Chapter 9

65 1 0
                                    


Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view


Ilang distansya na lang ang layo ko sa East wing ng mapansin ko ang isang bulto ng tao. Kahit madilim ang paligid, alam kong nakatalikod iyon sa akin.

Pinilit ko pang aninagin iyon ngunit nag-umpisa na iyong maglakad.

Bumaling ako sa East wing. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hinahatak ang katawan ko upang sundan ang aninong iyon.

Malakas akong napahugot ng hininga ng sa bandang huli ay sinunod ko ang pagsunod sa taong iyon.

Tahimik kong sinundan ang may kadiliman niyang anyo. Hindi ko pa sigurado kung bigla ba iyong bumaling ng tingin sa akin bago ituloy ang paglalakad pero tinuloy ko pa rin ang pagsunod sa kanya.

Nang mapadaan siya sa may kaunting liwanag, doon ko napagtantong babae ang may-ari ng bulto ng taong sinusundan ko.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil naglalaro sa isipan ko ang posibilidad na siya ang kapatid ko. Maaari kasing binigyan ako ng pag-asa ng pagkakataon upang mahanap ko na siya.

"Cane?" wala sa sariling tawag ko na bahagya niya ding ikinalingon sa likuran habang kasalukuyan siyang naglalakad. Kahit hindi ako siguradong iyon nga ang kapatid ko, parang may nagbibigay sa akin ng kung ano upang banggitin ang pangalan niya.

Tuloy-tuloy ko lang siyang sinusundan. Hindi ko alam kung saang banda na ako nitong Academy nakarating. Patuloy ko lang na sinusundan ang aninong iyon hanggang sa makarating na ako sa isang arko na animo'y isang lagusan papunta sa kung saan. Lumapit ako sa bandang iyon. Inaninag ko ang loob niyon ngunit wala akong makita. Purong kadiliman lang ang nakikita ko. Ni katiting na liwanag ay hindi ata pumapasok sa lugar na iyon.

Nilibot ko ang paningin sa paligid ng arko at huminto ang mga mata ko sa isang pamilyar na nakaukit. Inaninag ko iyon mula sa kinatatayuan ko ngunit hindi ko iyon mapagtanto kung ano. Lalapitan ko na sana iyon ngunit napatigil na lang ako sa paghakbang ng may marinig akong kaluskos mula sa loob ng madilim na arko.

"C-cane." mahinang tawag ko dahil nagbakasakali akong baka nandoon siya sa loob.

Inaninag ko pa ng husto ang loob ng bahaging iyon ngunit wala talaga akong makita. Ni ang kaluskos na nanggagaling doon ay hindi ko na ulit narinig. Humakbang pa ako upang aninaging muli ang loob niyon ngunit muli na naman akong natigilan ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" malamig na sambit ng taong iyon na animo'y nanggaling siya sa kailaliman ng lupa.

Sinalakay ng magkahalong takot at gulat ang puso ko. Kung may sakit lang siguro ako sa puso ay kanina pa ako patay dahil sa sobrang lakas ng kabog nito ngayon.

Kahit kinakabahan ay dahan-dahan kong nilingon ang likuran ko at nanlaki na lang ang mata ko ng makita na naman ang lalakeng nakamaskara na nakita ko noong nagdaang gabi. Kaya ba wala siya sa party na ginaganap sa South, ay dahil nandito lang siya?

Nanatili akong gulat na nakatingin sa kanya. Ilang segundo pa ay dahan-dahan kong pinakawalan ang hiningang ramdam ko na namang pinigilan ko sa sandaling nakita ko siya.

"What are you doing here?!" mariin ulit niyang tanong na ikinakurap ko na.

Malalim akong napalunok. Pakiramdam ko ay namanhid ang dila ko. Ramdam ko din ang panlalamig ng buong katawan ko. Hindi ko lubos maisip na ganito ang epekto sa akin ng taong ito. Ni hindi ko nga siya kilala pero kung katakutan ko siya ay sobra pa sa mga taong nakasalamuha ko na dati.

"I.. I w-was.. I j-just l-lost my w-way." halos hindi ko na mahanap ang salita ko.

Pansin ko ang pagtaas ng kabilang labi niya.

Lalo akong natuod ng unti-unti siyang lumapit sa pwesto ko. Napigil ko na naman ang paghinga ko at tanging pagtitig na lang sa nakamaskara niyang mukha ang nagawa ko.

Pinilit kong ilihis ang paningin ko sa kanya kaya tinabingi ko ang ulo ko.

Tumigil siya sa paglakad ng nasa bandang gilid ko na siya. Rinig ko pa ang paghugot niya ng hininga bago mahinang magsalita.

"LEAVE!" mahina ngunit mabigat niyang sambit na halos nagpangatog ng tuhod ko. Hindi ko magawa-gawang ihakbang ang paa ko palayo. Gusto ko na ngang suntukin ang hita ko upang mawala lang ang animo'y pamamanhid nito.

Napayuko ako sa mga paa ko. Bakit parang hindi ako makagalaw? Hindi ko alam pero pakiramdam ko nakadikit ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. May kung anong bagay ang pumipigil sa akin upang magawa kong alisin ang mga paa ko sa kinaaapakan kong sahig. Kung pinaglalaruan lamang ako ng ilusyon ko sa mga sandaling ito, sa kabila ng kadilimang bumabalot sa lugar na ito kung nasaan ako, may mas didilim pa sa maitim na gabi ang naroroon ngayon sa ilalim ng mga paa ko. Na hindi ko mawari kung anino ko lang ba iyon o kung ano.

Hindi ko sinasadyang mapalingon ulit sa lalakeng kasama ko ngayon. Wala akong intensyon upang tignan pa siya ngunit kung gusto kong makaalis sa lugar na ito palayo sa kanya, sa palagay ko ay siya lang din ang makakatulong sa akin upang magawa ko iyon.

"P-push me.. I.. I c-can't move." nauutal kong sambit na pansin kong ikinakunot ng noo niya.

Nahiya akong napayuko patingin sa mga paa ko na ramdam kong sinundan niya din iyon ng tingin.

"Crawlers." pabulong niyang ani bago mahinang nagmura.

Naramdaman ko na lang biglaang pagbuhat niya sa akin.

Lalong nanlaki ang mata kong tumitig sa kanya. Lalo ding natuod ang katawan ko at tuluyan akong hindi nakapagsalita. Ni ang pagpalag sa ginawa niyang pagbuhat sa akin ay hindi ko na nagawa. Kakaiba ang nararamdaman ko. Hindi ko mapangalanan ngunit alam kong may mali talaga. Strangherong pakiramdam iyon na parang hindi. Hindi ko alam pero parang hindi sa akin ang pakiramdam na iyon. Naguguluhan ang isip ko lalong-lalo na ang puso ko.

Nang mahimasmasan ako, pinakiramdaman ko ang mga paa ko. Ginalaw ko iyon ng bahagya na nagawa ko naman.Pakiramdam ko gumaan iyon bigla na parang nakawala ako sa pagkakadikit ko sa isang bagay.

Patuloy niya akong binuhat hanggang sa makalayo kami sa lugar na kinatatayuan ko kanina. Balak niya pa nga atang buhatin ako hanggang mabalik niya ako sa field na dinaanan ko kanina kung hindi ko lang ulit nahanap ang salita ko.

"I-I'm fine here." saad ko kaya napahinto siya sa paglalakad niya at tahimik lang din akong ibinababa. "S-salamat." muli kong sambit na hindi niya binigyan ng reaksyon.

Nilibot niya ang paningin niya.

Isang malalim na paghugot lang niya ng hininga ang narinig ko.

Segundo ang nagdaan ng walang salita niya akong iniwan sa kinatatayuan ko. Madilim din ang paligid kaya hindi ko na nakita kung saan siya tumungo.

Malalim din akong humugot ng hininga at muling tinignan ang mga paa ko. Muli ko na namang ginalaw ang mga daliri ko na kani-kanina lang ay hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa-gawa. Pakiramdam ko may kakaiba sa lugar na pinanggalingan ko o baka imahinasyon ko lang iyon dahil sa kabang naramdaman ko dahil na din sa lalakeng iyon.

Dahan-dahan na akong naglakad patungo sa West wing.

Medyo hindi ko pa kabisado ang lugar ngunit mahahanap ko din naman siguro ang daan pabalik sa dorm ko.

Napatingin ako sa relo ko. May labin-limang minuto pa bago mag alas 10. Nilibot ko ang paningin ko sa madilim na paligid habang dinadagdagan na ang bilis ng paglalakad ko. Muli na namang sinalakay ng kakaibang kaba ang puso ko. Kabang hindi ko alam kung para saan. Bigla din akong kinilabutan na nagpapanginig sa mga kalamnan ko. Hindi ko maintindihan pero natatakot ako.

Ngayon ko labis na napagtantong hindi lang pala ang lalakeng nakamaskarang iyon ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng takot. Alam kong may kakaiba. Hindi lang 'yun dahil sa naiisip kong multo. Hindi ko man alam kung anong misteryosong bagay na nagbibigay takot sa akin ngayon ngunit malalaman ko din iyon.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon