Chapter 61

26 0 0
                                    


Zariah pov

Malakas ang pinakawalan naming suntok at sipa ni Xis ngunit hindi man lang napuruhan si Blue.

"Anong klaseng halimaw ka?!" ani Xis habang patuloy pa rin sa pagsuntok.

"Masama ito. Hindi lang hitsura ang ginaya ng halimaw dahil maging ang kakayahan ni Blue ay taglay din nito." ani ko. Napatingin din ako sa iba, maging ang mga halimaw na may anyo nina Ivory, Dew, First at Bry ay ganoon din ang  pinapakitang lakas ngayon.

"Ano?!" gulat namang baling ni Xis sa akin.

"Tama ang narinig mo Xis, ganyan na ganyan ang lakas na mayroon ang taong nagmamay-ari ng mukhang iyan." tukoy ko kay Blue.

"Paano natin sila matatalo sa lagay natin ngayon?" nababahala ng tanong niya.

"Isa lang ang naiisip kong paraan. Kailangang maglaban ang peke at orihinal." ani ko. "Ngunit paano mangyayari iyon kung sa sandaling ito nakikipaglaban din sa mga halimaw ang totoong mga kaibigan ko?" kaagad ko ding dagdag sa unang sinabi ko.

"Dalhin natin ang mga ito sa kanila." suhestiyon naman ni Xis.

"Paano?" tanong ko sa kanya.

"Subukan nating magpahabol hanggang marating natin ang bahaging timog. Tiyak akong naroroon pa ang mga kaibigan niyo hanggang ngayon." napatango ako sa sinabi niya.

"Mikael!" tawag ko kay Mikael na nakikipaglaban kay Dew.

"Let's bring them to where the reals are. Kung hindi natin sila matatalo sigurado akong matatalo sila ng mga orihinal." saad ko sa kanila.

"How could we bring them?" tanong ni Herrera sa akin na kasalukuyan pa ring nakikipaglaban kay Bry.

"Kailangan nating magpahabol sa kanila papunta sa south wing." si Xis ang sumagot.

Tumango naman ito maging ang iba.

"Let's go." anunsyo ni Xis sa amin at mabilis na sumunod sa pagtakbo.

"Malayo pa ba sila?" tanong ko dito.

"No. Malapit na lang tayo sa kanila. Marahil dahil sa mga halimaw na nasa paligid kaya hindi nila tayo napapansin ngayon.

"Bilisan niyo— what the hell?!"

"Ang bilis nila!" ilang distansya pa lang ang natakbo namin ng maunahan kaagad kami ng mga halimaw. Para silang nagteleport sa harap namin.

"Kainis! Paano na 'to?!" inis kong baling sa mga babaeng halimaw na nasa harap. Kung sanang kaya ko silang labanan lahat ay hindi ko na sana kailangan ng tulong ng mga kasama ko.

"Damn it! Blue! We're fucking here! Nasaan kayo?!" malakas kong tawag sa mga totoong kaibigan ko.

Pansin ko ang pagtitinginan ng mga halimaw na may hitsura ng mga kaibigan ko. Ilang sandali pa'y sabay-sabay silang umatake sa aming lahat.

"Shit!!!"

Tumilapon ako. Nasasaktan kong hinawakan ang tagiliran ko.

"Damnit!" nasasaktan ding mura ng mga kasama kong lalake.

"Ahhh!" napabaling ang tingin ko sa sigaw ni Enrile.

"Shit, Dione!" sigaw pa ni Herrera dito.

Mabilis na naagaw ni Blue ang punyal na hawak nito kaya ito nasaksak.

"Tangina!" mura ni Xis ng mapuruhan siya ng espada na hawak ni Ivory. Naagaw niya din ito mula sa lalake.

"Arayyyy ano ba?!" malakas ko namang sigaw ng ako naman ang balingan ni First. Malakas nitong nahatak ang buhok ko at pabalibag na naman akong hinampas sa lupa.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon