Chapter 28

39 0 0
                                    

Tahimik kong pinasok ang school office upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng laboratoryo. Hinalungkat ko pa ang mga papeles na nakakalat lang sa lamesa ng ama ni Grim.

"Bingo." saad ko ng may nabasa ako.

"Liveid National Laboratory." basa ko pa sa isang papel na animo'y isang resita.

"Dievil Drug Medicine?" iyon ang nakasulat sa ibabang bahagi niyon.

Nangunot naman ang noo ko dahil sa pangalan ng gamot na iyon.

Muli kong nababa ang papel at mabilis na nagtago sa likod ng kabinet ng may narinig akong papasok sa office. Napahawak pa ako sa dibdib ko ng muntikan na akong makita.

"Where is it? Oh, there." ani ng taong pumasok. Bahagya ko naman iyong sinilip at ang ama ni Grim ang nandoon. Binalingan ko din ng tingin ang isa pa niyang kasama at nakadamit pang-doctor iyon. Ibig sabihin, maaring papunta iyon sa laboratoryo.

"Cross, come in." ani ng doctor na nakatingin sa pintuan tsaka naman ang pagpasok ni Cross.

Nanatili akong nakamasid sa kanila. Pansin ko pa ang pagkunot ng kilay ni Cross habang nagpalinga-linga sa paligid. Potcha, naramdaman ba ako ng isang ito?

"What's wrong?" anang doctor.

"Nothing, dad." sagot naman nito. Ama niya ang doctor na iyon?

Tinigil na din niya ang pagtingin sa paligid.

"We need a new subject, Mr. Aguirre. Humihina na ang mga nauna." ani ng doctor na ama pala nitong si Cross.

Napatingin naman si Mr. Aguirre kay Cross.

"Si Cross na ang bahala, Mr. Ferre. Simula ngayon ay siya na ulit ang inaatasan ko sa bagay na iyan." ani Mr. Aguirre kaya napabaling ang tingin ko kay Cross. Nakita ko pa ang pagkuyom niya ng kamao bago tahimik na tumango.

Ano ba ang pinag-uusapan nila? Para saan ang bagong subject? Puta naman!

"Be sure na maging successful na ang eksperimentong ito, Dr. Ferre. We spent a lot of time and effort and even putting everybody's life in danger. Hindi na tayo pwede pang mabigo sa pagkakataong ito." seryosong ani Mr. Aguirre. May kinalaman ba ang pinag-uusapan nila sa eksperimentong gumagamit sa mga studyante sa paaralang ito?

"Don't worry Mr. Aguirre. May mahahanap ding bagong subject si Cross at tiwala akong magtatagumpay na ang eksperimento sa pagkakataong ito." nakangiting saad naman ng doctor tsaka ito bumaling sa anak niyang nanatili pa ring tahimik.

Bumalik ulit ang tingin ko kay Cross. Ano bang subject ang tinutukoy ng ama niya?

"That's impressive." natutuwang ani Mr. Aguirre.

"Obcourse, he's my son." may pagdidiing saad din ni Dr. Ferre.

Napansin ko ulit ang pagkuyom ng kamao ni Cross ngunit nanatili pa rin ang seryoso niyang mukha.

"As long as you remember what you have promised, there will be no problem, dad." pagkaraang saad ni Cross sa ama. Unti-unting napawi ang nakikita kong ngiti sa mukha nito at sumeryoso na ding bumaling sa anak.

"Don't worry, son. I will never forget about that." saad din ng ama nito.

Ilang segundong nanatili ang katahimikan. Isang pagtikhim ni Mr. Aguirre ang bumasag niyon.

"You can go first to laboratory, Cross. May iba pa kaming pag-uusapan saglit ng ama mo." ani Mr. Aguirre na tinanguan ni Cross.

Tumango na din ito sa ama bago pa lisanin ang loob. Bigla tuloy akong namroblema kung paano ko susundan ang isang iyon.

Liveid High Academy (the present time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon