Chapter 43

30 0 0
                                    


Magkasabay naming nilisan ni Cross ang lumang laboratoryo ng matapos naming halughugin ang loob.

Naroroon pa rin ang natuyong dugo ko sa sahig kung saan ako naupo ng mapunta ako sa lugar na iyon kaya sigurado na akong doon nga ako napunta. Dumagdag pa ang pahayag ni Cross na doon ang posibilidad na napupunta ang taong nakukuha ng halimaw katulad na lang ng nangyari sa aming dalawa.

Hindi ko na natanong pa kung anong nangyari sa kanya ng makuha siya ng mga halimaw noon. Sinaktan din kaya siya ng mga ito?

Wala pa si Grim ng makarating ako sa dorm ngunit isang bwesita naman ang nakatayo sa labas ng pintuan niya ng makarating ako doon.

"What are you doing here?" mataray na tanong pa nito sa akin.

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay tsaka ako sumagot.

"Dito ako nakatira, Venice." sagot ko. Kaagad na rumehistro sa hitsura niya ang inis.

"What?! No! That's not true." nababaliw na niyang bulyaw.

Napailing na lang ako sa kanya. Tinipa ko ang password na sinabi sa akin ni Grim kaya nabuksan ko ang pintuan niya.

"How did you know his password huh?" tanong niya ng ganap ng bumukas ang pintuan ng dorm.

Tamad ko naman siyang binalingan ng tingin.

"Kasi sinabi niya." ani ko. Lalo pa siyang nainis.

"Bitch! What did you do to him? May ginawa ka bang masama para makuha ang loob niya, huh?" mariing pambibintang niya.

Umikot na naman ang mata ko sa kanya.

"Pinainom ko siya ng gayuma." pantitrip ko.

Pumasok na ako sa loob upang matapos lang ang walang kwenta niyang pakikipag-usap sa akin ngunit nagawa niya ding sundan ako kaagad.

"What did you say?!" inis niyang ani at kaagad na sinabunutan ang buhok ko. Baliw ata ang isang ito.

"Bitiwan mo nga ako. Baliw ka na ba?!" piglas ko sa kanya. Nagawa ko namang makalayo sa kanya.

"Paglalaruan ka lang niya. You don't know about him kaya huwag kang magmalaking alam mo na ang tungkol sa kanya!"

"Hindi ko naman iyon pinagmamalaki." kunot-noo kong ani. Pinagsasabi ng baliw na ito?

"Mas nauna ako sayo, bitch! Wala ka pa ay ako na lagi ang kasama niya. Kahit saan siya magpunta. Sa loob ng academy at kahit dito sa loob ng dorm niya. We already spent our memories together. We spent our time in his bed. We kiss and taste each other." agad akong napangiwi sa huling sinabi niya. Kailangan pa ba talaga niyang sabihin iyon sa akin?

"Oh tapos?"

"Layuan mo siya! Wala kang karapatan upang makasama siya." palautos niyang ani.

"So, sino ang may karapatan, ikaw?"

"Yes. At hindi ikaw ang unang girlfriend niya, Xue. Stop dreaming about it. Ako ang babaeng unang minahal niya. Alam mo ba kung bakit siya lumalapit sayo, huh? Gusto ka lang niyang gamitin. Gagamitin ka niya sa mga bagay na hindi niya pa nararanasan at pagkatapos niyang magawa iyon ay basta-basta ka na lang din niyang iiwan. Babalikan niya ako at itatapon ka niya na parang basura." patuloy niya pa ring ani na pinakinggan ko din naman.

"Alam mo, mas mabuting si Grim na lang ang kausapin mo. Wala akong panahon sa ganitong drama. Wala akong pakialam kung ano ang meroon kayo kaya sa kanya ka magsabi ng ganyan. Naiintindihan mo ba, huh?" saad ko.

Bigla na lang niyang sinampal ang mukha niya. Tatlong beses niyang ginawa iyon na sobrang ikinakunot ng noo ko.

Baliw na talaga siya.

Pumalahaw siya ng iyak pagkaraan. Hinatak niya din ang suot niyang damit upang magkapunit-punit ito.

"Ano bang kasalanan ko sa'yo Xue? Bakit mo ako sinasaktan?" baliw-baliwan niyang aniya.

Kumunot lang ang noo ko sa pinagsasabi niya.

"Anong nangyayari dito?" napalingon ako sa biglang nagtanong. Hindi ko namalayang nakauwi na pala si Grim.

"What happened? What did you do to her?" tanong pa nito sa akin.

Napanganga naman ako sa tanong niya. Tahimik ko pang tinuro ang sarili ko.

"She hurt me, Grim. Gusto ko lang naman makipag-usap sa kanya pero kaagad niya akong sinaktan." umiiyak na ani Venice. Alam kong drama niya lang iyon.

Bahagya akong umatras. Pinag-cross ko pa ang kamay ko sa dibdib ko habang napapailing na nakatingin sa kanya.

"Baliw ka na nga talaga, Venice."

"Xue." tawag naman ni Grim sa akin.

Napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"Kausapin mo 'yang babae mo Grim. Baliw na ata 'yan eh." ani ko sa kanya.

"Enough, Xue. You should explain what really happened. Why you hurt her?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Paano mo naman nasabing sinaktan ko ang babaeng iyan, huh?" tumaas ang boses ko sa kanya.

"Look at her, Xue." utos pa nito na tamad ko lang na sinunod. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Venice.

"Get me out of here, Grim. Natatakot ako sa babaeng iyan." umiiyak pa nitong pakiusap na nagpauto naman sa gagong si Grim.

Inikutan ko siya ng mata at padarag na umalis sa harapan niya.

"Xue!" tawag pa nito ngunit tuloy-tuloy na akong pumasok sa kwarto. Malakas ko pang binagsak ang pagsarado ng pintuan upang maramdaman lang niyang galit ako sa kanya.

Pesteng uto-uto. Ang daling paikutin ng ulo niya. Tsk.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon