Chapter 46

35 1 0
                                    


Nahatid namin si Mel sa clinic. Nagdadalawang isip pa nga itong gamutin ng nurse doon ngunit ng pagbantaan na ito ni Vegas ay ginamot na din nito si Mel.

"Ikaw muna ang bahala kay Mel." ani Vegas kay Jean.

Hinila ako nito papunta sa kabilang silid ng clinic kaya nagtaka ako.

"Kailangan ding gamutin ng mga pasa at sugat mo." saad nito habang nakatingin sa braso ko.

Halos makalimutan ko ng may sugat din pala ako.

"Si Venice ba ang may gawa nito sayo?" tanong niya kapagkuwan.

Nanatili akong tahimik. Nag-iisip ng tamang isasagot. Alam kong kapag nalaman niyang mga yellow card ang gumawa sa akin nito, malalagot sila sa kaniya pati na din sa ibang blacklist.

Malalim akong humugot ng hininga. Kailangan ko ba talagang pagtakpan ang mga taong nanakit sa akin upang hindi lang sila masaktan?

"Huwag na nating pag-usapan pa ang tungkol doon, Vegas. Ang mas gusto kong malaman ngayon ay kung ano ang papel mo sa mga taga-East wing. Bakit ganoon na lang ang epekto nila sa pagtitig mo sa kanila kanina?" tanong ko upang mawala ang pansin niya sa mga sugat ko.

"They are my friends." simpleng sagot naman niya.

Nangunot ang noo ko.

"Friends?" hindi naniniwalang saad ko.

Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin. Alam kong may iba pang dahilan. Pakiramdam ko may mataas siyang katungkulan sa mga East wing na nililihim lang nila upang hindi malaman ng ibang wing.

Bumuntong hininga ako. Halatang ayaw niyang malaman ko ang tungkol doon. Pero kung ano man iyon alam kong may koneksyon iyon sa panggugulpi ng mga blacklist sa kanya noong una ko siyang makita.

"What do you do now?" tanong ni Vegas sa akin kalaunan. Natapos na niyang magamot ang mga sugat ko.

"Continue and leave." ani ko.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niya namang tanong.

Umiling ako.

"Tsk. Wala."

Mahina naman siyang natawa. Bahagya siyang sumandal sa upuan marahil nangawit ang likod niya.

"Galit ka kay Grim." aniya kapagkuwan. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Tsk. Galit din ako sa lalakeng iyon. Parehas lang pala tayo." pakikiayon niya sa nararamdaman ko.

"Bakit ka galit sa kanya?" tanong ko naman.

"Galit ako sa lahat ng blacklist." aniya.

"Mga kaibigan mo din sila noon, di ba?"

"Noon 'yun, Xue." may pagdidiing aniya. Nasabi na din naman niya sa akin ang dahilan noon kaya hindi ko na siya tinanong pa.

"Tsk."

"Bakit ka galit kay Cross?" tanong ko pagkaraan sa kanya.

Napabuntong hininga naman siya.

"He's the reason kung bakit nawala ang babaeng mahalaga sa akin, Xue." aniya. Napatingin siya sa kawalan habang animo'y inaalala ang nakaraan.

"Si Yuan ba ang tinutukoy mo?" ani ko. Unti-unti naman siyang napalingon sa akin.

"P-paano mo nalaman ang pangalan niya?" nagtataka niya pang tanong.

"May binanggit lang si Cross sa akin noong nakaraan." sagot ko. Automatikong nag-iba ang mukha niya.

"Tsk."

"Magkaibigan din ba kayo ni Cross dati?" muli kong tanong.

"Yeah. Cross was my bestfriend." kaagad niyang sagot.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon