ng boses lalake.

Kumunot lalo ang noo ko. Bakit niya ba ako ginigising? Natutulog lang ba ako? Hindi ba totoo ang madilim na paligid na ito? Nananaginip lang ba ako?

Sa realisasyong iyon pilit kong pinapasok sa isipan kong panaginip lang ang lahat ng ito. Sa halip na mata ang ginamit ko upang mahanap ang boses niya, ginamit ko ang pandinig ko.

"Grim." tawag ko sa taong alam kong gumigising sa akin ngayon. Naririnig ko ang pagtawag ko sa kanya ngunit hindi ko maramdaman ang bibig ko na binigkas ang pangalan niya. Ibig sabihin niyon, sa isipan ko lang siya tinatawag sa mga sandaling ito. Nakapikit ako ngunit nasa akin pa rin ang kamalayan ko kahit nasa kung saang lugar na ako ngayon.

"Xue, wake up, please!" malakas niyang tawag na muli sa akin at sa boses niyang iyon tuluyan ko nang nagawang imulat ang mga mata ko.

"Shit! A-akala ko mawawala ka na." aniya at mabilis akong niyakap. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso niya dahil sa pagyakap niya sa akin.

"A-ano bang nangyari?" tanong ko na lamang sa kanya ng wala na akong maalala kung anong nangyari pagkatapos kong magising.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon