Chapter 14

49 1 0
                                    

Liveid High Academy

- - **- -

Cyane Xue points of view

Umuwi na ako matapos kong sagutin ang mayabang na emperor.

Papatulan pa nga niya sana ang pagsagot ko sa kanya kung hindi lang sila nagmamadaling umalis.

Tsk. Pero mabuti na lang din at nagmamadali sila dahil baka maparusahan na naman ako ng gagong iyon.

Naabutan ko na si Wynn dito sa dorm pagdating ko. Busy siya sa paghahanda ng mga dress niya na pinabayaan ko na lang. Baka may pupuntahan siya. Maganda na ding umalis siya para magkaroon pa ako ng pagkakataong lumabas sa dorm ng walang nagtatanong kung saan ako pupunta. Mausisa pa naman ang isang ito. Gusto niya alam niya lahat. 

"Xue, sama ka sa party mamaya ah," sambit niya pagkaraan kaya kunot-noo akong tumingin sa kanya.

Party na naman? Mahilig yatang magparty ang mga studyante dito.

"Saan?" tanong ko na lamang sa kanya.

"Sa North wing." nakangiting aniya.

Napataas naman ang kilay ko. Naalala ko pa kasi ang sinabi ng mayabang na stupid na iyon nang makita niya ako sa building nila. Tsk. Akala ko ba bawal ang outsiders? Bakit sila magpa-paparty?

"Ano? . .sama ka huh? Masaya 'yun. And I also want you to meet my twin." nakangiti niya pa ring sabi sa akin. Twin? May kakambal din siya at isang black card? Bakit hindi sila magkapareho ng kulay?

"May kakambal ka?" interesado ko namang tanong sa kanya.

"Yeah. And I'm so excited na ipakilala ka sa kanya." natutuwa niyang saad na tinanguan ko na lamang. "Sama ka, ha." pag-uulit niya pa. Napilitan naman akong tumango. Kahit ayaw ko pang gawin ang pagbalik sa North wing, hindi naman ako makahindi kay Wynn lalo pa't interesado akong malaman kung sino ang kapatid niya.

"Ako na bahala sa susuotin mo. Sisigiraduhin kong maiinlove sayo ang kakambal ko kapag nakita ka na niya." excited na naman niyang saad na nagpakunot ng kilay ko.

"Ang ibig mong sabihin, lalake ang kakambal mo?" paniniguro ko.

"Yeah. Kaya nga siya black card holder dahil boy siya. Kung hindi mo pa alam, our family is one of the owner of this academy. Not to brag but we're elites. Red card lang ang binigay sa akin dahil I'm a girl while my twin brother is a black card holder." paliwanag niya. Hindi naman siya tunog mayabang sa sinasabi niya.

"Black card? You mean, black list din ang kapatid mo?"

"Hmm, yeah."

Napaisip naman ako. Sino sa mga nakasalamuha ko ng black list ang kapatid niya? Si Vegas ba? 'Yung nakasalaming si Loki? 'Yung mga alipores? O 'yung stupid na emperor na iniiwasan ko talagang makita ulit.

"My brother is cool. I'm sure magugustuhan mo din siya." aniya pa na inilingan ko na lamang. Gusto? Tsk.

Dumating ang gabi at naghanda na kami para sa party. Tinutoo talaga ni Wynn ang pag-aayos sa akin. Sinuotan niya ako ng bodycon dress na strap na lang ata ang nagtatakip sa bandang itaas ng dibdib ko. Nakangiwi akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay ngiting-ngiti sa akin.

"Gorgeous! you're so hot, Xue. Bagay na bagay sayo ang suot mo ngayon. Nagmukha kang-

"P*rn star." putol ko sa sasabihin niya.

"What the hell! Grabe ka naman, ang ganda mo kaya. Lalo ka pang sumexy sa suot mo. At nagmukha ka talagang international model dahil diyan sa curve ng katawan mo." patuloy niya pang pambibilog sa ulo ko.

"Maganda at sexy ka din, Wynn, huwag kang papatalo." ani ko na tinawanan lang ng gaga.

"I'm pretty sure, ikaw ang magiging lady of the night sa gabing ito, Xue. Nagsasawa na din kasi ako na ako na lang palagi ang napipili."

" Yabang!" ismid ko.

"Excuse me." nakataas na kilay niyang ani. "Hindi iyon kayabangan no. Katotohanan 'yun, Xue. Katotohanan!"

"Tsk, sige na nga. Naniniwala na ako sa sinasabi mo kung iibahin mo lang ang suot ko."

"Hmm." napapaisip niyang ani. "Mas bagay yata sayo 'yung cocktail dress, tube iyon at backless." aniya na nginiwian ko na naman.Potcha, ano na lang ang magiging hitsura ko doon. Baka wala na talagang tatakip sa dibdib ko.

"Ano Xue, magpapalit ka pa ba?" ngisi niya pa sa akin.

"Tsk." irap ko na lang na tinawanan naman niya.

"Let's go. Magsisimula na ang party. Omg, I'm so excited." natutuwa niyang ani at hinila na ako palabas ng dorm.

Napataas naman ang kilay ko sa isang itim na convertible ferrari na naghihintay sa amin sa labas.

"Hi, Damon." bati ni Wynn sa lalaking pamilyar ang pagmumukha sa akin. Tsk, black list.

"Hello, Wynn. .ohh, hello to you gorgeous." kaagad na baling nito sa akin matapos batiin si Wynn.

"She's hot, isn't it?" eksaherada pang ani Wynn.

"She's strikingly beautiful and sexy." ani Damon ng hagudin ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Tsk. Shut up." irap ko na lamang sa kanilang dalawa.

Sumakay na si Xue, kaya ganoon na din ang ginawa ko.

"I'm sure your brother will be surprised." saad ni Damon kay Wynn ng mabanggit nitong gusto ako nitong ipakilala. Natatawa pa ito habang bahagyang naiiling.

"Yeah, I know, Damon, I know." ani Wynn na tinatawanan lang ng lalake. Iniirapan ko pa ito sa tuwing mahuhuli kong bumabaling ng tingin sa akin. Tsk. Playboy ang gago. Kung makakindat kasi sa akin ay parang hindi siya kasama ng gagong emperor na iyon nang binigyan ako nito ng parusa.

"We're here." anunsyo ni Damon ng makarating na kami sa North wing. Ilang minuto lang naman iyon ngunit pasosyal itong si Wynn at nagpasundo pa. Tsk, sabagay, sa suot kong ito, hindi din ako maglalakad. Pota, naka-heels pa ako.

Nagpresenta si Damon na umalalay sa paglabas ko ng sasakyan. Nakalahad pa ang kamay niya na inirapan ko muna bago ko iyon tanggapin.

Tumawa naman siya kalaunan. Maging si Wynn ay hawak niya din sa kabilang kamay niya. Tsk, swerte ng kumag na ito, dalawa pa kaming kasama niya.

Ramdam ko ang tinginan ng mga naririto sa direksyon namin pero wala akong pakialam doon. Mas may pakialam pa nga ako sa strap ng dress ko dahil baka bigla itong lumihis. Wala pa naman akong suot na bra. 

Dim ang ilaw ng pumasok kami sa loob. Giniya kami ni Damon sa isang table bago siya nagpaalam na pumunta sa mga kasama niyang black list.

"See you later, Xue." paalam pa nito sa akin na sinimangutan ko lang. Natatawa lang si Wynn habang napapailing kay Damon. 

"He's hitting on you, Xue. Huwag kang pabudol sa playboy na iyon." saad ni Wynn na tinaasan ko ng kilay.

"Hindi ko siya type." 

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Pero type kong maging kayo ng kapatid ko, haha." hirit na naman niya.

"Tumigil ka, Wynn. Wala sa isip ko ang ganyang bagay. Sagabal lang 'yan sa buhay ko."

"Hahaha, come on, Xue. You should enjoy life and love is part of it." salungat naman niya.

Napailing na lang ako sa sinasabi niya. Yeah, love. . pero ibang pagmamahal ang alam ko.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon