Chapter 25

38 1 0
                                    


Cross Ferre points of view:

"Creapers."

Muntikan ng makuha ang babaeng iyon kung hindi lang ako dumating. Pero ang ipinagtataka ko, paano siya nanatiling may malay habang nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng creapers.

Madalas na nawawalan ng malay ang mga biktima ng creapers. At tanging siya lang ang nakakagawa ng bagay na iyon.

Anong meron sa kanya?

Tahimik ko siyang sinundan ng magkunwari akong umalis. Nagkubli ako sa dilim upang hindi niya lang ako maramdaman.

"Shit." aniya ng mabunggo niya ang isa sa mga black list. Si Loki. Ano din ang ginagawa ng isang ito dito?

"Ikaw pala ang nagmamanman sa may puno." ani Loki. Nagmanman? Bakit? Ano ang pakay niya?

"Tsk."

Pagkatapos nilang mag-usap, pansin ko pa ang pagkaripas niya ng takbo. Papunta iyon sa West wing. Red card.

Ilang segundo pa'y hinanda ko na ang sarili ko. Maya-maya din ay bumukas ang madilim na lagusan sa gitna ng field.

"Growls."

Alam kong lalabas ang halimaw na ito ngayon. Kapag may creapers sa paligid, tiyak ang kasunod na paglabas ng mga growls. Naaamoy ng growls ang anino ng taong nabibiktima ng creapers. Ang growls ang kumukuha sa mga ito.

Alam ko ding susundan ng growls ang babaeng iyon kaya kailangan ko siyang mapigilan.

"GRAGGGGGGGGHHH!!!" malakas nitong sigaw.

May mga kasama pa siyang nagsilabasan na din sa paligid. Iisa lang ang pakay nila sa gabing ito. Ang makuha ang babaeng iyon.

"Cross." tawag sa akin ni Xis. Kasama niya ang mga kasamahan naming Rippers na dumating.

"Nagkalat na sila sa paligid. Sino ang biktima ng creapers?" tanong nito sa akin.

"Yung bagong studyanteng taga west wing." sagot ko.

"Tsk. Kung mamalasin nga naman ang isang iyon."

"No. We have to make sure na hindi siya makuha ng growls. May mahalagang bagay pa akong gustong malaman tungkol sa kanya."

"Ngayon ka lang yata interesado sa iba?" patanong niyang ani.

"May kakaiba sa kanya, Xis. Hindi umubra ang kapangyarihan ng creapers sa kanya kanina kaya kailangan nating malaman kung anong dahilan."

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka ng tanong ni Xis. Bahagya akong napailing.

"Nakita ko siya kanina. Nagawa pa rin niyang igalaw ang ibang bahagi ng katawan niya habang nakadikit ang paa niya sa isang creapers."

"That's impossible. Are you sure about it, Cross?" di makapaniwalang saad ni Xis.

"Yeah, and we really need to know kung anong meron sa babaeng iyon."

**

"Sumusuko ka na ba? Malapit ng dumating ang growls sa bahaging ito?" tanong ko sa babaeng di makaintindi.

Kita kong nahihirapan na siya sa posisyon niya.  Nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng Crawls kaya kahit anong gawin niya ay hindi siya makakagalaw.

Ngunit ang pinagtaka ko lang, bakit may malay pa rin siya hanggang ngayon?

Nagmatigas siya. Ayaw pa rin niyang tanggapin ang tulong ko. Mahina na lang akong napatawa ngunit kalaunan ay sumeryoso din pagtitig ko sa kanya. Bakit naaalala ko sa kanya ang taong matagal ko ng gustong makita.

No. Hindi siya ang taong iyon. May pagkakatulad man sila ngunit kabaligtaran naman ang ugali nilang dalawa.

Bago pa man siya mahawakan ng growls ay mabilis ko na siyang nabuhat at mabilis ding tumakbo palayo.

Hindi ito ang unang beses na niligtas ko ang babaeng ito.

Gusto ko siyang balingan ng tingin. Gusto kong itanong kung bakit malakas na naman ang pintig ng puso niya. Nakadikit ang katawan niya sa katawan ko dahil sa pagbuhat ko sa kanya kaya ramdam na ramdam ko ang pintig ng puso niya.

Natatakot ba siya? Kinakabahan dahil sa mga halimaw? Marahil ay iyon ang dahilan. Tsk. Pero bakit gusto niya pang lumabas kung natatakot siya sa mga halimaw? Sira na ba ang ulo niya at hindi siya nakakapag-isip ng tama o matigas lang talaga ang ulo niya kaya gusto niyang ipahamak ang sarili niya? Tsk. Bigla na naman akong nainis.

Sumalubong si Grim sa amin kaya dahan-dahan ko na din siyang binaba.

Nagtanong si Grim at magpapalusot pa sana ang babaeng matigas ang ulo kaya lalo akong nainis sa kanya.

"She wants to see the monsters with her stupid eyes again, Grim." ani ko na galit niyang ikinabaling ng tingin sa akin.

"Growls almost got her again. If you want her to live longer, tie that stu- - woman to you!" inis kong ani.

Alam kong galit din si Grim dahil sa katangahang ginagawa ng babaeng ito pero nagpipigil lang siyang mabulyawan niya ito.

Kung iba lang ang naririto ngayon ay diretso niya na itong pinarusahan ngunit sa pagkakaalam ko'y kasintahan na niya si Xue.

Kasintahan? Sa sandaling panahon?

Tsk. Kailangan nga talaga niyang itali ang isang ito kung ayaw niyang maagaw pa ito ng iba.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon